It’s a Choice Not an Option Chapter 2


It’s a Choice Not an Option
by: Jamzrellejan
Chapter 2
Hindi naging madali ang buhay! Pero sa loob ng limang taon, napagtagumpayan ni Monique ang buhay sa Manila. At sa tulong ni Tirso a.k.a. Trisha, naabot nya ang kanyang pangarap.
Sa edad na 25, masasabing isa ng successful Event Coordinator si Monique Alcantara. Mula pa naman noong college, paghahandle na ng event ang naging sideline nila ng kaibigang si Tina.
Nag resign si Monique sa pinapasukan. Nagsimula syang tumanggap ng mga event particular ng wedding. Pinahiram sya ni Trisha ng puhunan. Ang team din ni Trisha ang bahala sa make-up. Nang maging stable ang itinayo nyang business, tinawagan nya si Tina at inalok na magtrabaho sa kanya bilang head sa photography na alam nyang linya ng kaibigan. Agad din naman itong pumayag.
“Naku ha! Very successful ka na beshie!” Sinong mag-aakalang matutupad mong pangarap mo.”
“Ah, beshie! Kumusta sa atin!” nahihiya nyang tanong.
“Si Paulo? Ayun pagkatapos ng isang linggo pagkaalis mo, sumama na kay Irish sa Canada. Kaya yung bulung-bulungan kung bakit hindi ka nagpakita sa kasal, dahil may ibang babae si Paulo. Kaya yung pamilya nya, umalis na rin sa atin! Hindi kasi maipaliwanag ano ba talagang nangyari!”
“Ikakasal ka na dapat noon? Wala ka man lang naikwento.” usisa ni Trisha.
“Ayoko na kasing pag-usapan ang nangyari.”
Nirespeto na lang ni Trisha ang pasya ni Monique. Hindi na nila muling pinag-usapan ang tungkol sa nangyari.
“I now pronounced you, husband and wife! You may now kiss the bride!” anunsyo ng pari.
Klang! Klang! Klang! Tunog ng kalimbang. Hudyat ng tapos na ang seremonya ng kasal. Masigabong palakpakan. Tumayo ang iba para lumapit sa bagong kasal. Yung iba naman ay nanatili lang sa mga kinauupuan.
Nasa isang sulok naman ang event coordinator at tahimik na inoobserbahan ang mga nangyayari. Sinisiguradong nasa ayos ang lahat, para walang maireklamo ang client nya. Alam pa naman nyang perfectionist ito.
“Sure ka, okay ka lang?” agaw-pansin sa kanyang pananahimik ni Tina.
Nginitian nya ito. “Okay lang ako!” bigay assurance nya dito. “Sige na, picture taking na oh!” turo nya sa harap ng simbahan. Dito magaling ang kaibigan, pagdi-direct ng ayos ng picture taking. Kahit simpleng litrato nagagawan ng kwento.
Marami pa syang aasikahusin. Tinawag nya ang isang staff, nagbilin dito. “Tutuloy na ako sa meeting ko with Ms. Irish Aquino. Kayo na ang bahala. Just make sure nasa ayos ang lahat.”
“Opo, Ate!” magalang naman na sagot nito.
Ayaw nyang patatawag na “Ma’am” sa kanyang staff. Hindi naman daw sya teacher.
“Give me a ring for an update” pahabol pa nya. Kumaway naman sya kay Tina ng lumingon ito bilang paalam.
Bago makasakay ng kotse narinig nya ang malanding tawag ni Trisha. Nalingunan nya ang pakending-kending nitong lakad.
“Wait, sisterrit!” tawag nito. “Before you go! I-make over muna kita. Doon tayo!” itinuro nito ang kinapaparadahan ng all around van ng kaibigan.
“No need!” tangi nya sa kaibigan. Pero pinapasok na sya...


sa loob.
Mini close van ito na iki-convert sa all around van. Andito na kasi lahat, beauty salon, outfit at costume sa iba’t ibang okasyon. May maliit na kitchen at portable toilet din. Stock ng pagkain. Kasya ang lima sa kamang nakataas pag hindi gagamitin. Kaya kahit biglaang out of town, walang problema. Name it, he have it. “Maigi ng handa kasya wala!” ito ang motto ni Trisha. Afford naman ng kaibigang magpagawa ng ganito. Maliban sa personal car nya kasunod nya ang van lalo pag may event sila.
“Haharap ka sa client, hindi bibili ng suka!” sarcastic nitong sabi.
Tinignan nya ang sarili sa salamin. “May bibili ba namang ganito ang itsura.” pang aasar nya sa kaibigan. Maong pants, medyo malaking t-shirt at rubber shoes. Mas komportable kasi syang ganito ang suot, mas mabilis makakilos.
“Look at you sweetheart!” maarte nitong muestra sa kanya. “Hagardo Versoza lang ang peg!” guy lenggo pa nitong dagdag.
Sabagay, kita ang stress at haggard sa mukha nya. Hindi naman ganon kadaling maghandle ng event. Ang laki na din ng eyebags nya.
Masyado kasing perfectionists ang nanay ng bride. First meeting pa lang, nasabon na sya!
“Ah finally you’re here!” mataray na sabi ng Donya. Kilala sa alta de syudad ang pamilya ng kanyang client. Family friends din ito nina Trisha.
“Pasensya na po. Nagkaroon lang ng konting problema.” tumingin sya sa wristwatch. “Five minutes lang akong late, big deal na dito.” bulong nya sa sarili.
“Are you saying something?” mataray nitong pukaw sa kanya. “How can we trust you na walang magiging problema sa kasal ng anak ko!”
“Naku Mam, hindi po sa event nagkarooon ng problema. Na-platan po ang kotse ko!” nahihiya nyang pag-amin sa mga ito.
“Ma, it’s okay!” pagtatanggol ng magiging bride sa kanya. “Monique, let’s proceed.” ngiti nito sa kanya.
Tumango na lang sya dito at ibinalik ang ngiti. Humahangos na dumating si Trisha. Humalik muna ito sa pisngi ng Donya at sa kaibigang si Nathaza, ang bride.
“Naku, tita pasensya na!” hinging paumanhin nito. Umupo sa tabi ni Monique. Simpleng kinurat sya sa tagiliran at binulungan. “Diba sabi ko, hintayin mo ko!” Nag sign sya ng peace sa kaibigan.
“Is she really good?” sarcastico uling tanong ng Donya kay Trisha. “Dahil lang sa’yo at sa friendship namin ng iyong mama kaya ako pumayag na iyan ang kuning wedding planner.” patuloy nito. “Look at her!”
Nagngitngit si Monique sa pang-iinsulto ng donya. Lihim nyang inilubot ang mata sa kabuuan ng restaurant. Pag-aari din ito ng mga De Villa, ang kanilang client ngayon. Pati mga crew at staff, tinignan nya. Bigla nangliit si Monique. Tama si Trisha, minsan ang appearance, dagdag points din sa pagharap sa client. Di bale babawi sya. Sabi na lang nya sa isip.
Naging maganda at maayos naman ang wedding. Kaya pinuri sya ng mag-asawang De Villa. May bunos pang dagdag sa professional fee. Makakabili na sya ng bagong kotse.
Happy reading po 🥰❤️🥰❤️🥰






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top