When a Single Mom meet the Hot CEO Continuation of Chapter 3


Continuation of Chapter 3 (When a Single Mom meet the Hot CEO)
____
David’s POV:
Pinaghandaan ko ng mabuti ang araw na ‘to.
Gumising ako ng 7:00 a.m, para hindi ako ma-late sa pupuntahan ko.
Oo, kikitain ko ang batang nakausap ko kagabi.
Akala mo kung sinong matanda kung makaasta sa akin. Kaya bibitayin ko siya patiwarik para matuto s’yang gumalang.
Siguro, hindi ito napalaki ng maayos ng nanay niya kaya gano’n ang naging ugali.
“Call the driver, aalis kami.”, utos ko sa yaya habang nagpapa-gwapo ako sa harap ng salamin.
It’s another day.
Another day that I will face that child.
___
Nang makita kong ayos na ang suot ko, lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa may garahe kung saan nando’n ang driver na naghihintay sa akin.
Agad akong pumasok sa kotse at sinabi ko sa kanya na sa Brgy. Ligaya ang punta namin.
Hindi na nga ito nagpaligoy-ligoy pa at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
“Sir David, sigurado po ba kayo na dito ang punta natin?”,
“–Masyadong madumi ang lugar na ‘yon. Baka hindi ka sanay.”, saad ni Manong na tila binibigyan ako ng pagkakataon para umatras.
“Just drive. I don’t need your opinion.”,
“–Kailangan nating magmadali dahil atat na akong makita ang bata.”, bigkas ko rito.
“Bata?”,
“–M-may nabuntis ka po ba, Sir?”, usisang tanong niya.
“Pwede ba, kinuha kitang driver para magdrive, hindi para maging chismoso sa lahat ng bagay.”, inis kong turan dahilan para matahimik siya.
Tumagal ng kalahating oras bago kami nakarating sa baranggay.
Squater ang lugar.
Dikit-dikit kasi ang mga bahay, isama mo pa na maraming basura ang naka-kalat sa paligid.
Tinakpan ko ang aking ilong ng panyo at nagtanong-tanong na rin ako, kung saan dito ang bahay ni Kate Velasco.
Hindi na kami nahirapan hanapin ‘yon, dahil...


masyadong sikat pala ang babaeng ‘to sa lugar nila.
“Bumalik ka na sa mancion, tatawagan na lang kita kapag uuwi na ako.”, saad ko sa driver na kaagad tumango at tinalikuran ako.
Hinarap ko naman ang maliit na barong-barong na may maliit na pinto.
Kung titingnan, mas matangkad pa yata ako sa pintuan nila kaya bahagyang napangiwi ang labi ko sa aking naobserbahan.
Ang tapang ng bata sa cellphone, heto lang pala ang bahay nila. Tsk.
Kumatok ako ng tatlong beses bago ito binuksan.
And sh*t!
Halos matumba ako nang makilala ko ang taong bumukas ng pinto.
“K-kuyang pogi? A-anong ginagawa niyo rito?”, tanong nito na hindi maguhit ang mukha.
“Ikaw? Ikaw ang batang sumagot ng tawag ko kay Kate?”, balik na bigkas ko.
“At ikaw ang manliligaw ni mama?”, pagpapatuloy niya sa sinabi ko.
Tang*na!
Hindi kami magkaintindihan dahil pareho kaming nagulat sa isat-isa.
At para hindi na ako maguluhan pa, marahan kong tinulak ang bata na naka-abala sa gitna ng pinto.
“Abah, hindi pa ako nagsabi na pumasok ka ha?”,
“–Minus one, dahil wala kang respeto sa akin.”, rinig kong sambit habang nakasunod.
Nanatili akong nakamasid sa bawat sulok para tingnan ang mga pictures sa dingding.
Nasilayan ko ang picture ni Manang na katabi ang anak niya.
At sa gilid nito, nando’n si Kate. Ang babaeng naka-table ko sa bar.
Napailing ako ng bahagya at pinipilit na panaginip lang ito.
“Ang ganda ni mama, noh?”,
“–Sa gabi lang s’ya nagpapaganda kuyang pogi, pero sa umaga, daig niya pa ang isang pulubi kapag sumuot.”, ngiting wika ng batang lalaki.
F*ck!
Yung Manang at si Kate ay iisa?!
______
A/N: I hope you’re enjoying reading this story. Full of twist po ito. Please comment your feedbacks, I want to read it. Thank you. Sana makaantay kayo.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. omg i love the shory

Leave a Reply


top