MAGKAIBANG MUNDO Chapter Four Continuation


Lawrence’s POV
Nasa meeting place na kami sa mga oras na ito. Pumasok kami sa loob ng isang mamahaling restaurant, sa dulong parte ng mga sofa nakita ko ang medyo may edad na lalaki at nakatalikod ito saaming gawi. Hinatid kami ng empleyado ng restaurant sa pwesto ng taong nakatalikod saamin. Habang papalapit kami sakanya hindi ko alam pero parang may kung anong kirot ang gumuhit sa dibdib ko ng dahan-dahan siyang mapaharap saamin. Nabuhay muli ang matinding pagkamuhi ko sakanya nang biglaan niya akong niyakap at tinawag na —- ANAK!
“Akala ko hindi na kita makikita pang muli anak, masaya ako’t natagpuan kita” nakangiting turan ni Mr. Del Mundo
“So can we strart the meeting? But let’s have our order first.” pag-iiba ko ng topic.
Natapos na kaming mag order. Hindi ako mapakali dahil kaharap ko siya, parang gusto ko siyang sugurin ng suntok pero hindi pwede dahil siya ang susi sa pinagdaraanan ng kompanya ngayon.
“Relax! Everything will be alright and we can leave this place later ,okay?” pabulong na litanya ni Darby saakin.
“Kumusta ang mama mo Lawrence? Nagpakasal ba ulit...


siya after ng divorce namin? Bat hindi nyo pala siya kasama?” mahabang pagtatanong niya.
“A-ahmm soon you’ll meet her sir. For now let’s just talk about the business and the reason why we’re here.” ngiting sagot ko sa kanya.
“Well walang problema kahit di na natin pag usapan yan I can assure that you will get what you want” sagot niya.
Dumating na ang orders namin at nagsimula na kaming kumain. May inabot din siyang mga dokyumento na naglalaman ng mga kailangan kong permahan, gayundin ang ginawa ko.
Nang matapos na kami ay nagpaalam narin kami na umalis na.
“Let’s have some drink? May malapit na club dito baka gusto mo ng refreshment?” untag ni Darby sa aming katahimikan.
“No! Let’s go home.Ihahatid na kita.” mariin kong sagot sakanya.
Inihatid ko na si Darby sa place nya at dumiretso narin ako ng uwi.Nakita ko ang larawan ng babae sa panaginip ko at parang kumalma ang kalooban ko habang pinagmamasdan ito. Hindi ko alam pero parang ang sarap sa pakiramdam na pagmasdan ang mukha ng babaemg laman ng aking bawat pagtulog sa gabi.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top