THE REVENGEANCE Chapter 8


Nalaman ni Victor Alcantara ang pagtataksil ni Amanda kaya nagdesisyon silang pupunta ng ibang bansa.Iniwan ang mapait na nakaraan at dala ang magiging bunga ng kahayupan nina Ignacio at ng asawa niya.Buntis ang asawa niya at ang ama ay ang dati niyang kaibigan.
****
Lumipas ang maraming taon,umuwi ng Pilipinas ang anak ni Victor Alcantara na si Roberto para siya na ang mamahala sa Textile Company.
Ligid sa kaalaman ng De Dios na nagbunga noon ang pagtataksil ni Don Ignacio at ni Amanda.
Hindi alam ng lahat na patay ang bata sa sinapupunan ni Amanda noong nasa States sila.Hindi na rin nagkatagpo ang mga landas ni Amanda at Ignacio.Si Roberto naman ang pangalawang naging anak ng mag-asawang Victor at Amanda.Naging maayos ang buhay nila sa ibang bansa at humingi ng tawad si Amanda sa mga nagawa niya.
_End of Flashback_
****
Papasok na sana si Armina sa DD Group of Company nang masalubong niya si Mae,ang dating secretary niya.


/> “Mae,what are you doing here?ang tagal mo nang hindi nagpakita..” gulat na sabi niya kay Mae
“Oo nga Miss Ar..may..may inihatid lang ako sa kaibigan ko..mauuna na po ako Miss Ar,bibiyahe pa ho kasi ako..” paliwanag nito sa kanya
Ramdam niya ang lungkot sa mata ng dating secretary pero hindi na lang niya pinansin.
“Sige,mag-iingat ka..” sabi niya kay Mae
“Salamat Miss Ar..mauuna na po ako..”
****
“Hey babe!kanina ka pa ba?” tanong ni Daniel kay Armina
“A minute..” tipid niyang sagot
“Katatapos lang ng meeting namin,I’m sorry kung hindi kita natawagan kanina..” sabay halik sa pisngi nito
“It’s ok,by the way..10% na lang ang babayaran ko sa Bangko mo..” iniba ni Armina ang usapan
”Bakit?hindi naman kita minamadali..pwede ngang huwag ka nang magbayad..” paglalambing niya sa girlfriend “Ba’t parang ang tamlay mo..are you okay?may problema ba?”
“Wala naman,pagod lang siguro ‘to”
“Hayaan mo bukas huwag ka muna magtrabaho..let’s have a vacation..para naman marelax ka at ma-enjoy natin ang isa’t-isa.’






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top