MY DEAREST ENEMY CHAPTER 2


GENRE:ROMCOM
WRITTEN BY:SKYLINE
“Kakainis, akala mo kung sinu? ang kapal ng mukha na sabihin sa akin na mas may tiwala sa kanya si lolo. Sinu siya para sabihin sa akin ‘yon, ang kapal!,ang kapal talaga.” Sa inis niya pabagsak na sinara ang pinto ng kotse.
Matapos n’yang sampalin si Red ay agad siyang lumabas ng opisina. Ni hindi niya man lang tingnan ang lalaki. Hindi na niya ito hinintay na magsalita dahil ayaw din niya na makipagtalo dito dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at masampal niya muli ito.
Nang makita niya kanina ang lalaki sa loob ng opisina ng kanyang abuelo. Biglang bumalik ang masakit na alaala na dulot ng lalaki. Sakit na pilit niyang kinakalimutan. Akala niya sa mga nagdaan na mga taon nakalimutan na niya ang lalaki. Pero kanina nang makita niya muli, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dahil lalo itong naging gwapo sa kanyang paningin, dagdag pa ang malalim nitong dimples sa magkabilang pisngi nito.
“Senyorita okay lang ba kayo? tanong ng driver sa kanya. Napatingin siya dto at sabay tango.Hindi niya namalayan na umiyak na pala siya. Pinunasan niya ang luhang lumaglag sa kanyang mga mata.
“Manong Ben uwe na po tayo, gusto ko na pong magpahinga.” wika niya dito
Agad naman na pinaandar ni manong Ben ang kotse at sabay sulyap sa dalaga na ngayon ay nakapikit. Habang nasa biyahe,tahimik na nakatingin si Nicole sa labas ng kotse.
Sa sampung na taon na hindi siya umuwe dto sa Pilipinas. Madami nang nagbago, mas lalong dumami ang mga nagtataasa’ng gusali. Mas lalong lumala ang traffic.
“Manong Ben pwede pong magtanong sa inyo.”
“Ano ‘yon senorita? Nakangiting tugon ni manong Ben sa kanya.
“Kaylan pa po pinagkakatiwalaan ni lolo si Red?” tanong niya dto
“Senyorita, ang alam ko mula nong magkasakit si Don Felipe. Na nong araw na pinapauwe kayo, pero di kayo umuwe. Walang ibang pwedeng pagkatiwalaan ang iyong lolo kundi si Red. Kasi si Red lang ang tanging nakakaalam ng mga pasikot-sikot sa kompanya,” mahabang wika nito sa kanya.
Tumango-tango siya paanong alam ni Red ang pasikot-sikot sa kompanya ng kanyang lolo? At paanong napapayag ang mga board member na ipagkatiwala kay Red ang kompanya? Ang alam niya pagbobotuhan muna iyon ng mga board member kung sinu ang karapat-dapat. At dapat ang C. E. O. ang magdedesisyon noon.Pumikit na lang siya, itatanong niya na lang sa kanyang lolo ang mga katanungan niya.
Samantala, naiwan na tulala si Red sa loob ng opisina hindi niya inaasahan na sasampalin siya ni Nicole. Iyon ang dalawang beses na sinampal siya nito. At this time, masakit dahil ramdam niya parin ang sakit na dinulot niya dito. Kita niya sa kanyang mga mata ang lungkot.
Nang makita ko siya kanina habang papasok dito sa opisina, gusto ko siyang yakapin at halikan. Dahil miss na miss ko na siya. Pero alam kong hindi pwede dahil sinaktan ko siya dati. Lalo itong gumanda ngayon, nakakaakit titigan ang mga mata nitong mapupungay. At ang mga labi nitong mapupula na ang sarap halikan.
Pumikit siya at inalala ang mga pinag usapan nila ng Don noon.
“Red alam kong may namamagitan sa inyo...


ng apo ko. Hindi ninyo maitatago sa akin.” Galit na wika ng Don dito
Si Red naman ay yukong yuko dahil natatakot sa Don. Nilihim nila ang ang kanilang relasyon sa Don dahil magagalit ito sa kanila. At alam niya na kapag nalaman ng Don paghihiwalayin sila nito. Minahal niya si Nicole kahit langit at lupa ang kanilang agwat sa buhay. Sa edad niyang labing-pito, umibig at minahal niya ng totoo ang dalaga kahit alam niya na impossible na magustuhan din siya nito.
Hanggang sa magtapat ng nararamdaman ang dalaga sa kanya. At iyon din ang pagkakataon niya para aminin din dto ang kanyang damdamin. Naging masaya sila sabay na nangarap.
“Hiwalayan mo si Nicole.” salitang nag pabalik sa kasalukuyan ni Red. Tumingin siya sa Don at kita sa mata ng matanda ang galit pero may pag uunawa.” Gaano mo kamahal ang apo ko Red? tanong ng Don sa kanya.
” Mahal na mahal po Don Pelipe, minahal ko po siya kahit langit siya at lupa ako. “pagtatapat ni Red dito.
“Kung mahal mo ang apo ko layuan mo siya. Bata pa ang apo ko at may mga pangarap pa ako para sa kanya. At hindi ikaw ang lalaking nararapat para sa apo ko.” Salitang masakit para sa kanya. Alam niya na darating ang pagkakataon na ‘to. At pinaghandaan na niya ito pero ang hindi niya napaghandaan ay iyong sakit na naramdaman niya.
Kinuyom niya ang kanyang dalawang kamay dahil sa huling salitang binitawan ng Don.
“Red malaki ang tiwala ko sayo, mula nong dumating ka dito sa mansion, tinuring na kitang parang apo. Kaya sana sundin mo ang gusto ko. Hayaan mong marating ng apo ko ang mga pangarap niya. Kapag dumating ang tamang panahon para sa inyong dalawa at kung kayo pa rin sa dulo. Asahan mong hindi ako tutol sa inyo. Pero ngayon pakawalan mo siya. “Pakiusap ng Don sa kanya. ” Maaasahan ko ba Red? sabay hawak sa dalawang balikat niya.
Napaangat ng ulo si Red, pilit pinipigilan ang mga luha.
” Opo Don Pelipe, maaasahan n’yo po.”
pikit matang tugon niya sa matanda
Mahinang katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Hindi niya namalayan na may luha na pala sa kanyang mga mata.Pinunasan niya ang luhang lumaglag sa kanyang mata.Saka tumayo papunta sa kanyang table.
“Sir,” tawag ng kanyang secretary. “May dinner meeting po kayo ngayon kay Mr. Cua,at exactly 7pm.” Wika ng secretary sa kanya.Sinulyapan niya ang kanyang pambisig na relo, it’s almost 4pm.
“Okey thank you Gwen.”
“Your welcome sir. Sir wala na po ba kayong ipag-uutos? tanong ng secretary dito.
“Coffe please! nakangiting wika niya dito.
” Okay po sir, mukhang stress kayo sir ah, kasi hapon na eh magkakape pa kayo,” wika ng kanyang secretary, alam nito kapag stress siya. Uminom siya ng kape.
“Gwen stress nga ako kaya ipagtimpla mo na ako ng kape.” Kunot noo’ng ani niya sa kanyang secretary.
“Sabi ko nga Sir stress ka.” wika nito sabay alis.
San ka ba naiistress Red? Sa problema ng kompanya o dahil nakita mo ulit si Nicole. Ang babaeng minahal mo pero sinaktan mo? Wika niya sa kanyang sarili..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top