ESCAPE ROOM CHAPTER 4


Author shela mae
CHAPTER 4 – Welcome To Escape Room
◆ AUSTIN’s POV ◆
Nagising ako nang marinig ko ang alarm mula sa cellphone ko. Pagkabangon ko, nakita ko si Russu na kakagising lang din at nag-aayos ng kanyang kama.
Sa bahay nila ako ulit nagpalipas ng gabi dahil niyaya na naman ako nito na mag-inuman. Lakas nga magyaya kaso nung magsisimula na kami eh wala kaming nakitang alak sa ref niya, hindi namin napansin na naubos pala namin nung nag-inuman kami nakaraan.
Dahil sa wala nga alak kaming nadatnan sa kanila, bumili siya sa labas para kahit papaano ay matuloy parin. Malayo yung convenient store sa subdivision nila kaya mga kalahating minuto bago siya makabalik pero laking gulat ko na hindi pa nakaka-isang minuto eh bumalik siya na may hawak nang in-can na alak.
Nagtaka ako kung saan niya nakuha ang mga yan kaya tinanong ko siya. Sagot naman niya, nakita lang daw niya yun sa may labas malapit sa pintuan. May note daw ‘tong kasama na may nakasulat na “From Annie”.
Mas lalo akong ginanahan nang malaman kong galing pala sa kanya yung mga alak.
Kaso nakakapagtaka lang, kung paano niya nalaman yung brand na paborito naming iniinom saka saktong-sakto yung bilang ng mga alak na palagi namin iniinom.
Sa isip isip ko baka stalker ko na siya.
Taena ang weird pero nakakakilig.
Sinabihan naman ako ni Russu na kinabukasan na lang kami magpasalamat sa kanya at natuloy ang inuman.
Ang weird lang kasi medyo kakaiba yung lasa nung alak pero okay naman. Medyo nakakahilo at nakakalasing ito. Hindi pa kami nakakadalawa, tinapos na namin yung inuman saka kami natulog kaagad.
Kahit hilong hilo parin ako ay mabilis pa din naman ako nag-ayos nang sarili dahil baka naghihintay na yung tatlo sa amin. Kotse ko ang sasakyan namin papunta sa ‘Escape Room’.
Hindi kami mahilig ni Russu sa mga ganyang klase ng bagay sa totoo lang pero may kakaiba talaga sa lugar na yun kaya napapayag nila kaming dalawa sumama. Tama na rin yung dahilan na bonding narin naming itong lima bilang magkakaibigan kaya dapat hindi kami mawala ni Russu dito.
We’re bestfriend’s simula high school palang kaya meron na silang apat na sentimental value sa akin… lalo na si Annie.
◆ ANNIE’s POV ◆
After 10 minutes na paghihintay, dumating na sila Russu at Austin kasama si Mikha. Sumakay na ako at tumabi kay Mikha na halata sa mukha ang excitement. Binati nila akong tatlo ngunit yung kay Austin talaga yung nakapagaan ng pakiramdam ko. Simula kasi kanina pa ako kinakabahan na hindi ko naman alam ang dahilan. Weird lang.
“Gosh! Hindi na talaga ako makapaghintay na pumunta dyan sa ‘Escape Room’ na yan. Paandarin mo na Austin yung kotse para makapunta na tayo agad!” sigaw nito.
“Tss. Oo na.” Wika na lang ni Austin saka pinaandar ang makina ng kotse.
“Ihanda niyo na mga utak nyo mamaya Annie. Sa inyo lang kami dalawa ni Pareng Austin aasa HAHAHAH” tugon ni Russu saka lumingon sakin.
“Tumulong din kayo aba. ‘Wag kayo umaasa sakin uyy” sagot ko na lang sa kanya.
Hindi naman naiwasang sumingit ni Mikha sa usapan. “Porke sa ating lima, si Annie ang higit na matalino, ginaganyan niyo na? Aba..”
“Teka. Teka. Galit ka ba Mikha? HAHAHA. Hindi naman kami sayo aasa ha” – Russu.
“Bwisit ka Russu! Pinapalabas mo siguro na katulad ko kayo?” Sagot ni Mikha.
“U-uhmm wala akong nabanggit na ganyan”
Sabi ni Russu.
“Tss. Obvious naman na yun ibig sabihin mo nuh.But don’t worry, i will prove myself that i have an intelligence too” – Mikha.
“Inte – intelligence ka diyan. Grammar mo nga hindi maayos HAHAHAA” asar ni Russu sa kanya. Hindi naman naiwasan tumawa ni Austin habang nagddrive.
Napatingin ako kay Mikha na nakasimangot at ang sama ng tingin sa dalawang lalaki.
Baliw din tong si Russu hindi parin nagbabago sa pang-aasar kay Mikha.
“Annie, help me. Pinagtutulungan nila ako ohhh” sabi niya sakin saka nagpout.
“HAHA. Hayaan mo na lang sila. Huwag mo na lang pansinin” sagot ko sa kanya.
“Ikaw at si Jared lang talaga...


kakampi ko minsan pag inaasar ako ng mga MOKONG na yan! Kaya tenkyuu” pabebe niyang wika.
Ngumiti lang ako sa kanya bilang response. Mahirap gumawa ng topic kasi minsan kay Mikha dahil lahat niya gusto sabihin kaya aabot yung usapan niyo na isang oras hanggang sa matuyuan ka nang laway. Ganyan kadaldal si Mikha minsan.
Makalipas ng ilang minuto, nadatnan na namin si Jared na naghihintay sa labas ng bahay nila. Pagkapasok niya ng kotse ay bumati kami sa kanyang apat at tumabi sa akin so pinagigitnaan nila akong dalawa.
“Still driving na lang Austin. Sasabihin ko sayo yung mga directions papunta sa building ng ‘Escape Room’ ” sabi ni Jared at tinanguan lang siya ng binata.
Habang nasa biyahe ay napuno ng kwentuhan ang kotse. Hindi ako yung klase ng kaibigan na madaldal, magsasalita lang ako kung kakausapin nila ako o mag isisingit na sasabihin kaya madalas nakikinig na lang ako sa kanila.
Topic nila is about ‘Escape Room’ na kesyo excited na sila, handa na silang magsolve ng puzzle, at mag-enjoy. Mabuti nga sila at hindi nila nararamdaman yung sa akin. Paranoid lang siguro ako kaya masama talaga pakiramdam ko about sa ‘Escape Room’.
Sana goodvibes na lang nararamdaman ko ngayon hindi KABA.
Medyo malayo ang naging biyahe at nakarating kami sa ‘Escape Room’ saktong 12 ng tanghali. Kumain muna kami sa isang fast food chain malayo sa building ng ‘Escape Room’ saka na lang kami naglakad tutal nakapark na rin yung kotse ni Austin.
Malaki at malawak ang sakop ng building ng ‘Escape Room’. Sa may entrance palang bumungad na sa amin ang salitang “MINOS”.
“Pasok na tayo guys. Hindi na talaga ako makapaghintay” tugon ni Mikha sa amin.
Hindi na rin kami nagtagal sa labas at pumasok na kami sa loob. Tumambad sa amin ang napakagandang ambiance ng lugar kaya medyo gumaan at nabawasan ang kaba ko about sa ‘Escape Room’.
May mga tao rin kaming nakita na mukhang maglalaro din dito kaso napansin ko na hindi sila “player” dahil sa mga suot nila.
Pumunta na kaming lima sa counter kung saan naroon ang isang lalaking staff.
“Welcome to Minos Escape Room. All of Immersive Rooms here where take you a high level experience. Please give me your ticket to start your escaped game here now.” Wika niya sa amin saka ngumiti.
“Here po hihihi” mabilis na bigay ni Mikha sa kanya. Kinuha na namin yung mga ticket sa aming bulsa saka namin binigay sa kaniya.
“Floor 3. Waiting Room. Thank you” huling wika sa amin nung lalaki bago kami umalis. Pumasok na kami sa elevator na alam mong high class ang loob.
“Mayaman siguro may-ari nito. Ang ganda nung building oh” sabi ni Jared.
“First floor palang yan teh paano kaya yung 3rd floor o kaya waiting room baka maganda rin dun” sagot naman sa kaniya ni Mikha.
Pagkabukas ng elevator naglakad kami sa isang mahabang hallway na punong puno nang mga kulay asul na ilaw.
“Bakit blue yung ilaw? Diba dilaw yan?” Nagtatakang sabi ni Russu habang pinagmamasdan ito.
“Para kakaiba beh. Kakaiba rin yung building eh” – Mikha
“Nakakapagtaka lang” mahinang sabi ni Austin. Magkatabi kami habang naglalakad kaya narinig ko yung bulong niya.
Ako na bumukas nang pintuan sa Waiting Room at bumungad sa amin ang magandang aura ng kwarto. Ang ganda ng mga gamit sa loob lalo na yung mga sofa at furnitures dito. Walang ilaw sa kisame at tanging mga lamplights lang ang nagsisilbing liwanag ng kwarto.
“Ang gara nung Waiting Room grabe! Ang ganda ng service nila sa mga customer nila promise” – Jared habang nililibot ang buong kwarto.
Yung tatlo naman ay halos kuminang ang mga mata dahil sa ganda ng waiting room.
Well, malapit narin siguro magsimula ang ‘Escape Room’ kaya habang naghihintay pa kami ng hint kung kelan kami magsisimula, kailangan ko muna ihanda ang sarili ko at ikalma.
Sa sobrang pagod kanina sa kakalakad ay naisipan ko nang umupo sa sofa para magpahinga. Pagkaupo ko isang malakas na tunog ang bumulabog sa buong kwarto kaya naalarma kaming lima.
— end of chapter 4






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top