MY DEAREST ENEMY CHAPTER 1


GENRE: ROMCOM
WRITTEN BY: SKYLINE
“WHAT? halos mabingi si Nicole dahil sa sinabi ng abogado ng kanyang abuelo. Hindi siya makapaniwala na lahat ng ari-arian nito ay nakapangalan kay Red Khian. Na ngayon ay ang lapad ng ngiti sa labi.
” YES! Miss Nicole, ‘yan mismo ang gusto ng lolo mo.” Pahayag ng abogado sa kanya
” This is unbelievable attorney,” wika nito na halos hindi maniwala sa sinabi ng abogado. Tumingin siya kay Red na ngayon ay nakade-kwatro, nakatingin din ito sa kanya. Nagsukatan sila ng tingin sa isa’t isa. Naiinis na iniwas niya ang tingin dto dahil nakangiti ito sa kanya. Naasiwa siyang tumingin dto.
Kung makangiti s’ken kala mo feeling close. At mukhang tuwang tuwa ang mokong na ‘to dahil sa kanya nakapangalan lahat lahat ng ari-arian ni lolo.Ang swerte nang hinayupak na’ to,ako ang tunay na apo pero wala man lang nakapangalan sa akin.
“Pero iyan ang totoo Miss Nicole.”
” Ikaw!, Anong pinakain mo kay lolo at ganon na lang ang tiwala niya sayo? Dinuro niya si Red na nabigla sa ginawa niya. “Ang kapal ng mukha mo, ako ang tunay na apo kaya dapat sa akin lahat ng ari – arian ni lolo. Siguro kinuha mo ang loob ni lolo para pagkatiwalaan ka ng ganyan niya.Sabagay gawain mo na talaga ‘yan, ang magpaikot ng mga tao sa palad mo at kapag nakuha muna ang gusto, iiwan at ipamukha na wala siyang halaga sayo,” kuno’t noo na wika niya kay Red. Kung nakakamatay lang ang mga tingin siguro namatay na siya dahil sa talim nito na mga titig.
“Nicole!, enough, walang kasalanan si Red,” wika ng kanyang lolo Pelipe na ngayon ay naglalakad papunta sa kanya.” How’s your flight apo, mukhang mainit ang ulo mo dahil kung sigawan mo si Red ay parang hindi kayo magkakilala.”
Pagkagaling niya ng airport ay dinaretso siya ng driver dito sa opisina ng kanyang lolo dahil may importante daw itong sasabihin. Kung alam lang niya na tungkol ito sa mga yaman ng abuelo, sana hindi na siya pumayag na dito dumaretso.
“Lo! pinauwe ninyo ako dto sa Pilipinas para lang sa yaman ninyo. Eh mukha naman na hindi na ako kailangan dto. Dahil mukha naman na pinaikot na kayo nang magaling ninyong ampon”, naiinis na ani niya sa kanyang abuelo.
“Nicole, yan ba ang natutunan mo sa ibang bansa, ang magsagot sagot sa akin.”
Si Red naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila ayaw na niyang makisawsaw sa pag uusap ng mag lolo. Alam niya ang plano ng Don dahil kinausap siya nito tungkol sa bagay na iyon. Pumayag siya para na rin sa kapakanan ng kompanya. Nalulugi na kasi ang L. M. F. Inc. Kompanyang tinayo ng Don. At dahil sa katandaan nito hindi na kaya pa nito na pamahalaan ang kompanya.
Dahil sa laki ng utang na loob niya sa Don agad siyang pumayag sa balak nito. Sa kagustuhan na makasama ang apo, gumawa ng isang desisyon ang Don para mapauwe lamang ito.
“Atorney, ituloy muna.”...


Wika ng Don.
” May isa ka lang dapat malaman Miss Nicole,” wika ng abogado may kinuha itong brown envelop at binigay ito sa kanya. Tinanggap niya ito at binuksan, nagulat siya dahil sa nabasa. Tumingin siya sa kanyang abuelo na ngayon ay nakatungo na at bakas sa mukha ang lungkot.
“Miss Nicole, one year nang nalulugi ang kompanya ninyo. Pilit na binabangon ng lolo mo pero lalo lang itong bumabagsak. Kaya ka pinauwe dto para sa kompanya ninyo. Na lingid sa amin na ayaw mong tanggapin.”mahabang wika ng abogado.
Kahit minsan hindi siya nagkainteres sa kompanya ng kanyang lolo. Gusto niyang magkaroon ng maliit na kompanya at negosyo mula sa sarili niyang sikap, hindi iyong galing sa kanyang lolo.
” Eh, anong kinalaman niyan sa yaman ni lolo? Tanong niya sa abogado.
“Mapapasayo lang lahat ng ari – arian ng lolo mo kung mapalago ninyo muli ang kompanya.”
“Ninyo? Who? attorney. Tanong niya dto.
” Si Red, tutulungan ka ni Red kasi alam na niya ang pasikot-sikot sa company ng lolo mo dahil matagal na itong nagtratrabaho dito.
“ANO? gulat niya bigla siyang tumingin kay Red at nagtama ang kanilang mga mata, sinamaan niya ito ng tingin at inirapan pero ang hinayupak tinawanan lang siya.
Binalingan niya ang kanyang lolo,” Lo! iba na lang ang ibigay ninyong tutulong sa akin, huwag lang yang lalaki na yan.” pakiusap ni Nicole sa kanyang abuelo. Ayaw niyang makasama ang lalaking nanakit sa kanyang damdamin. Na hanggang ngayon ay nandto pa rin ang sakit.
“Apo si Red ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa kompanya. At alam kong sa tulong ninyong dalawa mapapalago muli ang kompanya natin.” Wika ng don sa kanya.
“Pero lo!
” Walang pero-pero Nicole, kung gusto mong makuha lahat ng meron ako at mapasayo ang lahat gawin mo ang gusto ko,” may galit nang wika ng matanda. Tumayo na ito para umalis. Sa pag alis ng matanda at nang abogado. Naiwan siyang tulala at naiiyak. Napasabunot siya sa kanyang buhok sabay pilit ng mga mata.
Hindi niya akalain na magagawa iyon ng kanyang lolo sa kanya.
“Miss Allarcon magtulungan na lang tayo para sa kompanya,” sambit ni Red sa kanya.
Humarap si Nicole dito na nakakunot ang noo. Pero na mangha siya sa lalaking kaharap dahil sobrang gwapo ito sa kanyang paningin at nakakaakit na yakapin. Napadako ang tingin niya sa nakaawang na labi nito. Na animo’y ang sarap halikan..
“Ang kapal mo naman tell me, ano bang ginawa mo kay lolo at ganon na lang ang tiwala niya sayo.” Hindi n’ya pigilan ang sarili na tarayan ‘to. Lalo’t ang hinayupak ay nakangiti pa na tila nag-aasar pa.
“Miss Allarcon hindi ko kasalanan kung ganon na lang ang tiwala sa akin ni Don Pelipe. Siguro magaling ako para ipagkatiwala niya sa akin ang kompanya at ang lahat niyang ari-arian. At siguro mas may tiwala siya sa akin keysa sa sarili niyang apo.” Nakangising wika nito
Dahil sa sinabi ni Red uminit bigla ang kanyang ulo kaya walang anu-anong sinampal niya ito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top