Huling yakap


Huling yakap”
“Hoy pandak bilisan mo na d’yan ma huhuli na tayo oh!”iritang sigaw ni kuya sa baba, sinadya ko talagang bagalan ayaw ko kasi talagang sumama e
“Oo na, patapos na po kuya!”malakas kong sigaw kay kuya
“Kanina kapa patapos ng patapos, iiwan kana talaga namin tignan mo lang avy!”halatang galit na si kuya kiros sa sigaw nya
“Oo na po, andito na ako!”masigla kong sigaw nong nakababa na ako
“Bilisan mo na ang bagal mo”sabi sakin ni kuya kiros kaya tumakbo nalang ako pasunod sa kanya ang bilis mag lakad e
“Salamat kuya”sabi ko kay kuya nang makapasok na sa loob nang kotse, pero tanging tango lang ang natangap ko arghh ang sungit nya
“Halika na bumaba kana”sambit ni kuya, busangot naman ako bumaba ng kotse
“Ba’t naka busangot ang princesa ni kuya?”nakatitig na tanong sakin ni kuya kiros
“Ayaw ko naman kasi sumama”pag mamaktol ko at nauna nang mag lakad
“Minsan lang naman to avy, at isa pa andito na tayo mag mamaktol kapa?”sabi ni kuya habang naka sunod sa’kin
“Mas maganda nang naka kulong nalang ako kuya sa kwarto ko”reklamo ko parin, narinig kunalang sya napa buntong hininga
“Minsan minsan lang naman tayong mag kita avy”sagot ni kuya sa’kin na ngayon ay kasabay ko na, iwan ko ba ba’t kanina pa ako naiinis e iba kasi pakiramdam ko
“Nandito na pala kayo”nakangiting salubong sa’min nang mga pinsan ko kasama mga magulang ko
“Ay hindi pa, wala pa kami”pilosopa kong bulong para hindi nila marinig
“May sinasabi ka avy?”mataray na tanong ni mama
“Wala nam-”
“May topak lang po ma ngayon si pandak inasar ko kasi po, pasensya na
po”nakangiting sagot ni kuya kiros sa magulang namin at yung mga pinsan ko naman ay tumawa tawa, kaya na iinis ako lalo nag hanap nalang ako nang ma uupuan nang makahanap na ako agad naman ako nang tungo dun at iniwan sila masayang nag kwe-kwentohan
“Pstt pandak”bulong sa’kin ni kuya
“Kuya naman, kanina kapa ah!”medyo na iinis na ako, kaya muntik ko na mataasan nang boses si kuya
“Eh ano naman?”lalong pang aasar sa’kin ni kuya at may kinuhang upoan inilagay sa may harap ko at umupo sya don, pinanliitan ko lang sya lalo nang mata
“Tignan mo oh lalo kang pumapanget nyan”pag papatuloy nang pang aasar sa’kin ni kuya hindi nalang ako umimik
“Kuya naman nakakainis kana talaga”inis ko, ikaw ba naman pisilin ang ilong masakit kaya
“Oo na po, pasensya na kanina okay?at ngayon diba sabi ko sayo ayaw ko nakikitang malungkot ang princesa ko”lintaya sa’kin ni kuya
“Bakit malungkot ba ako hindi naman ah, masaya naman ako ohh eeeehh”pag ngiti ko nang pilit sa harap ni kuya na ikinatawa nya naman at tsaka ginulo ang buhok ko
“Amapanget mo parin pasensya ka”pang aasar ni kuya at iniwan na ako, bago pa naman nya ako iniwan ay bumulong sya saakin na “mahal kita prinsesa ko, wag kanang malungkot ulit ah ayaw ni kuyang nakikitang malungkot ka” bulong ni kuya kiros at iniwanan na ako nang tuloyan napa busangot naman ako lalo iwan ko dapat matuwa ako e ba’t iba ang pakiramdam ko talaga
“Oh ‘san sasabay na kami sainyo”pag habol sa’min ni clent pinsan namin
“Oo nga, sabay na kami sa pag hahatid kay avy diba pandak?”pang aasar sa’kin ni cooper habang pangiti ngiti pa
“Sige ‘insan, tara ihatid na muna natin si avy”sagot ni kuya kiros sa mga pinsan ko tatlo lang naman ang sumama, nag taka man ako ba’t ihahatid lang ako ni kuya sa’n ba sila pupunta?pero nanatili...


parin tikom ang bibig ko at walang gana mag salita
“Ba’t kanina payan si pandak walang imik?”paninimulang tanong ni justine kay kuya
“Sino?”sabat ni cooper, ngumoso naman si justine tumawa naman sila nang malakas
“Kanina nyo pa kasi inaasar ang princesa ko, tumahimik na kayo”seryusong saad ni kuya at tumingin na sa pag mamaneho nya
“Avy?hoyy gising na ‘andito na tayo”pukaw sa’kin ni kuya kiros, hindi ko namalayan naka tulog pala ako
“Opo na ito na”sagot ko tsaka bumaba na’ko
“Kuya pasok na tayo”pag yaya ko sa kanila
“Mauna kana, may pupuntahan pa kami”nakangiting sabi ni clent sa’kin
“Saan kuya?kuya naman hating gabi na oh”pag aalala ko sabay tumingin ako kay kuya
“D’yan lang kami pangako babalik agad si kuya, avy okay?matulog kana”
“Sasama nalang ako kuya”pag pupumilit ko
“Hindi pwedi avy”sabat ni cooper
“Edi hihintayin ko nalang kayo kuya, para malaman ko kung sandali lang talaga kayo”inosente kong saad, tumango tango naman sya sabay ngumiti saakin hinalikan nya naman ako sa noo at niyakap nang mahigpit
“Sige pumasok kana”nakangiting sabi ni kuya kiros sa’kin, tumango naman ako at sinunod ang sinabi nya
“Hindi!”napabalikwas ako nang higa nang magising ako mula sa masamang panaginip ko, may nangyari daw kasing ‘di maganda kila kuya
“Ma?!ma p-“putol kong sigaw ng makita kong umiiyak si mama at papa, nakatulog pala ako sa kakahintay kila kuya
“Ma, pa ba’t kayo umiiyak?”tumakbo ako papunta sa dereksyon nila mama at papa at niyakap sila nang mahigpit
“May nangyari bang hindi maganda?ma sila kuya anong oras na wala pa sila oh”
“A-anak y-yung kuy-a m-o”nahihirapan sambit ni mama dahil sa kakaiyak nya
“Ma?a-nong na-ngyari kay kuya?”napa iyak narin ako kasi si kuya
“Wa-la na sya anak”nakayukong sagot sa’kin ni papa
“Ano?!hindi hi-ndi yan di-ba totoo?sabihin nyo hindi diba!!”sigaw ko sa kanila nang bigla pumasok sila tita na hingal na hingal at umiiyak narin
“Ate alam nyo na ba?”tanong ni tita kay mama habang umiiyak tumango tango naman sila mama
“Ano?!!hindi ako maniniwala sabi nila kuya uuwi sila agad nang maaga!”sigaw ko
“Anak wala na sila, naaksidente sila wa-la na sila”pag papakalma sa’kin ni mama at niyakap ako napa iyak naman sila mama at tita, ako ito nanahimik at sunod sunod ang agos nang luha. Tsaka naman na kami pumunta kung nasa’n si kuya pag pasok palang namin nakita na namin ang bangkay ni kuya na nababalot ng puting hapin ‘di ko yata kayang buksan yun at makita dun ang kuya kong wala ng buhay, unti unti naman na kami lumapit
“Sabi mo kuya madali lang kayo, dapat sumama nalang ako kuya!”pini pigilan ko ang mga pag agos ng luha ko pero hindi ko mapigilan
“Kuya diba nangako ka, uuwi ka nang maaga? hinintay kita kuya pero bakit!”
“Sino na ang mag papasaya sa’kin?sino na ang mang aasar sa’kin kuya?kuya kiros bumangon kana dyan yung princesa nyo oh umiiyak, pagalitan mo ako sabihin mo na hindi bagay sa’kin ang umiiyak kuya naman!”
“Hindi pwedi kuyang huling yakap ko nalang yun, diba isa sayaw mo pa ako pag 18 ko?diba sasamahan mo pa ako sa altar? ikaw ang mag hahatid sa’kin kuya bangon na dali na!bumangon kana d’yan natutulog kalang diba?!”napa hagulhol kong pakikipag usap sa bangkay ni kuya at napa luhod habang yakap ang katawan ni kuya at unti unti na nanikip ang dibdib ko nang dahilan nang pag kahilo ko
“Kuya, ma-hal na ma-hal kita”huling katagang nasabi ko at nawalan na ng malay.
Ps: Ginawa ko ‘to nung January 9 2022 inulit ko lang.
‘Basahin po sana, wag puro react lang’
@JEASSA






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top