*2U* Chapter 5


(ken POV)
Ken- Ayo! Guyss. May sasabihin ako.
Renz(bandmate)- Ano na naman ba yun?
Ken- Matutuwa kayo.
Jim(bandmate)- bakit? Pagkain ba yan?
Ken- hindi.
Myel(bandmate/girl)- teka nasan ba si Syto?
Ken- ewan ko! Sabi ng makinig kayo eh!
Renz- ano ba kasi yun?!!
Ken- tinawagan ako ni Sir Luke, may guesting daw tayo!!!!
+ napatayo silang lahat maliban kay Myel na halatang hinihintay na naman si Kuya.
Jim- hoy! Baka kami pinagtitripan mo lang ha.
Ken- hindi nho.
Renz- talaga ba? San ba yan? Sa GMA? ABSCBN? TV5? Anooooo????
Ken- uhmmm. s-sa party lang.
+ napabalik sila sa pagkakaupo at sinamaan ako ng tingin.
Renz- Guesting mo muka mo, gig yun! Gig yun!!!
+sabay pitik sa tenga ko.
Ken- hindi ba guesting din yun?
+ tinalikuran na lang nila ako at tinugtog ang mga instrumento nila.
Myel- Ken! Magusap nga tayo saglit.
+ hinila ako palabas ni Myel ng music studio.
Ken- bakit? Itatanong mo na naman kung nasan si kuya, alam naman natin na walang nakakaalam kung san sya nakatira eh.
Myel- bakit wala sya kagabi nung nagperform tayo?
Ken- may ginawa sya.
Myel- ano?
Ken- malay ko.
Myel- ken!!
Ken- ang kulit mo naman eh!
Myel- bibigyan kita ng latest album ng–
Syto- bakit kayo nasa labas?
Myel- Syto.
+ tiningnan lang sya ni kuya sabay pasok na sa loob.
Ken- pumasok na kasi tayo. Kulit mo kasi eh.
Myel- no! Hanggat hindi mo sinasabi sakin kung san nakatira si Syto. Alam kong alam mo na.
Ken- sabi ng hindi, kelan ba sinabi ni kuya kung san sya nakatira ha? Isa pa ultimong pupuntahan nya di nga natin alam eh.
Myel- kahit konti wala ka paring alam sa kanya?
Ken- kilala natin si kuya, misteryoso yun.
Myel- bat ba kasi—
Syto- pangalawang bahay, pagkalampas ng west village.
+ napatingin kami sa pinto, nakatayo pala si kuya don.
Ken- kuya?
Syto- kapag may kaylangan kayo, dun nyoko puntahan.
+ nanlaki pareho ang mata namin ni Myel. Pumasok na kami sa loob.
Ken- kuya, nilalagnat ka ba? Sigurado ka ba dun sa sinabi mo? Dun ka nakatira?
+ tiningnan nya lang uli ako sabay upo sa harap ng piano.
Myel- kung ganun, pupunta kami don. Its necessary na alam ng lahat bawat simpleng impormasyon ng isat isa.
Jim- seryoso, sinabi mo na kung san ka nakatira?
Ken- isa ka pang makulit eh.
+ hindi na lang umiimik si kuya, nakakabigla yung biglang sinabi nya kung san sya nakatira. Pero nakakatuwa rin, atleast ngayun, madadalaw na namin sya. Nag ensayo na kami para sa Gig namin.
(Syto POV)
+ nagpahinga kami saglit para magmeryenda, lumabas muna ako para magpahangin, maya maya kasunod ko na si Myel.
Myel- anong meron sayo ngayun?
Syto- anong ibig mong sabihin?
Myel- yang awra mo. Parang iba ka ngayun.
Syto- simpleng bagay binibigyan mo ng kahulugan.
Myel- sabi mo eh. Sya nga pala. Mawawala ako ng 2 weeks. Pinalalakad sakin ni Sir yung papers para sa proposal recording satin.
Syto- ikaw ang bahala.
Myel- gusto mo bang sumama?
Syto- ingat ka sa byahe.
+ tapos tinalikuran ko na sya. Si Myel ang isa sa mga natulungan kong katulad ko, mabait sya, dedicated at matiyaga, alam kong may nararamdaman sya para sakin, pero dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanya, hindi ko matapatan ang nararamdaman nya. Kinailangan ko syang balewalain ng paulit ulit. Hanggang sa tumigil na sya.
(Tanya POV)
+ Nandito ako ngayon sa company nila Enzo, itinuro na nya kung san ang desk at kung ano ang mga dapat kong asikasuhin. Pinakilala nya narin ako sa mga co workers ko. Okay naman lahat sila palangiti kay hindi naman siguro ako mahihirapan.
Enzo- ano ok na ba sayo to?
Tanya- oo naman. Salamat Enzo ha.
Enzo- basta ikaw. Sya nga pala, mamayang lunch sabay na tayo, puntahan mo na lang ako sa office ko ha.
Tanya- okay.
+ umupo nako sa desk ko. Maya maya may lumapit saking babae.
Nica- hi. Nica nga pala.
Tanya- Hi.
Nica- welcome here. Salamat naman at may Organizer na uli kami. Naku, ngayun pa lang sasabihan na kita ha. Para di ka manibago. Sobrang dami ng ginagawa ng organizer kaya, sana patience ha. Tsaka if need mo ng help, nandito lang kami. Okay?
Tanya- Ganun ba? O sige salamat.
+ nginitian nyako tapos ay bumalik na sa pwesto nya. Maya maya naman may lumapit na lalake sakin at naglagay ng sang katerba ng papers sa desk ko.
Ben- hi. Pa welcome ko nga pala sayo.
+ napa nganga ako sa dami nun.
Ben- wag ka mag alala kulang payan haha.
Tanya- ahh hehe.
Ben- masanay ka na. Ganyan talaga dito araw araw
Tanya- hmm. Kaya yan.
Ben- Ben nga pala. Assistant.
Tanya- ahh. Tanya.
Ben- okay. Goodluck.
+ napatawa na lang ako ng marealize ko na ang dami talaga nitong ioorganize kong papers. Kasama na ang editing at dates. Pero anyway nagsimula nako. Bago pa mag lunch break, nangalay na ang kamay at likod ko. Kaya bago pumunta sa office ni Enzo, uminom muna ako ng tibig at hinimas himas ang likod at batok. Pagkatapos ay nagtungo na kay Enzo.
*toktoktok*
Enzo- Pasok lang. Oh! Oo nga pala. Lunch break na. Sorry di ko namalayan.
Tanya- okay lang.
Enzo- ililigpit ko lang to saglit ha.
Tanya- sige lang.
Enzo- uhmm so, kamusta? Nahirapan ka ba?
Tanya- hindi naman. Nanibago lang siguro kasi first time ko mag work eh. Pero kaya naman. Tsaka, swerte ko na nga eh.
Enzo- hmm. So san mo gusto kumain?
Tanya- uhm., kahit san.
Enzo- o sige.
+ lumabas na kami at pumunta sa malapit na restaurant.
Tanya- sigurado ka bang dito tayo kakain? Hindi ba masyadong mahal dito?
Enzo- cool ka lang. Masarap ang pagkain dito.
+ hinila nya nako sa isang upuan. Namili na sya ng pagkain, sya narin ang pinapili ko ng akin.
Enzo- sya nga pala.
+ may kinuha sya sa pocket nya na cellphone.
Enzo- sayo nato.
Tanya- ha? B-bakit?
Enzo- ganto talaga sa company namin. Pa welcome gift yan sa bawat papasok na workers. Si mommy ang nakaisip nyan.
Tanya- ang sosyal naman may pa cellphone.
Enzo- tanggapin mo na.
+ tinanggap ko na. Nagpasalamat ako.
Enzo- wag ka mag alala hindi namin babawiin yan kung sakaling umalis ka ng company. Haha.
Tanya- hmm. Salamat uli.
+ dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos ay bumalik na sa trabaho. At dahil unang araw ko nga, hindi ko talaga maiwasang mapabuntong hininga dahil sa dami agad ng inaayos. At masasabi kong natapos ang araw na to na napakasakit ng likod ko. Nagpaalam nako kay Enzo at sa mga co workers ko dahil tapos na ang office hours ko. Sumabay na sila Nica at Ben sakin palabas.
Nica- hayss kakapagod no?
Ben- di ka pa nasanay.
Nica- sya nga pala, may tanong ako sayo Tanya.
Tanya- hm?
Nica- uhmm, may gusto ba sayo si Boss Enzo?
Tanya- HA?!! pano mo nasabi?
Nica- uhmm, kasi sabay kayo nag lunch kanina, plus iniinsist pa nya na ihahatid ka na nya.
Tanya- walaa. Mabait lang talaga sya diba? Tsaka magkasundo talaga kasi kami agad nung unang pagkikita namin.
Nica- ahhh.
Ben- di ka sure.
Nica- tss!! Hoy Ben, bat ba nakikisabay ka samin pauwe? Ha? Bakla ka ba?
Ben- gusto mo halkan kita?
Nica- ewww!!!!!
Ben- tamo!!
+ haha. Kakatuwa sila. Naghiwa hiwalay na kami. Ako naman dumeretso na pauwe. Talagang gustong gusto ko na ihiga ang likod ko. Pagdating ko sa bahay diretso ako sa ref at uminom ng tubig sabay akyat sa kwarto at naupo saglit sa gilid ng kama, habang minamasahe ko anng batok ko. Inayos ko saglit ang gamit ko pati ang kama. Nagulat na lang...


ako ng pagtingin ko sa pinto, nandun si Syto at nakasandal patagilid sa pinto, may dalang baso ng tubig at nakatitig sakin.
Tanya- anong ginagawa mo dyan?
+ pumasok sya at ipinatong ang baso sa salaminan ko sabay seryosong lumapit sakin. Ngayun ko lang napansin na napaka simple ng suot nya. Naka short na hanggang tuhod at naka t-shirt ng puti. Napatitig ako sa kanya dahil napaka pleasing nya sa mata.
Syto- sigurado ka ba sa tanong mo?
+ bigla nyakong itinulak kaya napahiga ako sa kama, napa atras ako ng bigla syang umibabaw sakin at hinawakan ang magkabila kong kamay sabay lapit ng muka sa muka ko.
Tanya- ano na naman bang problema mo?
Syto- Anong oras na Tanya?
+ magtatanong lang pala ng oras, ang daming alam. Tumingin ako sa wall clock ko at—
Tanya- 6:30 na? A-agad?!!
Syto- mismo!!
+ medyo napalunok ako ng marealize ko na lampas nako sa oras na pinag usapan namin na dapat umuwe nako ng alas 5.
Syto- hindi na naman pala tayo nagkaintindihan.
Tanya- S-syto! Sorry, hindi ko kasi namalayan.
Syto- hmm?!!!
Tanya- hindi ko talaga namalayan promise!
Syto- ano na naman kayang parusa ang gagawin ko.
+ mas humigpit ang kapit nya sa dalawa kong kamay.
Tanya- Syto parang awa mo na. Pagod na pagod ako ngayun. Tatanggapin ko ang parusa mo pero pls wag ngayun, pagpahingahin mo muna ako.
Syto- may sinasabi ka?
Tanya- Syto!!
+ nagulat na lang ako ng bigla nyang marahan na hinalikan ang ilong ko. Napatitig ako sa kanya. Seryoso ang ekspresyon nya. Ako naman, heto nalilito. Bat nya ginawa yun? Di ko na naman mabasa kung ano ang iniisip nya. Di ako makagalaw ng muli na nman syang lumapit at hinalikan ako sa noo. Pababa sa pisngi. Ewan ko pero bakit hindi ko kayang igalaw ang katawan at kumawala sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang hininga nya. Idinikit nya ang ilong nya sa ilong ko. Binitawan ang isa kong kamay at hinimas ang pisngi ko pababa sa baba ko at iniangat yun ng konte. Parang nararamdaman ko na kung ano ang gagawin nya. At nagtataka ako kung bakit hindi ako umiiwas. Pinagmasdan ko ang mata nya, pati ilong hanggang sa makarating ako sa labi, napalunok na lang ako ng marealize ko kung gano kalapit ito sa labi ko. Hanggang sa di ko namalayang pumikit nako.
Syto- Tanya….
+ sinabi nya yun sa mahinang boses. Hindi ako sumagot bagkos hinintay ko kung ano ang sasabihin nya. Bumaba ang kamay nya sa bewang ko at hinila ng bahagya palapit sa kanya.
Syto- May sasabihin ako.
Tanya- hmmm…
Syto- kamusta?
Tanya- hmm??
Syto- Kamusta ka dyan sa panaginip mo?!!!!
+ Napamulat ako, tsaka ko lang napagtanto.
Syto- Kanina pa kita ginigising!!!!!
+Napabalikwas ako ng bangon! Panaginip lang?!!! Shemay!!!!! Nakakahiyaaa….. Nakita ko syang nakatayo sa gilid ko at naka cross arms habang nakatingin sakin.
Syto- Bat ganyan muka mo??
+ agad akong tumayo.
Tanya- ha? Ahh, sorry. Di ko namalayan na nakatulog nako. Sobrang pagod lang kasi.
Syto- ahh!! Kaya pala parang may masarap sa panaginip mo?!
Tanya- Sinasabi mo dyan? Nanaginip lang ako na. Kumakain daw ako ng cake kaya ganun.
Syto- hmm. Parang hindi..
+ tapos ngumiti sya sakin ng sarcastic.
Tanya- ahh, nakalimutan ko, di pa pala ako nagbibihis, pwede bang lumabas ka muna?!
Syto- Inu utusan mo ba ko?!!
+ tapos sinamaan nyako ng tingin.
Tanya- h-hindi, kaylangan ko lang kasi talagang magbihis. Please.
+ ngumiti na naman sya ng bahagya. Napatingin ako sa suot nya, at ganun na ganun nga sa panaginip ko. Umiwas agad ako ng tingin. Lumapit sya sakin ng dahan dahan. At marahan rin akong sinakal ng bahagya sa leeg. Demonyo talaga, kaya napatingala ako.
Syto- kapag kaylangan mo ng tulong, nasa baba lang ako..
+ masasabi kong naginit ang muka ko sa sinabi nya, kaya kumawala agad ako at umatras. Sya naman, tumalikod na at bumaba. Napahawak ako sa pisngi ko. Parang may naghahabulan sa dibdib ko. Bakit ba lagi nyang pinaparamdam sakin to?!!
(Syto POV)
+ Ewan ko pero natutuwa akong asarin sya, hindi ko alam kung bakit pero, napakasarap nyang titigan pag naaasar sya. Binuksan ko ang TV at umupo sa sofa. Maya maya narinig ko na syang pababa ng kwarto nya. Lumapit sya sakin at may iniaabot.
Tanya- oh!
+ iniaabot nya sakin ang isang cellphone.
Syto- aanhin ko yan?
Tanya- ahh, n-napansin ko lang kasing wala ka atang cellphone. Kaya sayo nato.
Syto- di ko kaylangan yan!
+ humarap na uli ako sa TV.
Tanya- o sige. Nagbaka sakali lang naman ako na baka bigla mo kong kaylanganin edi matutulungan kita. Pero sabagay….
+ napaisip ako sa sinabi nya. Mas maganda nga siguro kung malalaman ko lahat ng ginagawa nya at kung san sya napupunta. Tatalikod na sana sya ng hinablot ko ang cellphone. Nagitla sya.
Tanya- akala ko ba di mo kaylangan.
Syto- hindi nga, ayoko lang na may magagamit ka pang ibang cellphone. Malay ko ba kung sino sino ang katawagan mo!
+ sinamaan nyako ng tingin sabay inirapan at pumunta sa kusina. Tsk!! Para namang may magagawa sya. Sumunod ako sa kanya na nakaupo at kumakain sa mesa. Umupo ako sa harap nya.
Tanya- Bakit?
Syto- sang probinsya ka nanggaling?
Tanya- bat mo inaalam?
Syto- tinatanong kita.
Tanya- ***** province.
Syto- ilang taon ka na?
Tanya- 22
+ hm! Mabuti ng alam ko. Tumayo na ulit ako at nanuod ng TV. Sya naman nakatingin lang sakin. Medyo tahimik kami ng bigla syang mabulunan. Kaya napatakbo ako sa kanya.
Syto- sira ulo ka ba?!! Tanda mo na nabubulunan ka pa!!
+ hinampas hampas nya ang dibdib nya. Kumuha agad ako ng tubig at pinainom sa kanya. Maluha luha sya ng nahimas masan na sya.
Syto- tumingin ka nga sakin!
+ napatingin sya agad sakin.
Syto- ano bang iniisip mo?!!
+ tumayo sya agad at pumunta sa lababo.
Tanya- wala.
Syto- Wag mokong tinatalikuran ha.
Tanya- wala nga.
+ alam kong okay na sya. Hinugasan na nya ang pinagkainan nya, pero pansin kong panay ang inat nya, halatang pagod talaga ang babaeng to. Ng matapos na syang maghugas. Hinila ko sya papunta sa sofa at iniupo don patalikod sakin.
Tanya- ano na naman?
Syto- wag kang malikot.
+ minasahe ko saglit ang batok nya. Nung una umiwas sya pero ibinalik ko rin sya.
Tanya- ok lang ako.
+ hindi ko na lang sya pinansin at minasahe ko na lang ang balikat at likod nya. Tahimik lang sya.
Syto- bakit ba napaka kulit mo? Sadya bang ganyan katigas ang ulo mo? Isip bata ka ba para mabulunan pa? Isa pa, pasalamat ka at di ko na pinansin ang oras ng uwe mo kanina.
+ tahimik lang sya. Ewan ko pero naiinis talaga ako madalas kapag sumasagot pa sya.
Syto- isa pa, pag tinatanong kita, isang lang ang gusto kong marinig, yung sagot na hinahanap ko. Nagkaka–
(snoring……..)
+ napatigil ako ng marinig ko syang humahagok. Ng bitawan ko sya, nagdire diretso sya ng higa sa hita ko.. Ganito sya kapagod!! Pinagmasdan ko ang muka nya, hindi sya ganun kagandahan pero sapat na para magustuhan ng kahit na sinong lalake, napaka inosente nya pag tulog. Umiwas ako saglit, hindi pwede to, kahit ako hindi pa sigurado kung anong ginagawa ko. Binuhat ko sya ng marahan, pagkatapos ay iniakyat sa taas at inihiga. Hindi muna ako bumaba, at umupo lang sa tabi nya. Hindi ako ganto dati, hindi ko to ginagawa dati, pero bakit parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maiwasan..tumingin ako sa relo ko hindi para tingnan ang oras, kundi para tingnan ang pangalang nakatatak dito. Clarisse, hanggang san to aabot? Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa noo. Balang araw malalaman ko rin kung bakit ginagawa ko to.
Itutuloy…….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top