CRAZY EX-WIFE CHAPTER 10


CRAZY EX-WIFE”
CHAPTER 10
– LARA-
Simula ng magwala Sya sa hospital at nang magising syA matapos turukan ay madalas na syang tulala. Minsan naman , hinahanap nya si Mark. Nag iimagine din syang buntis ulit saka iyak ng iyak. Minsan sabay pa Silang umiiyak ng anak nya Kaya di ko na alam Kung Sino Ang uunahin ko sa kanila kapag Wala si Alex. Naaawa ako sa anak nya dahil Hindi manlang Ito naka breastfeed dahil sa twing lumalapit ako sa kanya masama Ang tingin nya na para bang naiinggit syA sakin dahil Akala nya anak ko si Lance. Nahihirapan akong ipagsabay Ang trabaho ko at Ang bata Lalo Nat Wala din sa tamang pag-iisip Ang mga nakakasama namin kapag nasa trabaho ako Kaya naman doble ingat ako. AYoko namang kumuha ng Yaya para bumantay sa kanya dahil baka saktan lang Ang bata kapag wala ako. Hindi naman kasi lahat mabait sa alaga.
Nakahanda na Ang mga gamit nila Alex para maka Alis na papuntang states Kaya naman sobra na akong nalulungkot ngayon dahil aalis na sila.. parang ayaw Kong paalisin si Lorraine para di sila magkalayo ng anak nya pero Wala naman kasi akong magagawa . Para din Ito sa kanya.
” Oh Pano na Lara? Aalis na kami.. Ikaw na Ang bahala sa bata ha? Kaya mo yan ! Dabest ka e! ” Alam Kong pinalalakas lang ni Alex Ang loob ko
” Mag-iingat kayo don ah! Ingatan mo si Lorraine saka mas lawakan mo pa pang unawa sa kanya. Sana maka recover agad sya. Alex, palagi tayong magvi video call ha? ”
” Oo ba. Ingat Karin dito. Aalagaan ko syA ng maayos para sayo ”
May tiwala naman ako Kay Alex dahil matagal ko na syang kilala at mabuti syang Tao . Kung nakilala lang nga Sana agad ni Lorraine si Alex noon mas gugustuhin ko pang syA Ang Mapangasawa ni Lorraine. Napaka caring and gentleman na tao . Unlike Mark na hindi ko madescribe ng maayos. Unfaithful husband siguro pwede.. puro pasakit at problema Lang Kaya nyang ibigay Kay Lorraine . Ewan ko ba Kung bakit Mahal na Mahal nya Ang kumag na yon!
Niyakap ko si Lorraine bago Ito umalis
” San ako pupunta? ” Parang bata nyang tanong
” May pupuntahan Lang kayo ni Alex na malayong lugar. Pagbalik mo dalhan moko ng candy at chocolates ha?”..
” Yehey maraming chocolates dun? Si Mark Andon din? ” Nakangiti nya pang tanong samin Kaya nagtinginan kami ni Alex. Mark nanaman !
” Oo Andon si Mark Kaya behave kalang don ah? Magagalit kasi sila kapag naging bad ka”
” Magagalit si Mark?” Nakasimangot nya nang tanong
” H-Hindi… Love ka ni Mark e” Kung pwede ko Lang syang kontrahin kanina ko pa ginawa. Naiinis ako sa pangalang paulit-ulit nyang binabanggit .
” Tara na Alex hinihintay na tayo ni Mark! ” Tumakbo na si Lorraine papaunta sa kotse ni Alex..
” Mauna na kami .. ” niyakap ako ni Alex bago umalis.
” Mamimis ko kayong dalawa. Pagalingin mo agad sya ah! ”
. .
” Di ko maipapangako pero susubukan ko . Sige na baka maiyak kapa dyan! Haha”
Sinikap ko na ngumiti para ipakita Kay Alex na kakayanin ko. Napabuntong hininga ako ng hindi ko na sila Makita. Pinagmasdan ko Ang natutulog na cute na baby.
“Ang mabait na version ni Mark. Bakit ba kasi sa kanya pa nagmana ng itsura? Maganda din naman si Lorraine .
– MARK-
Napakabilis ng araw at talaga namang inalagaan ko ng sobra si Jane sa siyam na buwang pagbubuntis nya at ngayon nga ay nagle labor na syA para mailabas na Ang anak namin. Gusto Kong mabawasan kahit papano...


Ang sakit na nararamdaman nya Kaya ginagawa ko lahat ng pwede Kong maitulong sa kanya. Kahit na nag-aalala ako sa kanya ay masaya parin ako dahil makikita ko na Rin Ang anak ko sa wakas.
” Mark sobrang sakit na talaga. Parang lalabas na syA!” Nanghihina na si Jane dahil masyadong mahaba na Ang oras nang pag labor nya.
Pumunta ako sa doktor para asikasuhin agad si Jane. Nakakita nanaman kasi ako ng dugo na umaagos sa hita. Naalala ko Lang Yung nangyare Kay Lorraine. Parang nagka phobia nako sa nangyareng yon at hindi na yon pwede mangyare ulit.
” Bilisan nyong kumilos! Baka manganganak na Yong asawa ko! ” Sinisigawan ko Yung mga doktor at nurse na parang parelax-relax lang tapos ako kabang-kaba na !
Agad naman nalang isinakay sa wheel chair si Jane at ipinasok sa delivery room. Gusto Kong pumasok sa loob pero Hindi ako pinapayagan.
” Gusto Kong pumasok! Kelangan nya ko! “..
” Kahit kayo Po Ang asawa ay mahigpit Po na ipinagbabawal Ang kasama sa loob ”
” Anong klaseng patakaran ba Yan?! ”
” Pasensya na Po pero kelangan Lang Po namin sumunod Sir” hindi ako mapakali habang naghihintay ng update galing sa doktor . Naiinis ako dahil gusto ko paglabas nya makalong ko agad sya tapos Hindi ako papasukin! Nakaka init ng ulo!
” Mr. Gonzales lumabas napo agad Ang baby nyo. Baby girl Po anak nyo ” agad akong pumasok dahil sa sobrang tuwa . Nakita ko si Jane na hinang-hina Kaya niyakap ko syA. Para sakin, napakalaking sakripisyo Ang ginawa nya saming dalawa. Hindi maipaliwanag Ang saya ko ng ibigay sakin Ang baby. Sa wakas nabuo narin Ang pagkatao ko.
” Baby papa’s here.. wag ka na umiyak. Aalagaan ko kayo ng mama mo” hinalikan ko ang anak ko sa kanyang malambot na pisngi
” Mark, Sayang Hindi syA lalake”
” Ano kaba? Ayos lang Yan .. mas iingatan ko nga syA dahil Babae syA. Hindi ako papayag na saktan syA ng Kung Sino lang dyan. Mahal na Mahal ko Ang anak natin Jane ”
” Salamat Mark ”
” Hindi mo alam Kung Gano mo ako napasaya ngayon Jane. Salamat sa mga sakripisyo mo. May anak na tayo oh, kelangan nya ng masaya at buong pamilya at ibibigay ko sa inyo yon ”
” Kaya lang Hindi nya pwede dalhin Ang apelyido mo”
” nakakalungkot nga yon pero Hindi na importante yon , Ang mahalaga, alam nang lahat na anak ko sya”
Kung babalik lang ako sa nakaraan at nakilala ko agad si Jane, syA Ang pipiliin ko at hindi Ang walang pusong si Lorraine . Napansin Kong nalungkot si Jane bigla. Hindi ko kasi maibigay sa kanya Ang apelyido ko dahil Hindi naman kami kasal. Kung may divorce lang Sana sa pilipinas hindi Sana syA malulungkot ngayon.
” Jane I’m sorry.. Kung pwede lang matagal ko ng ginawa na —–”
” Ayos lang .. naiintindihan ko. Wag mo na isipin”
Pinapangako ko sa araw na to sa kanila nalang iikot Ang Mundo ko at kakalimutan ko na ng tuluyan si Lorraine kahit mahirap. Hindi ko alam pero bakit Ang hirap nyang kalimutan kahit nagagalit ako sa kanya. Hindi nya mabigay sakin Ang pangarap ko Kaya dapat na syang mawala ng tuluyan sa buhay ko. Kahit nasa kanya Ang apelyido ko , Hindi ako papayag na pati sa puso ko syA parin. Sana simula sa araw na to, si Jane nalang at anak ko Ang babae sa buhay ko
” Anong ipapangalan mo sa kanya?”
” Mas maganda siguro Kung Ikaw na bumigay sa kanya ”
“Okay Lang ba Kung Blessy Grace nalang. Isa syang biyaya at grasya sa buhay ko”
” Sige maganda Yan Mark. ”
Mukhang iyakin Ang anak ko pero hindi ako mapapagod na kalungin syA para lang tumigil syA. Hindi syA umiiyak sakin e. Ramdam na ramdam nya siguro Yung pagmamahal ko sa kanya






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top