IT WAS ALWAYS YOU Chapter 11


”Tok!Tok!” mahina at sunod-sunod na katok sa kwarto ni Neri
“Neri?gising ka ba?sabay na tayong magdinner..” mahinang sabi ni Galvin kay Neri nang katukin niya ito sa silid niya,pero walang sumagot.
“Neri,mag-usap muna tayo..I’m sorry kung may nasabi akong hindi maganda..can we talk please?”
Wala pa ring sumagot.
“Bumaba ka na lang mamaya kapag nagugutom ka na..” mahinang sabi ni Galvin at nilisan ang kwarto
Nagtutumakbo si Nanay Rosing papunta sa kinaroroonan ni Galvin.
“Galvin,si Carding nasa baybayin!!!..hin..hindi ko siya magising,may mga pasa siya sa mukha..pa parang may mga bumugbog sa kanya..”pag-alalang sabi ni Nay Rosing
Dali-dali nilang pinuntahan si Carding sa baybayin at inakay ni Galvin papunta sa bahay.
”Tay Carding,sino po ang gumawa sa inyo niyan?bakit may mga pasa kayo?” nagtakang tanong ni Galvin kay Tay Carding nang madala niya ito sa bahay
”Si..si Neri kinuha ng mga lalaking nakatakip ang mukha at nagtangka akong iligtas siya pero masyado silang malakas..” nanghihinang sabi ni Tay Carding
“Si Neri?” nagtakang tanong ni Galvin at pinuntahan ang silid ng dalaga pero wala nga si Neri doon.
“Tay Carding,namumukhaan mo ba ang mga lalaking dumukot kay Neri?”
”Hindi anak,mga limang tao...


ang dumukot sa kanya..hindi ko maaninag ang mga mukha nila..”
Nasapo na lang ni Galvin ang noo at bakat sa mukha ang pag-alala sa dalaga.
****
“Sino kayo?nasaan ako?!!!” sunod-sunod na tanong ni Neri sa mga lalaking nakabantay sa kanya.
Nasa isang silid siya na hindi pamilyar sa kanya at nakagapos ang dalawa niyang kamay at mga paa.
“Walang hiya kayo!!kung pera ang kailangan nyo sa akin,wala kayong makukuha!!!pakawalan niyo ako rito!!” sigaw niya sa mga lalaking nakatakip ang mukha
“Relax Miss Maganda!wala pa si Boss..baka mamaya pagnanasahin ka niyang kil*win mamaya..” sabi ng lalaki
”No!!pakawalan niyo ako rito..please..”
Maya-maya’y may binulong ang lalaki sa kasamahan niya.
“Nandiyan na si Boss..” sabi nila
Lumabas ang limang lalaki sa silid na iyon dahil nandiyan daw ang boss nila.Maya-maya’y bumukas naman ang pinto.
“Ikaw??!!!!” nagtakang tanong ni Neri sa taong bumukas sa pinto.
“Yeah,it’s me..long time no see Clarence..I miss you..” sabi nito
“How d*re you David!!bakit nakalabas ka sa kulungan?tumakas ka?ano pa bang kailangan mo sa akin?matagal na tayong wala!!” nag-aasik niyang sabi sa ex-boyfriend niyang si David Ocampo na certified Drug Lord at matagal na itong nakakulong sa States.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top