ACCIDENTALLY INLOVE


Genre: Romance
Author: Helen
” Rachel we need to make sure na madeliver ang flowers on time sa binigay ni Mr.Lorenzo na oras,we need to impress him as well sa mga design and arrangement ng flowers he really is a big client ”
aligagang sabi ni Lorraine sa kanyang assistance secretary/ bestfriend.
Si Mr. Lorenzo ang may ari ng isa sa pinakamalaking hotel sa pilipinas at may ilang resort din na pagmamay ari ang pamilya nito, few months pa lang nagooperate ang flower shop na itinayo nya galing sa namana nyang pera sa yumao nyang lolo at lola,and isang malaking chance na makilala ang flowershop nya kapag nagustuhan mi Mr.Lorenzo ang arranging nila ng flowers na ipapadeliver nito this valentines sa client at fiancee nito na si Tiffany Galvez na isang sikat na model.Pwede kasing sila ang magsupply ng flowers sa lahat ng hotels and resort na pag may ari nito at maari nang sumikat ang shop nya dahil kilala din itong tao.
” Relaks Raine! hinga ka muna sis para kumalma ka ng kunti,ako natataranta sayo eh ” sabad ni rachel na cool na cool lang sa pg fifinalize ng order
” You know naman na big break sa atin ang pagorder nila ng flowers,even though it is a 2 set of flower bouquet only,still chance na natin na maimpress sila para sa atin sila oorder” sabi pa niya na inaasikaso na ang pagsusulat ng love notes sa flowers na ibinigay nito kaninang kausap nya ang secretary nito sa phone
” Raine magaling ka at mapapansin nila ang design mo na sobrang pang international ang galing”
” Hay i hope they will like it” kinakabahan pa din sabi nya dito
” Im sure they are,oh ito na pala si Kuya Lito” biglang turan ni rachel, na ang tinutukoy ay ang delivery man nila
Binaling ni Lorraine ang tingin dito at ng makita ito ay nagmamadali nya ng inayos ang bouquet na nasa kahon at ang isa ay nasa basket, mabilis din niyang inipit ang love notes dito at nagmamadaling sinalubong ang driver nila.
” Kuya Lito nandyan na yung address sa receipt form ”
” ok maam una na po ako ” tugon nito na kinuha ang isang papel para tignan ang address at tumango na ito
” ok kuya ingat po,pakiingatan ang mga bulaklak”ani lorraine at nagmamadali na siyang bumalik sa reception area kung saan naroon si rachel.
” Rach sa loob muna ako ng office ha,gagawin ko lang yung list ng order ko na flowers from baguio and dangwa” paalam nya sa kaibigan
” hindi ka ba muna magpapahinga? aba kanina ka pa nagtatrabaho Raine” pagaalalang sabi nito
” Nope im fine, dont you worry ok pag pagod ako magpapahinga ako” nakangiting sabi niya dito at pumasok na sya sa maliit nyang office habang naiiwan ang kaibigan nyang umiiling dahil sa pagiging workaholic nya.
Well totoo kasi iyon na masyado nyang sinosubsub ang sarili nya sa pagtatrabaho dahil gusto niyang patunayan sa mga magulang nya na tama ang desisyon nya na gamitin ang mana nya sa flower shop business,ang gusto kasi ng mga ito ay tumulad sya sa kuya nya na in a span of 2 months nakilala na ang negosyo nito na security system ang hi tech gadget.
Ayon sa parents nya masyado mahina ang kita at walang asenso sa napili nyang negosyo.pero ito ang pangarap nya simula bata pa lang at iyon ay kanya lamang tinupad.suportado sya ng kuya Lance nya dahil mahal sya nito at super close silang magkapatid pero hindi ang mama nya. kaya ipinagkikibit balikat nya na lang ang pangiinsulto nito sa kanya.
Natigilan si Lorraine sa ginagawang pagiisip habang gumagawa ng mga delivery list of flowers ng may malakas na boses ng lalaki syang narinig mula sa labas ng office nya tila galit na galit ito at nagmura kaya dali dali niyang binuksan ang pinto ng office at sa pagbukas nito ay isang gwapo at matipunong lalaki ang nakita nyang galit na galit na kausap ng kaibigan nya,kahit nagagalit ito ay napakagwapo pa din sa paningin niya.
” Where is the manager of this damn shop” bulyaw nito na nagpabalik sa katinuan ni Lorraine
” Hi my name is Lorraine manager and the owner of this shop” seryosong sabi nya dito at pilit tintagan ang boses ng makaharap ito,nilingon nya si rachel at sinenyasan na siya na ang maghahandle dito. agad itong nakahinga ng maluwag at inasikaso ang paparating na customer na dinala nito sa arranging area nila para di makaagaw atensiyon sa galit ng lalaki
” So you are-” nabitin sa ere ang sasabihin ni Charles mg tumambad sa kanya ang may ari ng shop na iyon isa itong napakagandang babae napakaamo ng hugis puso nitong mukha,matangos na ilong at mamula mulang labi na parang kaysarap halikan dahil tama ang lapad at nipis nito may maamo din itong mata na binagayan ng malalantik nitong pilikmata, bagay na bagay ang ganda nito sa naggagandahang bulaklak sa paligid nito.
” Is there anything that i can help you sir” ang malamyos na boses nito ang nagpabalik sa kanya sa realidad. at bigla nyang naalala ang nangyari sa board meeting nila kanina na nagpabalik sa galit nya
” yes,so as i was saying you are the owner of this shop,and you should know kung anu ang ginawang kapalpakan ng shop nyo, na ikinasira ko sa supposedly big client ko!” pabulyaw nitong sabi
Natulala naman si Lorraine sa inasal nito kanina...


kasi akala niya napaamo nya ito perp bigla itong naging matapang ulit
” I dont know what you’re talking about sir,but whatever it is on behalf of our staff i do apologize ” kinakalma nya ang sarili
” Will i can accept that apology kung maibabalik nyo ang kliyente ng company ko na nawala dahil sa katanghan ng tauhan mo! ” muling sigaw nito n nagpainit na ng ulo niya
” Wait nga sir sino ka ba kasi at anu ang pinagsasabi mo ha,kailan ka ba umorder ng flowers sa amin kasi as far as i know hindi kita matandaan na bumisita sa shop ko!”
” Of course kasi ang secretary ko ang nag order, and by the way i am Charles Lorenzo, now i made some orders yesterday and it supposed to be delivered today,and your employee did that, but guess what! iyong love notes ko na para sa fiancee ko ay nailagay nyo sa bouquet of rose ng client ko at yung para sa client ko name ng fiance ko ang nakalagay,so you see that simple mistake can ruin my biggest client!”
Galit na galit ito habang natulala naman si Lorraine dahil sya ang magsulat ng notes na yun so ibig sabihin yung may iloveyou and see you tonight notes napunta sa fiancee nito pero under the name of Ms
LeeWin ang chinese national na malamang ay tinutukoy nitong client.
oh god! bulalas nya sa isip nito
” Im so sorry Mr.Lorenzo i really do,uhm we will make up to you sir,if you want we can made another bouquet for free and the most expensive that what we have -”
“No ” putol nito sa iba pa niyang sasabihin
” Do you think na mababawi ng expensive flowers mo ang client ko ha!” singhal ni charles dito naawa siya sa hitsura ng maganda nitong mukha kapag sinisigawan nya ito pero kapag naalala ang ginawang pagpapahiya ni tiffany kay leewin sa boardmeeting kanina ay bumabalik ang galit nya
” Sir again im sorry hindi ko sinasadya yun besides alam naman siguro ng client mo na hindi kanya yung flowers so baki siya magbaback out sa business nyo dahil lang sa maling name” pilit nyang paliwanag kahit nauutal na sya sa pagsasalita dahil naiintimidate siya sa titig nito sa kanya and at the same time takot siya sa maaring gawin nito sa shop nya
” Hindi naman talaga kaso yun sa client ko in fact natawa lang siya kasi mali lang ung name na nakalagay,ang kaso ang fiancee ko ang nagreact nang makita nya na ibang pangalan ang nasa notes sinugod nya kami sa board at iniskandalo ang client ko at pinahiya.so you see napakalaking kahihiyan yun sa client ko” tila frustrated nitong paliwanag na parang wala ng lakas makipagaway kaya naupo na lang ito sa visitor chair at tila luging lugi ang hitsura awang awa naman si lorraine dito na halos gusto niya ito icomfort.
” Ahm .. s.sir if you want i can talk to your fiancee sasabihin ko nagkamali kami ng paglalagay ng name ako na magpapaliwanag”
” No you dont know my fiancee mahirap iyon mapaniwala” nanlulumong sabi nito
” Ganun pala ang ugali bakit mo pakakasalan” bulong niya sa sarili
” I heard you well maybe di ko nakita yung ganun nyang ugali i thought she is nice but i guess,well i dont know,im tired do you have a better solution aside sa pagkausap sa fiancee ko? you know we really need leewin,she ca give us a big break by choosing our company to make it as world class international hotel and resort outside Philippines ,come up better solution since ikaw at ang shop mo ang may kasalanan ng lahat,kng hindi mo ako matutulungan maibalik ang tiwala ng client ko ill make sure na maclose ang shop mo” mariing pagbabanta nya dito,at nagsisi siya ng sabihin iyon dahil kita sa mukh nito ang tako.
Nais singhalan ni Charles ang sarili dahil sa sinabi dahil nakita nyang para itong mangingiyak ngiyak,napakaganda nito kahit pa balisa ang hitsura nito at hindi maintindihan n charles kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib nya para syang hinihipnotismo ng ganda nito
” I dont know,maybe i will try to talk to your client,ill explaine to her that it is really our mistake even though you mention na ok lang sana sa kanya yun kung di lang siya sinugod ng fiancee mo,” hindi siguradong turan ni lorraine dito alam nya wala iyong saysay pero susubukan nya pakiusapan ito na ibalik ang deal nito kay charles para di mapasara ang shop nya mahal na mahal nya ang shop nya at alam nya na kayang kaya itong gawin ni charles with all hes connection,isa itong respetado at may sinabing tao sa society business man o social world.
Tinitigan ni Charle ng matagal ang maamo nitong mukha at alam niya na wala talaga ito magagawa kahit kausapin nito si leewin pero dahil gusto niya ito makasama susubukan nya na ipakausap dito ang babae,para makita at masilayan nya pa ito
” ok see you at my office tomorrow 7am sharp dont be late” anito at tinitigan pa siya ng nakakatunaw bago ito umalis
Kinakabahan si Lorraine para bukas anu ang gagawin niya kapag makasama nya ito sa office…
ITUTULOY…
SANA PO AY MAGUSTUHAN NYO AND PLEASE PAKIABANGAN NY PO SANA ANG CHAPTER 2
FIRST TIME KO PO ITO MAGSULAT SO PASENSYA NA PO SA MAKIKITA NYO MGA MALI..
SALAMAT PO






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top