Perfect Match 24


Sa isang abandonadong bahay nagising si Karena. Nakatali ang Kanyang mga kamay at paa,habang Nakagapos siya sa isang haligi. Sa gitna ng bahay siya nakapwesto..
Ang natatandaan niya ay nakipagkita siya kay
Elise, sa clubhouse malapit lang ito sa Mansyon.. Nakita niyang naktalikod ito. Ngunit bago pa sya makarating sa kinaroroonan nito ay may lalaking tumakip sa ilong niya gamit ang panyo kaya sya ay nawalan ng malay.
At dito na sya nagising. Nakatali.
Ilang lalaki ang nakabantay sa kanya ngayon.
“mabuti naman at gising kana”, ! Bati ng lalaki sa kanya.. Matangkad ito at Nasa 30 na ang edad.. Katamtaman lang ang katawan nito.
” Sino kayo bakit ninyo ako ikinulong dito”?tanong niya sa mga ito.
“Pasensya ka na babae, napg utusan lang kami.
Trabaho lang ito! Paliwag ng isa. Walang imosyon ang salita nito.
Sino ang nag utos sainyo..?
” Wag ka ng tanong ng tanong, malalaman mo din iyon sa tamang oras kaya ngayon kumain ka muna..”
” Hindi ako kakain!
“Ay e wag ikaw din ang magugutom!
Makailang beses syang binigyan ng pag kain ng mga ito, pero Hindi niya gingalaw.
Dalawang araw na sya doon Hindi siya kumakain. . Blangko pa rin sya kung sino ang nagpa dukot sa kanya..Hindi niya alam kung anu ang mangyayari sa kanya.
” Karena kumain ka na..!
Hindi ako kakain! Bakit pa ako kakain eh
Papatayin nyo din naman ako!
” Karena kumain ka na masyado ka namang eksayted sa kamatayan mo..”nakangisi nitong sabi.
Nag ring ang telepono ng ng lalaki..dalawang telepono ang hawak nito..
” Hello boss!
“Andito po! Inilapit ng Lalaking yon ang telepono
Sa taenga ng dalaga.. “mag salita ka!, Karena.”!
Anang lalaki.
Tiningnan niya lang ito ng masama” .. Anu ba
Mag salita ka!, ” sigaw nito sa kanya.. Hindi pa rin sya nag salita..
” Anu boss ayaw eh.”. Senenyasan ng lalaking may hawak na cellphone ang kasama nito na malapit karena.. Walang anu-anu ay Inilapit ng lalaki ang bibig sa leeg ni Karena.. Kaya napasigaw ang dalaga..
“anuba!! Lumayo ka sa akinnnn!! Ayoko wag mo akong hahalikan!! Sigaw niya..
O, anu narinig mo na? Naniniwala ka na? Dinig niyang sabi ng lalaki.. Inilapit muli nito s kanya
Ang telepono..
Karena!! , Anu gingawawa nila sayo dyan..??
Narinig niyang boses ni Gregor ..May bahid na pag – alaala ang tinig nito. Pinangkinggan lang niya iyon..
“Karena mag salita ka naman please!! Anung ginagawa nila sayo dyan?, Hintayin mo ako
Ililigtas kita..” wika ni Gregor sa kabilang linya..
Halatang tensyonado ang bosses nito.at punong – puno ng pag-alala.
“Magsalita ka” !, sabi ng lalaking bantay..”, mag salita ka kung ayaw mong halikan pa kita….”, papanakot nito.
” Gregor.., alagaan mo si Nathan ikaw na bahala sa kanya ha..?, Kung Hindi mo sya kayang alagaan ibigay mo sya sa nanay ko, pakiusap .”. Wika niya sa kabilang linya.
” Karena anu bang sinasabi mo? hintayin mo lang ako ha.? ., “. .iyon lamang ang narinig niya at Inilayo na sa kanya ang telepono ng lalaki..
.._____**
” Gregor pumayag ka na hiling ni Mr. Montesa
Pakasalan mo si Elise kapalit ng buhay ni Karena”.,
“Jerald how can you be so sure na tutupad
Si tito Eddie sa kondisyon niya sakin?
Sige nga?
“Kailangan mong subukan. Kung kinakailangan Sumugal ka gawin mo para Para sa kaligtasan ni Karena”! Despiradong suhestyon ni Jerald.
” Ayoko! Hahanap ako ng ibang paraan para iligtas sya.”!
“Anung naisip mo?
pupuntahan ko sya.! ”
” Pano kung patayin sya ni Tito bago ka pa makarating?
“Basta tulad ng sinasabi mo kailangan kung
Sumugal. Pupuntahan sya..kahit Pakasalan ko pa si Elise Hindi pa rin tayo makakasiguro
Kung tutupad sya. Isang syang tuso, gagawin niya ang lahat para mapasunod ako.. .Kaya makikipagsabayan Ako sa kanya.
” Gregor hindi ako sang ayon sayo.
” So pano Pakasalan ko si Elise?, yon ba ang gusto mo?, Jerald kung
Gusto mo ikaw na lang ang magpakasal sa kanya!, Huwag mong ipilit sakin yon dahil Hindi ko gagawin yon kahit kailan..!, Matigas na wika ng lalaki
“Matigas talaga ang ulo mo bahala ka!
Hindi pinansin ni Gregor ang sinabi ng kapatid
Biglang tumunog ang cellphone niya..
” Hello, Pablo KumustA yong pinagawa ko
Sainyo..!?
“Ito na boss nakita na namin,
” Ibigay mo sakin ang address
“Okay boss!
” Jerald alis na ako may pupuntahan ako,
Ikaw na ang bahala dito. Si Nathan
Pakibantayang mabuti..
“Sige mag-ingat ka.
______-🍀☘️
Panagatlong araw na ni Karena sa lugar
na yon. Pakiramdam niya nanghihina na sya
Tubig lang kasi ang tanging laman ng tiyan
Niya.. Hindi sya umaasang maililigtas pa sya ni Gregor.. Ayaw niya rin pumunta pa ang lalaki
Para lamang iligtas sya dahil ayaw niyang
Mapahamak pa ito..
Gabi, tulog na ang mga bantay.. May sampong katao iyon ang iba nagsusugal..habang tumatagay.. May kalayuan iyon sa kanya..
May narinig syang mahinang kaluskus..
Nagulat siya ng biglang tumumba ang isang bantay na malapit sa kanya na nakatalikod, iyon
At kitang – kita niya kung pano ito natumba. Isang punyal ang tumama sa likod nito..
Kinabahan sya..nag – abang siya kung anu ang susunod na magaganap.
Isang lalaking nakaitim na full gear na itim
Ang lumapit sa kanya..AGAD nitong kinalagan ang tali niya.
” Sino ka?, mahinang tanong niya dito nakabonet na itim ito kaya Hindi niya makita ang mukha.
” Wag kang maingay tatakas tayo”, ! mahinang sabi ng lalaki. mabilis ang kilos nito.. Kaya madali siya nitong na tanggalan ng tali..
Tila sanay na sanay ito sa ginagawa
Ngunit wla syang tiwala dito,nag aalinlangan siya kung sasama ba sya o Hindi..” Sino ka ba talaga ipakitamo sakin ang mukha mo”!
Narinig sila ng bantay..
“May nakapasok” !, Sigaw ng lalaki sabay paputok sa kanila.. Bang!! ! Bang!!
Nakadapa ang dalawa at nakatago sa dingding na kahoy.. Grabi ang kaba at takot ni Karena ng mga sandaling iyon.. Bahagya niyang inangat ang ulo.. Nakita din niya na umangat ang ulo ng lalaki ng biglang umaligaw ngaw ang putukan..
AGAD niyang ibinaba ang ulo niya
Nakipagsabayan ang lalaki sa mga ito.. Halos mabingi siya sa lakas at walang patid na putukan na yon.. Gumapang sila patungo sa mas Matibay na pader. “Dyan ka lang wag kang aalis”!matoridad na wika ng binata.
Gumapang ang binata sa isang bwelo at ligtas na lugar at Nakipagsabayan ng putokan sa mga lalaki..halos walang patid ang putukan na yon..
Ilang saglit pa sumigaw si karena.”Bitawan mo ako”!!!
“Halika dito wag kang magulooo”!!!! Gigil na sabi ng lalaking may hawak sakanya. Itinutok nito ang hawak na baril sa sintido niya..
Napalingon sa kanya ang binata.. At biglang naitutok nito ang baril sa dereksyon nila..
Hindi natinag ang may hawak sakanya..
“Hoy ikaw, Bitawan mo yang hawak mo kung Hindi sabog ang ulo ng babaing ito!!!!
Matigas na sabi ng lalaki.
Nakatutuk pa rin ang baril nito at waring
Kinakalkula ang mga susunod na hakbang..
Parang silang nakafrezz ng mga sandaling iyon.wlang galawan..IIsang maling hakbang
May tutumba sa kanila at naksisiguro ang dalaga na siya iyon.. Dahil dalawang baril ang maaring pumutok sa kanya, isang malapit at isang malayo, bagamat hindi sakanya iyon, kapag nagkamali ang binata na may hawak niyon ay maari syang tamaan.
Huminga siya ang malalim.. May isa pang lalaki ang biglang sumulpot sa likuran ng
Binatang Nasa harapan niya. May hawak ding baril..
“Sa likod mo!! Bigla niyang sigaw sa Binatang
Nakaharap..
Mabilis na pumihit ang binata at agad pinaputukan ang tao sa likuran niya at tumba agad iyon..
Si Karena naman,boung lakas niyang inapakan sa paa ang lalaking may hawak sa kanya nabitawan nito ang baril.. At ininda ang
Paang nasaktan nkadestansya siya sa lalaki.
Pagkakataong na sinamantala ng binata.. Mabilis itong lumapit sa kanila.. At sinipa ang
lalaki tumilapon ito, biglang may nagsulputan pang
Tatlo, may hawak na patalim ang isa, yon isa nman,malaking dos por dos. At yong isa
Nakakuyom ang kamao at tila sanay makipag
Balyahan. Sinisuntok-suntok pa nito ang sarili niyang palad.
Nakatingin lang sa kanila ang dalaga dumistansya siya sa mga lalaki napaupo siya sa isang tabi. apat laban sa isa.. Pare-pareho ang laki nila at tangkad na May anim na talampakan.
Unang sumugod ang lalaking may hawak na pamalo Sala ang tirada nito. Dahil nka ilag ang binata.. At mabilis itong nasipa ng malakas sa tagiliran kaya tumumba agad ito. sumunod na sumugod ang lalaking walang armas, nag laban ang dalawa lakas sa lakas.
Nagkasipaan, suntukan, nagpambuno pa ang dalawa.. Hindi siya makahinga sa intense...


ng labanan ng dalawa.. Dahil pareho itong magaling.
Isang sipa malakas na nagpatumba binata.. lumapit ang lalaki sa binata at agad namang nakganti ng malakas sipa ang binata sa lalaki kaya natumba din ito. agad na sinunghaban ng sunod-sunod na suntok ng binta ang lalaki at sapol na sapol ang mukha nito.. Nang matatalo na ang lalaki, sumogod ang may hawak na patalim, mabilis ito sa may likuran ng binata.
Hindi matingnan ni Karena ang tagpong iyon
At napatakip siya ng mata.. Naimulat niya lang ang mata ng marinig ang sunod-sunod na putok ng baril..nakatumba na lahat ng lalaking Naglalabanan.. Namayani ang katahimikan sa Lugar na iyon..
Sa isang saglit para syang nabingi sa katahimikan.. Wala ng gumagalaw sa mga naroon.. Pare pareho itong mga duguan dahil sa tama ng baril.
Dumako ang tingin niya sa lalaking
Nagtangkang tumakas sa kanya kanina..
Dahan-dahan siyang tumayo at nilapitan niya
Ang lalaki, nakita Niya pa itong gumagalaw.
“O… Okay ka lang ba? Kinakabahan niyang tanong dito..
Iniabot ng lalaki ang kamay nito sa kanya.
” Karena na “..mahinang banggit nito sa pangalan niya..
” Sino ka?, Bakit mo ako kilala..?? Takot at kinakabahang tanong niya.umupo siya sa tabi nito at nanginginig na tinanggal ang sout nitong bonet.
Gregorrr!, ikaw ba yan??.., Ikaw nga ! , hinaplos niya ang mukha ng lalaki.. Boung puso niya itong niyakap. Ipinikit niya ang Kanyang mga mata at dinama ang init ng dibdib nito.
Gregor ….usal niya. bakit ka sumugod dito..?
Nanginginig pa rin ang boses..
“Karena..Hindi ba Sabi…… ko sayo iligtas kita… .nahihirapan wika ng lalaki.
Iniangat niya ang katawan sa pagkakayakap
Sa lalaki.. At tininggan niya ang nakahiga nitong katawan mula ulo hanggang pababa.
Gregor……., may tama ka! , Nag-alala niyang
Saad sa lalaki..
Isang saksak iyon sa tagiliran at umaagos ang dugo.. Dali – dali niyang pinunit ang sout niyang damit at ipinantapal sa sugat ng lalaki..
Gregor…ani niyang Nakatingin sa mukha ng lalaki.
Karena,, umalis ka na dito bka dumating pa ang ibang tauhan ni Eddie. Mahinang sambit ng lalaki..
Pano ka?
Hayaan mo na ako iligtas mo ang sarili mo..
Hindi! Ayoko.! Hindi ako aalis dito. Kung mamamatay ka mas gusgustuhin ko na ring
Mamatay sa tabi mo kasama ka.. Naiiyak niyang sambit..
Ka.. rena..Wika ng lalaking papakit na ang
Mata at nanghihina..
Gregor,, wag kang mamamatay…. Wag mo akong iiwan..
Gregorrr…. Naiiyak niyang sambit..
Wag mong akong iiwan… Mahal na mahal kita.
Wag kang mamatay… Wika niya. At inilapit ang mukha sa lalaki.. Idinampi niya ang mga labi sa mukha nito.. “wag mo akong iiwan parang awa mo na” .., Iniangat niya ang mukha.,” Matapang ka Diba..? . Wag kang nawawala… .Naiiyak niyang sambit sa lalaki.
Nakapikit lang ang mata ng lalaki..dinama niya ang kung humihinga pa ito.. Ramdam pa niya ang mainit nitong hininga.. Mabagal iyon.. Mabagal ang tibok ng puso nito indikasyon na nanghihina at Dilikado ang lagay..
Kinalma niya ang sarili.. At Inaayos ng pwesto si Gregor…. Naampat na ang pagdurugo sa sugat nito.. Kaya napanatag siya nang sandali..
Binatayan niya ito ng magdamag.maya maya niya tininggan kung nahinga pa ito..
Labis siyang nag alala sa lalaki ng minamahal.
Kung mayroon lamang sana siyang mahihingian ng tolong.mag isa lamang ang
Bahay na iyon sa gitna ng kakahoyan..
Hindi siya maka sigaw at makahingi ng tulong dahil baka tauhan ni Eddie ang lumapit sa kanila..
Mabuti na lamang at walang tauhan ni Eddie Montesa ang dumating doon.nagising
Din ang lalaki, ngunit nanhihina pa ito..
KumustA ang pakiramdam mo? Nag alala niyang wika sa binata..
Okay na ako, umalis na tayo dito baka abutan pa tayo ng mga tauhan ni Eddie..
Kaya mo ba?
Oo…
Inalalayan niya itong tumayo at dahan-dahan silang nag punta sa kagubatan..
Sa may sapa sila napapunta.. Kumuha si karena ng mga dahon na hihigaan ni Gregor..
“Mag pahinga ka muna dito.” Masuyo niyang wika sa lalaki..
Naghanap siyang halamang gamot sa paligid
Ay may nakita naman siya isang puno iyon
At kinaskas niya balat nito at pinantapal sa Malaking sugat ng lalaki nilinis minamahal niya iyon bago nilagyan ng halaman gamot..
Habang Natutulog ang binata, pinagmasdan niya itong mabuti. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito.naawa siya sa kalagayan nito..
May mga pasa ang mukha at sugat sa tagiliran..
Ilang tao ba naman ang kinalaban nito para
Iligtas siya.. Lalo niyang naramdaman ang pagmamahal niya sa binata. Yumakap siya
Katawan nito. Mainit iyon at Hindi ordenaryong
Init lang. Sinapo niya ang leeg nito at noo..
Nilalagnat ang lalaki..
Kumuha siya ng basang tela na pinunit sa
Sa damit niya.. Pinunasan niya ang katawan ng binata. Hanggang sa mawala ang init nito..
Tumabi sya dito at nakaidlip ng sandali.
Pag gising niya. Nanginginig na ang lalaki sa
Taas ng lagnat.. Marahil ay dahil iyon sa sugat..
Gregor…. Nag alala niyang sambit.
Karena… Umalis ka na iwanan mo na ako.. Wika Nito sa kanya..
Ayoko Hindi kita iiwan kahit anung mangyari..
Magpa galing ka.. Kailangan mong mabuhay
Mahal na mahal kita..
Ngunit Karena iligtas mo ang sarili mo..pagtataboy sa kanya ng lalaki.
Ayoko ko Greg, kapag nawala ka,gusgustuhin ko na lang ding mamatay dito sa tabi mo..
Hindi Karena kailangan Mong mabuhay para kay Nathan..Mahina nitong sambit
Gregor, huwag mo kaming iiwan.. Huwag mo akong iiwan.. Lumaban ka.. Kaya mo yan..
Buntis ako.. Magkakaroon na kapatid si nathan..Wika niya sa lalaking nagdederyo na sa taas ng lagnat..
Kumuha uli siya ng basang tela at Pinunasan ng Pinunasan ang lalaki..Kumuha siya ng tubig sa batis at ipinainom sa binata..
Ilang oras niya iyong pinagtygaang punasan
Ng humupa na ang lagnat at nkatulog siya sa katabi nito..
Inabutan na naman sila ng dilim sa gubat na iyon.. Madilim ang paligid. Ngunit Hindi siya ntatakot sa dilim dahil nandoon ang binata sa
Tabi niya.. Nkayakap siya dito, malamig sa
Lugar na iyon, pero sapat na ang init ng katawan ng binata para maibsan ang lamig na nararamdaman niyang lamig..lalo pa syang sumuksik sa katawan ng lalaki.. At niyakap niya
Itong mahigpit..Naktulog sya sa lagay niyang iyon..
Kinaumagahan.. Pag gising niya wala na ang lalaki sa tabi niya..iginala niya ang paningin sa paligid.. Nakita niya ang binata nakaupo sa bato sa si kalayuan sa kanya.
Nakaharap ito sa apoy..
May naamoy siyang inihaw.. Bigla siyang nakaradam ng gutom.. Lumapit siya sa lalaki
May naamoy siyang inihaw..
Anu yan niluluto mo?
Bayawak! Nakain ka ba nito? Inihaw ko na.
Lumapit siya sakin kanila kaya ayan.. Sya ang magiging almusal natin ngayon.
“Magaling ka na?
” Oo..”, Nakangiti nitong tugon sa kanya.
Lumapit pa siya dito at naupo sa kandungan ng binata. Ikinapit niya ang isang kamay
Sa leeg nito. Ang isa naman sa baywang.
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ng binata.at Masuyo itong hinalikan.
” Mabuti naman at magaling ka na.” . Malambing Niyang wika sa lalaki.
“Nag alala ka ba sakin?
” Oo naman, akala ko iiwan mo na ako.
Natakot ka ba na iwanan kita?
Oo takot na takot ako..na baka iwan mo ako.
Mabuti nga at okay ka na.
Hindi pa ako okay kaya, wag mo akong panggigilan. Masakit pa ang sugat ko..reklamo nito.. Napahigpit kasi ang hawak ng dalaga sa may sugat niyang tagiliran.
Bigla syang nkatayo at umupo na lang sa tabi ng binata.
Sorry na namis lang kasi kita ng sobra..
Pabebe niyang wika..
“Anu nga pala yong sinasabi mo sakin kagabi
Nakalimutan ko.? Ani ng lalaki na nakatitig sa kanya..
Alin ba nakalimutan ko din?
Yong tungkol kay Nathan..? Anu yon..?
Ah yon ba? Sabi mo kasi umalis na ako, gusto mo akong makaligtas para kay Nathan….
Hindi mayroon pa… Yong kapatid anu ba yon sinasabi mo?
Yon ba…. Buntis na ako…mahina niyang wika..
Anu….?
Sigurado ka bang sakin yan?, baka naman
May kahati na ako diyan kay Jerald ha.?
Pabiro nitong sambit..
Siraaa.., anung akala mo sakin? Kahit pareho pa ang mukha ninyong dalawa ikaw lang ang nkikita ng mga mata ko”, …mataray niyang wika sa lalaki.. “Hindi katulad mo halos mabaliw ka na kapag nakakita ka ng Maganda at seksi” .!
Napangisi ang lalaki sa sinabi niya..
Hindi nman..! At Hindi na talaga ngayon,
Dahil ikaw na ang pinakama ganda sa paningin ko! Anu okay ba? Ani ng lalaki at kinindatan pa sya..
Hinalikan siya nito sa mukha..i love you karena..
Tumayo ang lalaki at kinuha ang inihaw..
“Pano yan ito muna ang pagkain natin ngayon..
Baby.”..ani ng lalaki na nkatigin sa mukha ng dalaga at tiyan nya..
Inilapit ng lalaki ito sa dalaga…” Okay lang
Daw sabi nya.Dahil pinaghirapan mo itong lutuin.. Nakangiti niyang sagot..
☘️🍀☘️🍀






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top