GENRE: ROMCOM
WRITTEN BY: SKYLINE
“ALAM mo ba kung anong gamot ang ibinibigay ko sa babaeng talak nang talak? Niyayakap ko at hinahalikan hanggang sa manahimik.”
Nicole Samantha Allarcon apo ng isang pinakamayamang tao sa probinsya ng Batangas. Lahat ng karangyaan ay nasa kanya na, magandang mansyon, mamahaling sasakyan, lahat ng gusto ay nakukuha niya dahil nang iisang apo at taga pagmana ni Don Pelipe Allarcon. Ulilang lubos dahil dalawang taon pa lamang siya ng maaksidente ang sinasakyang kotse ng kanyang mga magulang. Namulat siya sa pangaral at pagmamahal ng kanyang abuelo.
Sa edad na 16 umibig siya kay Red Khian Molina anak ng kanilang kusinera. Mula pagkabata lihim na niyang minahal ang lalaki.
Sa murang edad niya naging magkasintahan sila ni Red. Minahal niya ng sobra ang lalaki kahit langit at lupa ang agwat nila sa buhay, para kay Nicole hindi importante ang status sa buhay basta mahal ninyo ang isa’t isa.
Naging masaya ang kanilang relasyon, nilihim nila ang kanilang relasyon sa kanyang lolo. Ngunit isang araw bago sumapit ang...