Isa akong simpleng dalaga, may simpleng buhay na puno ng kapayapaan.
Mahirap lamang ang pamilya ko kaya nagsisikap akong matupad lahat ng pinapangarap ko para sa kanila.
Everything is fine, scholar ako dahil mukhang naawa o pinagbigyan ako ng mga tao sa paaralang ito dahil malaki daw ang tsansa ko dahil sa taglay kong katalinuhan.
Until, one day, nalaman kong pumayag sina mama at papa na ipagkasundo ako sa isang matandang lalaki. Labis na kaba at pagkadismaya ang naramdaman ko. Kapos na kapos na daw sila at kailangan ng pera dahil sa napakaraming gastusin at utang.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, galit ba dahil parang ipinagtutulakan nila ako sa isang matandang porke mayaman, o ang pagpapakampante dahil aangat na kami?
Hindi ako manggagamit ng tao, ngunit nasa kasunduan na ang lahat. Matapos ang school year, nakapag graduate ako bilang cum laude ngunit di ako makakakuha ng trabaho dahil sa matandang ipinagkasundo sa akin. Hindi na daw kailangang magtrabaho ako kase mayaman naman daw sya. It isn’t about how rich he is, ayokong sabihin ng ibang tao na ginagamit namin ang taong to para umangat.
Kinakabahan ako lagi kapag tumatabi o nakikita ko sya. Hindi pa naman gaanong matanda ngunit bakas ang mga kulubot at puting buhok sa itsura nya.
Akala ko, pwede ko pang layuan ang lahat sa pamamagitan ng pag atras ng napagkasunduan dahil nakapagtapos narin naman ako, kaya kung ng itaguyod sila mama at papa pero hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa isang taong labin syam taon ang pagitan sa akin.
Hindi ko pinaalam sa iba ang nararamdaman ko maske ang mga magulang ko. Nalalapit na ang kasal, ngunit tila isang taon pa ang naghihintay kaya nabalewala ko iyon.
Si Laurencio ay mabait, malinaw pa ang memorya at mahilig sa mga libro. May library pa ito sa mansion. Mayaman nga talaga sya, walang pamilya kundi nag iisa lang. Hindi ko na inisip ang pera nya, ang tanging nararamdaman ko ay mahal ko sya.
Araw ng kasal, isang simpleng kasal lamang. Andun...