ESCAPE ROOM CHAPTER 3


CHAPTER 3 – CAUGHT
Author Shela mae
◆ ANNIE’s POV ◆
(AFTER 1 DAY)
“Wow ha! Ako lang ba nakakapansin na hindi lumapit satin si Russu at Austin para humanap ng sagot kanina?” wika ni Mikha habang nakataas pa ang kamay.
Napailing na lang kaming lahat saka ako mahinang tumawa.
Well. Napansin ko din yan kanina. Actually, handa na notes ko para bigyan sila ng sagot kaso useless lang din yung nangyari. Nakakapanibago lang talaga.
“Mukhang nagbago na sila ah. Gusto nila din maging ‘good student’ ” wika naman ni Jared habang nakatingin sa dalawang lalaki.
Mabilis na pumagitna si Russu sa daan namin kaya napahinto kami sa paglalakad papunta sana sa canteen para mag celebrate dahil natapos na huling yugto ng buhay namin bilang estudyante.
“People change.” Maikling tugon lang ni Russu na akala namin magbibigay ng mahabang speech. Tumawa na lang kami dahil sinabayan nya pag-taas ng balikat niya na aktong nagyayabang.
Napuno nang kwentuhan at tawanan ang hapon na yun. Nakalimutan namin sandali yung nangyari samin kagabi tungkol doon sa misteryosong lalaki pero sa tingin ko hindi na siya ‘mysterious’ dahil kilala ko na and nila Mikha kung sino siya.
Mikha and Jared encounter that too. Napalabas pa daw sila sa labas ng bahay dahil sa meron sa kanilang bumulabog.
Habang busy sa pag-aaral si Mikha eh mayroon hugis ‘araw na liwanag’ ang biglang pumuslit sa pader niya. Hinanap niya daw kung saan ito nanggaling at dito ay nakita niya yung taong nakasuot ng hoodie na may hawak na “flashlight” kung saan nagmumula yung liwanag. Nang mapansin siguro nung taong iyon na nahuli siya eh mabilis tong tumakbo. Mabilis na lumabas si Mikha ng kwarto niya para habulin yung taong yun dahil sa matinding kuryusidad kung tama ba ang hinala niya na nagbabalik “siya” sa ganung klaseng paraan, ngunit hindi niya ito naabutan. Si Jared naman ay binulabog nang isang creepy song kaya halos tumaas ang balahibo niya sa takot. Napansin nang mga magulang niya ang tunog na yun na halos bumulabog sa buong bahay nila at hinanap kung saan to nanggaling. Dito ay nahuli nila yung taong nakahood na nakatayo habang nakapamulsa sa may mismong bintana malapit sa kwarto ni Jared. Balak sana nilang lapitan yung taong yun kaso nawala ito ng kusa. Dito na rin nakaramdam nang something si Jared at namukhaan niya rin kung sino ito. Hindi man nila ito naabutan ngunit meron siyang nadampot sa bakuran ng bahay nila na hugis parihabang bagay na may nakaukit na:
“What if i tell you that there’s no happy memories makes your friendship last longer?”
Pinakita niyo ito sa amin kanina at dito nga kami nakasigurado talaga kung sino siya.
Matapos naming kumain, pinaalala samin ni Jared na bukas na kami pupunta sa Escape Room. Ilan sa mga kaibigan ko eh medyo hindi naiwasang ma-excite dahil siguro ito yung araw na puno ng saya yung araw na yun. May ideya na rin kami kung ano nga meron sa ‘Escape Room’. Matapos kasi yung insedente dun sa pagpapakita niya sa bahay kung saan sinadya niyang binato yung salamin na bintana ng kwarto ko eh natuloy kong magresearch about dito. Cinopy ko lahat ng information about dito saka ko sinend sa groupchat namin.
Ang ‘Escape Room’ ay isang game na kung saan makukulong kayo sa isang kwarto at makakalabas kayo sa pamamagitan nang paghahanap ng mga clues, puzzle o riddle.
Napansin ko din na kulang ang information na binigay dito dahil mayroong...


nakalagay na “—-” sa mga sumunod na sentence hanggang sa matapos.
Wala din mahahalagang information na nakasulat kung meron din ba nito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas o sa ibang bansa. At wala ding litrato sa Google na makikita tungkol dito.
Dahil sa pagiging “mysterious” ng ‘Escape Room’ ay mas lalong naging mapanabik ang nararamdaman nila samantala ako eh may nararamdamang kakaiba talaga dito.
“Pre! Sa bahay ka ulit matulog. Mag-inuman ulit tayo para mas lalo tayong ganahan para bukas” anyaya ni Russu kay Austin. Tumango lang sa kanya bilang sagot. Napansin ko din na panay ang masid nito sa akin kaya medyo nakakailang siya lalo pa’t magkatabi kami sa paglalakad.
Mabuti na lang at pumagitna si Mikha na hindi ko alam kung sinasadya niya para maalis ang pagkailang ko o trip lang nya lumipat ng pwesto.
“Maaga kayong pumunta sa bahay para magtagal tayo sa ‘Escape Room’ ” wika naman ni Jared at umu-oo na lang kami sa kaniya.
“Kotse ko na lang gamitin natin para sa sasakyan papunta sa ‘Escape Room’. Dalhin ko na lang kotse ko papunta sa bahay niyo Rus tapos daanan natin sila Mikha at Annie saka tayo dumiretso kela Jared” suhestiyon ni Austin.
“Yeah! Mabuti may sense na rin yung mga pinagsasabi mo Austin. Nakakapanibago lang” tugon naman ni Mikha.
“Mabuti napansin nyo. Gaya nga ng sabi ni Russu kanina..” tumigil si Austin sandali. “People change” dugtong niya na ginaya ang tono ng pananalita at pagtaas ng kamay ni Russu kanina.
Tatawa na sana kami nang bigla kaming mapatigil nang makita namin sa malayo si _ Trisha kasama ang mga bago niyang kaibigan na mukhang may pinagtitripan na isang estudyante.
Nagulat kami kung paano nila buhusan ng mga hawak nilang mineral na tubig at bottled juice yung babae. Malakas naman tinulak ni Trisha yung babae kaya bumagsak ito sa lupa ng malakas.
Hindi ko maiwasang maawa at magalit sa nakita namin ngayon.
“Alam niyo sumusobra na yang babaeng yan! Papatulan ko yan ngayon din kapag hindi ako nakatiis!” Nanggigil na wika ni Jared na balak na sanang lumapit kela Trisha ngunit pinigilan siya nila Austin.
“Huminahon ka nga Red! H’wag ka gumawa ng gulo dahil lang d’yan” -Russu.
“Natandaan mo sinabi ko sayo kagabi Jared? Na huwag ka pumatol sa mga impakta dahil baka maging katulad ka nila. And see, may napala din payo ko sayo ngayon” wika naman ni Mikha.
Pinagmasdan ko lang sila Trisha habang patuloy parin sila sa pananakit dun sa kawawang babae. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya yun, na magagawa niyang manakit ng ibang tao.
Dahil dito mas lumiit ang porsyento na aasa akong bumalik kami sa dating pagkakaibigan dahil sa nakita ko ngayon. Mabuti na lamang at merong mga estudyante ang tumulong dun sa kawawang babae at pumigil sa ginagawang pangbubully nila Trisha.
Naging mapanatag na rin ang loob ni Jared dahil dito.
“Warfreak talaga yang babaeng yan. Nako, hindi ko talaga alam kung paano ko yan naging kaibigan tssss” dagdag pa niyang wika. Lumapit na lang ako sa kanya saka hinagod yung likod niya para kumalma na siya ng tuluyan saka na kami nagpatuloy sa paglalakad.
“Actually, kelangan na talaga natin maglaro sa ‘Escape Room’ baka kahit papaano mabawasan yung strees ngayong araw haissstt” sabi ni Mikha na hindi ko napansin dahil sa may kaliwang banda ng hallway ay nakita ko si Trisha na tumingin sa direksyon namin ng mabilis at saka umiwas dahil sa nagkatingininan kaming dalawa.
–end of chapter 3






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top