Lulan na sila ng itim na sasakyan ni Haje. Kararating lang nila sa Metro.
“Remember what I told you, Threia. I still have my eyes on you. Bawat kinikilos mo, malalaman ko pa rin.” sabi ni Haje sa kanya.
Patungo sila sa kanilang Mansyon para ihatid siya. Hindi niya pa rin alam kung bakit bigla na lang umiba ang ihip ng hangin para ibalik na siya sa ama niya.
“Magkikita pa rin tayo, di ba?” kagat labing tanong ni Threia.
“Why? Miss me already?”
“O-of course not!” nauutal na tugon niya sa binata.
“Don’t worry. Magkikita pa rin tayo, Threia.”
“Okay.” Nasabi na lang niya dahil kapag sinabi niya ang totoong saloobin niyang gusto niya talaga itong makita araw-araw ay baka tawanan lang siya nito.
Ayaw niyang ipahiya ang sarili sa harap ni Haje.
Nang nasa harap na sila ng kanilang Mansyon ay hindi muna siya bumaba. Tumikhim siya at tumingin kay Haje.
Nahuli naman niya itong nakatitig sa kanya.
“I won’t tell my father na ikaw ang kumuha sa akin.”
Kumunot ang noo ni Haje. “And why is that?”
“Bakit, sasabihin ko ba?” balik tanong niya kay Haje.
“I want to talk to your father.”
“Ano’ng sasabihin mo kay papa?”
Napapikit siya nang marahang pinitik ni Haje ang tungki ng kanyang ilong.
“Why are you so nosy, huh?”
“I’m just asking, Haje. Please, don’t hurt my father.”
“I won’t.” Haje said seriously. “Pumasok ka na sa loob at baka magbago pa ang isip ko na iuwi na kita sa bahay ko.”
Humalakhak si Haje nang mabilis siyang umibis sa sasakyan nito. Baka kasi totohanin ni Haje ang sinabi.
Gusto niya rin makita ang ama. Gusto niyang ipaalam dito na okay lang siya.
Bago siya pumasok sa loob ng kanilang gate ay nilingon niya muna si Haje. Hindi niya man nakikita ang binata dahil tinded ang bintana nito ay nasisiguro niyang nakatitig ito sa kanya.
May pumatak na luha sa kanyang pisngi habang nakatingin sa banda ni Haje. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Bakit hindi siya masaya dahil makakalaya na siya? Bakit mas nasasaktan siya?
Hindi na niya napigilan ang humikbi nang sumikip ang dibdib niya. Seeing Haje far from her, napakasakit.
Oh God. She already did fall in love with him.
Awtomatik na napatakbo siya nang bumukas ang pintuan ng sasakyan at lumubas doon si Haje.
She throw herself to Haje. Nasalo naman siya ng binata. Mahigpit siyang niyakap ni Haje.
“Will you still accept me, Threia? Sa kabila ng mga ginawa kong mali.” Haje whispered.
Tumango siya ng ilang beses. Umiiyak siya sa dibdib ni Haje.
“I’m sorry… I’m sorry… I’m so sorry for what my father did to your parents, Haje… I’m sorry…” sabi niya sa gitna ng kanyang hikbi.
“Shh. Stop crying, Threia.”
“Patawarin mo ang papa ko…”
“I already did, Threia.”
Umangat ang ulo niya para tignan si Haje. Pinunasan ni Haje ang pisngi niya gamit ang thumb nito.
“Matagal ko ng napatawad si Henderson. Hindi ko lang matanggap sa aking sarili dahil mas nangingibabaw ang galit sa akin. Hindi ko maamin dahil wala akong ibang inisip kundi maghiganti. But when you came into the picture, something change. At ikinagagalit ko iyon dahil hindi ko kayang kontrolin ang nararamdaman ko para sa’yo… pero wala eh, nahulog pa rin ako sa iyo.”
“Ikaw ang dahilan kung bakit nakaya kong magpatawad, Threia.”
She froze after his confession.
He loves her. Malinaw iyon sa kanyang pandinig.
“Threia, anak?” bumaling siya sa boses na iyon.
Ang Papa niya. Nakatayo ilang mga yabag ang layo sa kanila ni Haje.
“Papa!” sigaw niya at kumaripas ng takbo para salubungin ng yakap ang mahal niyang ama.
“Thanks God for letting my daughter safe.” ani ng papa niya.
“I miss you, Papa.”
“I miss you too, sweetheart.”
“How are you, Hija? May masakit ba sa iyo? Ano’ng nangyari? Sino’ng dumukot sa iyo? Kailangan kitang dalhin sa hospital para magpa-check up.” magkasunod na tanong ng kanyang ama habang ine-eksamin kung may galos ba siya sa katawan.
“Ayos lang po ako, Papa.”
“Sino’ng naghatid sa’yo?” kapagkuwan tanong ng kanyang ama.
“Si Haje p-” She stop in her mid sentence nang walang Haje nang lingunin niya kung saan ito nakatayo kanina.
Umalis na ito nang hindi manlang niya namalayan. Di ba gusto niyang makausap ang ama niya? Pero bakit umalis na agad nang hindi manlang nagpaalam sa kanya? Akala ba niya napatawad na ni Haje ang ama niya?
“Sino’ng Haje?” tanong ulit ng ama.
“Haje Defuente.”
“Defuente?” kunot noong sabi ni Henderson.
“Yes, Papa. You know him, right? The son of Harron Defuente and Laura Defuente.”
Umigting ang panga ni Henderson nang marinig ang mga pangalan na ‘yun.
“Ano ang totoong nangyari noon, Papa? Please tell me the truth.”
Gusto niyang marinig mismo sa ama ang totoong nangyari noon.
His father sighed heavily. “Come inside, anak. And I will tell you everything.”
Inalalayan siya ni Henderson papasok ng kanilang Mansyon. Nagpakuha muna siya sa kasambahay ng tubig para sa anak.
“Tell me, Papa.” ani Threia pagkatapos niyang makainom at ngayo’y prente na siyang nakaupo sa sofa kaharap ng ama.
Then, her father started to reminiscing the past.
-FLASHBACK-
“Mali ito, Laura. Tigilan mo na ako.” sabi ni Henderson Strevillo kay Laura Defuente.
“Ikaw ang...