Fathers and son Part 1


” Estela. Maiwan ko muna kayo ng bata saglit. Tutungo ako ng botika. Napapansin ko kasing inuubo si Yong,kaya aalis ako at ibibili siya ng gamot.” Pagpapaalam ni Lee sa kabiyak na si Estela. Karga nito ang nagiisa nilang anak na si Yong.
” Sige. Mag iingat ka. Bumalik ka agad pagkatapos mong makabili. Aalis din ako at papasok na sa trabaho.”
” Oo. ” Agad namang tugon ni Lee saka tumalikod na.
Nagtatrabaho si Estela sa isang Factory. Pang gabi ang eskedyul niya ngayong isang buong linggo. Sa susunod,pang umaga na naman. Habang si Lee ay rumaraket kung minsan para sa pang araw araw na pangangailangan nilang pamilya.
Medyo natagalan si Lee sa pagbili ng gamot. Kaya tinakbo na lamang niya ang daab pauwi sa kanila. Subalit pagdating niya ay biglang nagkasalubong ang kanyang magkabilang kilay. At naningkit ang kanyang mga mata nang malinawan ang mga bultong nakita niya nang papasok sa loob ng kanilang simpleng bahay.
” Estela!” Sigaw niya nang masilayan niyang naliligo sa sariling dugo ang kanyang asawa. Nakahandusay sa sahig at wala nang buhay. Nasa tabi nito ang isang lalaking may hawak na kutsilyo.
” Mabuti naman at nahanap ka rin namin sa wakas,Lee. Ang tagal ka naming hinanap bago nakita.” Bungad sa kanya ng isang masamang lalaking may hawak na kutsilyo. Tumutulo pa ang dugong nadikit tungo sa sahig.
” Hayop ka! Pinatay mo ang asawa ko!” Halos maputol ang ugat ni Lee sa leeg sa pagsigaw niya. Akmang lalapitan ang lalaki at susunggaban ngunit maagap siyang napigilan ng dalawang kasama nito.” Bitawan nyo ko! Papatayin kita!”
” Huwag mo nang ubusin pa ang lakas mo Lee. Umamin ka na. Sabihin mo sa kin ngayon kung saan mo dinala ang perang binigay ni Mr. Donny para pantubos ng anak niya.
” Sira ulo ka! Ilang beses kong sinabi sayo na wala akong alam sa pinagsasabi mo! Magkasama tayong nakabalik sa hide out kaya imposibleng hawak ko yon!” Galit na galit niyang sagot.
” Si Larry mismo ang kumanta para sayo!” Ang tinutukoy nito ay ang matalik niyang kaibigan.” Kitang kita niya na hawak mo ang pera!” Saka napansin ng masamang lalaki ang gamot na nanatiling hawak niya.” Kitang kita rin naman! Galing ka pang labas para bumili!’
” Pera ko ang gamit ko sa pambili nito!” Sabay taas nya sa mga gamot na binili.
Kumilos si Lee. Nagpumilit na makawala mula sa pagkakahawak ng dalawang kasamahan ng masamang lalaki. Sinugod ito at saka inundayan ng sunod sunod na malakas na suntok at sipa.
” Aghh!!” Daing ng lalaki. Nagalit ito kaya gumanti. Inutusan niya ang mga kasama na hawakan si Lee at nang makapuntos naman. Mabuti na lang at natapon ang kutsilyong hawak nito kanina.” Huwag niyong pakakawalan ang tarantadong iyan!” Sigaw niya saka sinimulan ang pangbubugbog kay Lee.
” Aghh!!” Namimilipit naman si Lee matapos makatanggap ng tila walang katapusang pisikal na pananakit sa kanya.
Duguan at ilang segundo lang ay namamaga na ang kapwa mga mata niya. May hiwa sa gilid ng labi na may halong putok pa.
Napaupo sa bangko ang lalaki. Dala marahil sa pagod nito sa kakasuntok at tadyak kay Lee.
Maya maya…….
Isang taginting na iyak ang narinig nilang lahat. Si Yong. Nagising ata sa ingay ng mga tao na nasa loob ng bahay ni Lee. Tulog ito mula pa kanina.
” Huh! May anak ka na pala. Sayang at hindi man lang niya masisilayan kung gaano kaganda ang mabuhay sa mundong ito.” Sinabayan pa ng isang mapaklang ngiti ng isang lalaki.
” Huwag mong gagalawin ang anak ko!” Mariing saad ni Lee.
Sinulyapang ng lalaki ang kasama nito at sinenyasan na kunin si Yong sa loob ng kwarto.
” Hindi! Tumigil ka! Huwag mong lalapitan ang anak ko!” Pigil ni Lee sa lalaki pero hindi siya pinakinggan at diretso ito sa kwarto. Pagkalabas ay dala na niya si Yong.
Panay pa rin ang iyak ni Yong. Mukhang alam niya na may nangyayaring hindi maganda sa paligid niya.
Si Lee naman ay nakaluhod na nakaharap sa lalaking kumitil sa buhay ng kanyang asawa na si Estela. Galit na galit.
” Ano na?hindi ka ba talaga aamin,Lee?”
” Anong aaminin ko?! Hindi ko alam kung saan ang perang tinutukoy mo!” Pagpupumilit pa rin ni Lee.
” Sinungaling! ”
Ngunit kung gaano ka galit si Lee ay ganoon din...


naman ang galit ng lalaki. Utusan lamang ito. Inutusan siya ng kanilang amo na hanapin si Lee at ang ransom money na hawak kuno nito. Makakatikim rin siya kung hindi niya mahanap si Lee at mapaamin kung nasaan ang perang tinangay nito ayon na rin sa salaysay ng kaibigan ni Lee.
” Akin na ang bata!” Utos nito sa kasamang lalaki na karga si Yong. Lumapit agad ito at ibinigay.
” Itigil mo yan! Huwag ang anak ko!”
” Madali akong kausap ,Lee. Sabihin mo na at pakakawalan ko kayo ng anak mo.”
Pero ano ba ang sasabihin ni Lee? Wala sa kanya ang perang sinasabi nito at wala rin siyang alam kung nasaan ito nakatago.
Biglang may sumagi sa isip niya na pangyayari matapos ang matagumpay nilang pagdukot sa anak ni Mr Donny. Naalala niya na si Larry. Ang kaibigan niyang mismong nagpasali sa kanya sa grupo. Ito ang huling may hawak ng pera pero bakit siya pa ang pinagbintangan nito.
” Hindi ka ba talaga aamin?!” Tila nawalan na ng pasenya ang lalaki. Inutusan niyang bugbugin si Lee.
Tumalima naman ang dalawa. Nagsimulang saktan si Lee. Ilang suntok ang kanilang pinatama sa katamtamang katawan ni Lee.
” Aghh!!…uuuhooo…” Daing ni Lee sa hindi mapigil na tama ng mga suntok at sipa sa kanya. Nakatingin sa anak niyang si Yong na na umiiyak pa rin. Nakatingin ito sa kanya.” Yo….yong….” Sambit niya habang nakadapa sa sahig at pilit na inaabot ng kamay niya ang bata. Hindi na rin niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Ito na nga ba ang katapusan ng buhay niya? Nanghihina na siya at para bang unti unti na siyang nawawalan ng hininga. Paano na ang anak niya? Paano na si Yong?
” Boss! Mukhang patay na ito.” Hayag ng isang lalaki sa boss niya kuno nang mapagtantong hindi na gumagalaw si Lee.
” Huh!ganoon ba?!” Nilapitan niya si Lee at sinipa sipa ng mahina para gisingin. Pero hindi na yata gumagalaw ang huli. ” Tsk! Wala rin tayong napala sa kanya matapos makatanggap ng sakit sa katawan. Tara na. Umalis na tayo. Kunin nyo ang gasolina sa likod ng sasakyan. Sunugin nyo ang buong bahay.” Utos nito. Karga pa rin niya ang batang si Yong na ngayon ay himalang tumahimik.
” Eh,boss. Anong gagawin mo sa batang yan?” Usisa ng isa.
” Ito? ” Sabay baling niya kay Yong. ” Kawawa ka naman. Biktima ng isang mapait na kapalaran. Maagang naulila sa mga magulang. Kasalanan kasi ng tatay mong gahaman sa salapi. Kung hindi lang niya tinangay ang pera,siguradong buhay pa ang mga magulang mo,bata.” Sabi niya kay Yong na walang kamalay malay sa nangyayari.
Sa hindi inaasahan,biglang ngumiti si Yong sa kanya na siya namang ikinagulat ng lalaking dahilan ng pagkaulila nito sa mga magulang.
” Huh! Nagagawa mo pang ngumiti sakin,bata. ” Matama rin niyang tinitigan ang batang si Yong. Biglang nag iba ang reaksyon niya sa ngiting iyon ni Yong.
” Boss. Naikalat ko na ang gasolina sa buong bahay. Sisindihan na lang. Lumabas na tayo.”
” Paano yung bata?” Singit rin ng isa pang lalaki.
” Ako na ang bahala sa batang ito. Hindi ko nagawang paaminin ang ama niya kaya siya ang magiging kabayaran ng kasalanan nito.” Hayag niya saka naunang lumabas. ” Habang buhay kong pahihirapan ang batang ito. ”
Dumaan silang sa likod ng bahay matapos sunugin ito. Sinigurong walang makakita sa kanila. Lulan ang isang maiitim na kotse sa pag alis at pagtalikod sa ginawang karumal dumal na pangyayari.
Ang batang si Yong naman ay nakatutok sa bahay na unti unting tinutupok ng apoy.
A/N
Long time no see po mga lods. Pero signing in ulit para sa mga mambabasa ng LSPBO. At para sa isa na namang estorya na tumatakbo sa aking isipan. Pilit na kinakalimutan para sa pansamantalang pahinga. Bumabalik balik para akoy muling hikayatin upang magsulat ng isang bagong estorya na nais ibahagi para sa lahat na nagaabang at nakatutok sa mga ibat ibang estoryang ibinabahagi dito lamang po sa LSPBO pahina. Naway magustuhan nyo pong lahat at abangang muli ang bawat parte at kaganapan sa estoryang pamagat ay ” Fathers and son” a special story po para sa lahat ng mga dakilang tatay para sa kanilang araw. Advance Happy Fathers day po sa lahat. Maraming salamat po ❀️πŸ₯°πŸ˜‡






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top