The Choosen ONE Continuation of Chapter Onse Again


Umiling iling ang matandang katulong.
“Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagluha nya.Pero sa tingin ko may mabigat na problema syang dinadalaw.”anya ng matanda Kay Thriod.
Si Manang Isang ang pinakamatandang katulong na naninilbihan sa pamilya ng mga Skyper.Kung tutuusin ay sya na rin ang tumayong pangalawang nanay nanayan ni Thriod.Dahil simula ng mamatay ang ina ng binata ay sa kanya na hinabilin ang pag aalaga dito.Dahil palaging wala ang ama.Masyadong workaholic kaya kahit konting pag aalaga ay di nagawa sa anak hanggang sa namatay na lang ama nito.Hayon nga nauwe na naman sya sa poder ni Senior Flavo,ang kanyang Lolo na nagpakilala sa kanya kong anong klase ang mundo ng mga Mafia.
Yumukod ang matanda bago ito lumisan ng silid ni Nadeline.
Nakayuko lamang si Nadeline habang sisinghot singhot pa rin ng tahimik.
Hindi nya magawang tumingin sa binata.
Dahil pag tinanong sya kong bakit anong dahilan.
Baka hindi nito magustuhan ang mga dahilan.
O baka nga...


wala pa itong pakialam kahit sabihin nya.
Naalarma ang isip nya ng hawakan ni Thriod ang baba nya at inangat ito.Nagtama ang kanilang mga mata.
Ang mga matang puno ng mga katanungan.
At ang mga matang puno ng kalungkutan.
“Why did you cry?sincere and full of worries ang tanong na iyon para sa dalaga.
Naghihintay ng sagot ang mga tingin ni Thriod dito.
“Ahhhmm ka-kasi sobrang kati ng mga pantal sa katawan ko.”yun ang nasa isip na dahilan ni Nadeline.Dahil hindi pa Ito Ang tamang panahon para malaman ng binata ang totoo.
Baka malaman pa ito ang binabalak nyang paghihiganti.
Napabuga ng hangin ang binata.
Sinipat ang mukha ng dalaga,kamay at mga binti.
Okey na rin naman.
Pailan ilan na lang ang natitirang pantal.Yong masyadong malalaki.
Kumuha ng cream si Thriod.Umupo sa harapan ni Nadeline.Napaatras ang dalaga sa ginawang iyon ng binata.
“Ako na”balak nya sanang agawin ang cream pero nilayo ng binata.
Tinitigan sya nito.
Deadly Stare.
Lagot ka…






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. ano kaya sa susunod gagawin ni thriod hahahaha ang dumi ng utak ko yawa😂😂😂😂😂😅😅

Leave a Reply


top