LAST DATE
“Babe, Happy 2nd Anniversary!” Bati ko sa boyfriend kong si lIam sa cellphone. Nasa laguna siya nag aaral ng college habang ako naman ay narito sa Manila para mag aral din ng college
“Ako nalang kaya babe ang pupunta diyan, wala naman masyadong pasyalan dito” Sabi niya
“Ayaw ko! Gusto ko diyan, omg! I miss kwek-kwek, fish and squid balls at ‘yung kikiyam” Sabi ko dahilan para matawa siya sa kabilang linya
“Hayts, oh sige sige mag ingat ka ah. nasa’n kana ba?” Pagsuko niya sabay tanong
“Bye na babe pasakay na ako ng bus. See you” Pagpapaalam ko sa kaniya sabay end ng call
Sakto lang ang dami ng tao sa loob ng bus. Napili kong umupo sa favorite spot ko dito sa gilid ng bintana. Agad akong nagsalpak ng headset sa tainga ko sabay pikit ng mata
Wala pa atang limang minuto ay nagising ako sa pagkanidlip. Naramdaman ko nalang na nakahinto na ang bus, walang tao pati driver wala. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na nasa labasan na pala ako papasok sa lugar nila Liam pero bakita ambilis makarating? Siguro kanina pa ako tulog pero bakit walang mga pasahero dito?
Bumaba ako at medyo nanibago dahil kadalasan kapag pumupunta ako dito ay kaliwa’t kanan ang mga batang naglalaro at mga nanay na nag tsi-tsismisan pero ngayon? Masyadong tahimik ang lugar
“JUSKO!” Nagulat ako ng may yumakap mula sa likuran ko
“Liam naman eh! Papatayin mo ba ‘ko?” Reklamo ko. Si Liam lang pala
Naglalakad kame papuntang bayan ng lugar na ‘to kung saan marami ang mga ngtitinda ng street foods. Kame ‘yung tipo ng magkarelasyon na kahit streetfoods lang ang handa sa Anniversary ay ayos at sapat na
“Babe bakit ang weird ng lugar na ‘to? Wala pa akong nakikitang tao since nagising ako do’n sa bus” Tanong ko. Umiwas naman siya ng tingin
“Tara! Ayon oh, tindahan ng palamig” Turo niya sa nagiisang tao na nagtitinda ng palamig “Manong dalawang lima nga po” Sabi ni Liam habang ako ay nakatatakam na sa Buko pandan flavor ng palamig
“Ayan ba ang nobya mo?” Tanong ng matanda kay Liam. Tumango lang si Liam para sumangayon “Kay gandang dalaga” pahabol niya
Wala pang ilang minuto ay lumingon ako sa tindahan ng palamig pero wala na ‘to do’n.
“Babe bakit ang tahimik ng plasa? Bakit parang walang katao-tao?” Tanong ko sabay libot ng tingin sa madahong paligid na tinatangay ng hangin
“I reserved the whole place Kia, para sa ‘tin” Sabi niya sabay hila sa akin dahil nakakita kami ng tindahan ng fishball sa maytabi ng puno ng narra
Matapos namin kumain ay na upo kami sa may ilalim ng puno ng mangga. Inilibot kung...