βοΈ;π ππππΊ π¬πΊπππππ
πΊπ
(π²πππΎ πππππ πΊππ½ πππΊπππΊπππΌπΊπ
πΎπππππ πΊππΎπΊπ½ ππ ππΊππΌπ πππ)
Habang naghahanda ngayong pasko bigla akong tinawag ng aking ina,
“Elle,Anak bumili ka nga doon sa palengke ito yung mga listahan at ito yung pera”agad ko sinunod ang aking ina.Habang naghahanap biglang may nakabanggaan ako ng isang ginoo,di mai-tatangi na may itsura.
“Nasaktan ba kita binibini?”tanong nito
“Ok lang po ako ginoo,ikaw po ba?”magalang kong sabi umiling lang sya simula non,lagi kona sya inaabangan sa palengke nalaman ko din na mayaman sila.Isa lang akong simpleng babae sa bayan namin,di kami mayaman sakto lang.Ewan koba kada nagkikita kami bumibilis bigla ang aking puso,tila nabighani nya ito mabait sya,magalang,may takot sa dyos at iba pa.Sa loob ng apat na buwan naging magkaibigan kami pero sa apat na buwan na yun,mas lalo akong nahulog sa kanya.Imbis na sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko mas gusto ko nalang na manahimik,kasi wla namang saysay ang nararamdaman ko kung di nya naman ako gusto.Nagising nalang ako sa katok ng pintuan ng kwarto ko,nag-ayos mona ako bago lumabas.
“Elle,gusto ko lang sabihin sayo na aalis na kami”taka ko syang tinignan
“Bakit?”tanong ko dito
“Gusto ng magulang kona mag-aral ako sa ibang bansa”Diko mapigilang wag maluha dahil diko na sya ulit makikita pa
“Wag kana umiyak elle magsusulat naman ako”saad nito at pinahiran ang butil ng luha ko
“Mahal kita sam”saad ko dito pero bigla nitong hinalikan ang noo ko
“Mahal din kita elle matagal na”Diko mapigilang wag syang yakapin
“Mamimiss kita aking ginoo”saad ko dito
“Mamimiss rin kita aking binibini...