CRAZY EX-WIFE” CHAPTER 17


– MARK-
Habang papalapit ako sa Babae nag-aalangan ako Kung lalapit ba ako sa kanya o Hindi. Ayaw na Sana nang katawan Kong lumabas pa sa kotse ko at hayaan nalang syA pero may Kung ano ding tumutulak sakin na umalis.
Masayang-masaya Ang babae habang naliligo sa ulan dahil umiikot-ikot pa Ito. Hindi ko Lang masyadong marinig Ang mga sinasabi nya dahil sa lakas ng ulan pero parang sumisigaw syA na Lalo pang lumakas Ang ulan. Nababaliw na tong babaeng to! Hindi ba nya naisip na delikado Ang ginagawa nya sa gitna ng daan?
Nang malapit nako sa kanya ay parang namumukhaan ko syA . Tumigil ako at kinilala syang maigi. Makalipas Ang maraming taon, posible nga kayang dito pa kami magkita ulit?
– Lorraine –
Whoah! Sige umulan kapa ng malakas! Kahit na bumagyo pa Hindi ako natatakot!
L-lorraine? Napamulat ako ng may tumawag sa pangalan ko. Nagulat din ako dahil pamilyar Ang boses nya. Kahit ilang taon Kong Hindi narinig yon, alam ko at Kilala ko parin Ang boses Kung kanino yon. Dahan-dahan akong humarap sa kanya
๐ŸŽถ You give me hope ๐ŸŽถ
The strength , the will to keep on
No one else can make me feel this way
M- Mark? Nag-aalangan pa ako Kung bibigkasin ko pa ba Ang pangalan nya. Magulo Ang isip ko. Unang sumagi sa isip ko kanina, magpanggap Akong Hindi ko syA naaalala pero Hindi ko nagawa.
๐ŸŽถAnd only you ๐ŸŽถ
Can bring out all the best I can do
I believe you turn the tide
And make me feel real good inside
“K- kamusta kana? ” Halata ko Rin sa mukha ni Mark na nagulat din sya sakin. Siguro hindi nya ineexpect na ako Ang makikita nya dito.
” O-Ok lang.. Ikaw? K-kamusta Ang pamilya mo?” Ayaw Kong mahalata nya na Hindi na ako komportableng makipag usap sa kanya kahit matagal na kaming hiwalay. Palagi ko nga syang iniiwasan sa twing nakikita ko sya tapos heto syA ngayon nasa harapan ko nanaman.
๐ŸŽถYou pushed me up ๐ŸŽถ
When I’m about to give up
You’re on my side
When no one seems to listen
And if you go
You know the tears can’t help but show
You’ll break this heart and tear it apart
Then suddenly the madness starts
” A-ayos lang..Y-yung asawa ko, Gaya ko nagtatrabaho din. Yung anak ko naman ,malaki na! College na nga e. ” Tumango-tango ako.
” Nice to hear that. Natutuwa ako at maayos Ang buhay mo Mark. Sa wakas , natupad mo Rin Yung pangarap mo na magkaron ng Isang masayang pamilya ”
” sumilong ka muna . Hindi kaba nilalamig? Baka magkasakit ka nyan?”
” Salamat sa concern pero ayos lang ako. Masaya ako sa ginagawa ko Mark”
” K-kelan kapa naging masaya sa ulan? Diba dati takot ka naman at Sabi mo malungkot kapag umuulan?” Napangiti ako ng maalala nya yon.
” Hindi na ngayon. Nagbabago naman Ang tao diba?” Napansin Kong mas giniginaw pa sya sakin Kaya humanap muna ako ng masisilungan at sumunod naman syA sakin. Sumulyap ako sa mukha nya nang tumahimik syA . Nararamdaman Kong may problema syA. Kahit naman maramdaman ko yon, Hindi ko Rin naman syA matutulungan Kaya nga syA naiinis sakin noon. Hindi ko nalang pinansin Ang nasense ko sa kanya
” Nakwento ko na ba sayo Ang kasabihan tungkol sa ulan?”
” Hindi pa.. ano ba yon? ” Baka kasi iba pa yon sa nalalaman ko Kaya gusto Kong marinig Kung ano .
” Sabi Nila, kapag dumilim daw Ang langit at bumagsak Ang ulan Meron daw nalulungkot na tao. At titigil lang daw yon, kapag tumigil na sa pag-iyak Yong taong nalulungkot ” akala ko iba pa sa nalalaman ko pareho Lang pala.
” at naniniwala ka sa kasabihang yon? Sa tingin mo, may nalulungkot na tao ngayon Kaya umuulan?”
” Oo .” Natawa ako nang oo Ang sinagot nya sakin Kaya napatitig syA sa mukha ko . Tumigil ako dahil nakaramdam ako ng hiya
๐ŸŽถIt’s your smile ๐ŸŽถ
Your face, your lips that I miss
Those sweet little eyes that stare at me
And make me stay
I’m with you through all the way
‘ cause it’s you
Who fills the emptiness in me
It changes everything you see
When I know got you with me ..
” S-sino naman Kaya Ang nalulungkot na yon?”
” Ako! ” Napatingin din ako sa mga Mata nya . Nakita ko ngang nagsasabi syA ng totoo.
” Hindi pa tapos Ang kwento ko” kahit na alam ko na Ang kasunod non ay hinayaan ko parin syang ipagpatuloy Ang kwento nya
” Kung Sino raw Ang darating sayo sa gitna ng ulan——” Hindi nako nakapigil pa at ako na Ang tumuloy
” syA Ang makakasama mo habambuhay? ” Napayuko si Mark nang Ituloy ko Ang sinasabi nya. Hindi ko alam Kung napahiya ba sya o ano.. Hindi ko mahulaan Ang reaksyon nya
” hindi ka naniniwala ?” Seryosong tanong nya
” Hindi totoo yon Mark. Ang tao Kung talagang para sayo kahit nasan ka pa mahahanap ka parin nya at makakasama mo...


Lang Sya habambuhay kapag hindi mo syA sinukuan ” huli ko na naisip Yung mga sinabi ko Hindi ko naman intensyong patamaan syA. Mabuti pa tumahimik nalang ako baka San pa mapunta ang pag-uusap namin
Hindi syA nakasagot. Siguro nga ay natamaan syA nang hindi ko naman sinasadya . Natahimik kami ng ilang minuto at nakaramdam nako ng lamig. Naramdaman siguro ni Mark Kaya tumayo syA at hinubad Ang coat nya at nilagay sakin
” Malamig parin ba? ”
Napangiti ako ulit sa kanya.
” Tingin mo hindi na? E basa parin naman Yung damit k0″
Ngumiti din syA sakin. Ngayon ko Lang ulit nakita Ang ngiting Yan. Simula kasi nang manlamig sya sakin Hindi ko na nakita yon. Masaya ako at nakikita ko na ulit syang nakangiti kahit na hindi na ako Ang rason. Mabilis narin syang makarecover. Parang kanina Lang nakikita Kong malungkot syA tapos ngayon parang nawala na. Iba talaga siguro Ang nagagawa ng may anak . May inspirasyon sa lahat ng pagsubok sa buhay Gaya nang nagagawa ni Reyden sa buhay ko .
” I’m sorry Lorraine”
” Ha? For what? ”
” Alam ko Hindi maganda Ang paghihiwalay natin noon. Kung nasaktan man Kita —–”
” Naka move on nako Mark. ” ayaw Kong pag usapan pa Ang mga natapos na
” O-Ok! ”
” Hindi ko na iniisip Ang mga nakaraan na. ”
” Sorry ”
” Hindi ka pa ba aalis? Baka hinahanap ka na ng pamilya mo?”
” L-lorraine?” Hindi nya pinansin Ang sinabi ko at para bang may gusto syang sabihin na Hindi nya lang masabi
” Hmmm?”
” M-may pamilya kana Rin ba?”
” Lorraine? Lorraine? Nasan ka? Lorraine?” Hinahanap na ako ni Alex Kaya inikot ko Ang paningin ko Kung nasan syA
” Sino yon?”
” S-si Alex. Sige na Mark. Aalis na ako. Ibabalik ko na tong coat mo. Salamat. ” Hindi ko na hinintay pa Ang sasabihin nya at pumunta na ako Kay Alex
” Lorraine San ka galing? Kanina pa Kita hinahanap”
” Pasensya kana Alex. Sumilong lang ako saglit . ”
” Basang-basa kana. Pumasok kana sa loob para maka uwi na tayo ”
Lumingon ulit ako sa kinatatayuan ni Mark. Hindi syA napansin ni Alex at mas mabuti narin yon para iwas tanong. Ngumiti Lang ulit ako Kay Mark at pumasok na sa loob ng sasakyan
– MARK-
Sino si Alex sa buhay nya? Hindi ko na dapat tinatanong sa sarili ko Yan dahil matagal na kaming hiwalay. Natural Lang na bumuo Rin syA ng sarili nyang pamilya Gaya ko. Masaya na si Lorraine ngayon pero ako, nagsa suffer parin . Kahit na Meron nakong anak pakiramdam ko kulang parin ako. Hindi ko parin makalimutan Ang anak naming dalawa na matagal nang patay. Hindi ko alam Kung Kaya ko bang ngumiti sa kanya ulit matapos ko syang Makita na may kasamang iba. Alam Kong tinulak ko na syA sa iba pero bakit ganito Ang nararamdaman ko ngayon. Naka move on na sya pero ako iniisip ko parin Kung bakit nangyare samin to? Nakikita ko ngayon na parang nagbabago na sya at hindi ako Ang dahilan nang pagbabago nyang yon.
– Lance Reyden –
Agad Kong sinalubong si mama nang Makita kong basang-basa syA ng ulan
” Ma bakit Po kayo nagpaulan? Magkakasakit Po kayo ”
” Marami namang mag-aalaga sakin diba?”
” Mama kahit na Po. Nga Po pala ma, bukas na raw Po Ang pasukan”
” Gusto mo bang samahan pa kita sa school nyo?”
” Ma ginagawa mo naman akong bata nyan e! Ok Lang Po ako.”
” Gusto ko Lang bumawi sayo anak. Hindi kasi Kita nahahatid sa school nung bata kapa. ”
” Alam ko naman Po Kung bakit Hindi nyo yon nagawa ”
” May good news ako sayo anak ”
” Ano Po yon ma?”
” Tungkol sa papa mo” nawala Yung excitement ko nung malaman Kong tungkol Kay papa Ang gusto nyang sabihin.
” M-may tatapusin pa nga pala ako ma. Sige Po maligo na Po kayo” Hindi na ako kailanman magiging interesado sa kanya .
” Ma?”
” Bakit anak?” Alam Kong nahahalata na ni mama na Hindi na talaga ako interesado sa papa ko Kaya tatapatin ko na syA
” Masaya naman Po tayo kahit Wala si papa diba? Gumaling Po kayo kahit Wala sya kaya Hindi na importante Kung balikan nya tayo o Hindi na. Hindi ko narin hinahangad na kilalanin nya ako Kaya please Po ma, wag na wag mo na syang babanggitin sakin Lalo na kapag kasama mo si Tito Alex masasaktan lang syA ”
” S-sige. Akala ko kasi nung una nagbibiro kalang dahil napagod ka ng umasa pero ngayon, totoo na pala talagang ayaw mo na sa kanya . Kung Yan Ang gusto mo Sige . Basta Kung may gusto Kang itanong sa kanya lumapit kalang sakin. ”
Hindi! Hinding-hindi ako magtatanong sa mama ko tungkol sa kanya dahil kapag ginawa ko yon Lalo Lang akong maiinis sa kanya ..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top