Meant to be? Chapter 15


“Tumayo ka dyan babae!!”
Inalalayan ni Ace si Nice na makatayo.. Pinahid nya ang mga luha nito..
” Magiging OK rin ang lahat hmm? Di kita pababayaan..mahal na mahal Kita ” hawak nya ang nagkabilang pisngi nito.
Napatingin sya sa ama.. Na nasa likuran.. Matalim ang tingin nito sa kanya.
“Kalimutan mo na ang mga nasabi ko sayo ng gabing yon. Wala na yon.. Kung gusto mo talagang sumustento yong inutusan mo, sya na lang pero palihim lang.”
Mahinang sambit ni Nice at pilit kumalas sa pagkakahawak ng binata..
Napangiwi si Ace sabay angat ng ulo.. Muli syang napaluha.. Muli nyang kinabig ang dalaga at niyakap ng mahigpit.. Pilit kumawala si Nice..
” Kalimutan mo na ang mga Naganap sa
pagitan natin. Yong sa” bright smile, “Kalimutan mo na rin. Sige na alis na..Ingat ka”
” Huh! ” binubuga ni Ace ang paninikip ng dibdib sabay pag iling sa dalaga.
” Alis na! ” mahina pero Marion nyang sambit sa binata.
“Hindi, Ayoko.. Sabihi mo munang di ka susuko satin.
” Yong gabing yon, isa yong malaking kalokohan, isang malaking joke!!! Panaginip na lang yon sa akin. Huwag mo na akong pupuntahan sa school. Tama na Ace.. Kalimutan mo na ako.. Kakayanin naming itaguyod ni papa tong dinadala ko. Paki usap umalis ka na! ”
Iiling iling pa rin si Ace..
Hinarap nya ang ama nito. Nagsusumamo syang timitig dito.. Hanggang sa lumuhod na sya.. Todo pakiusap sya.
Pero nanatiling nakatikom ito.
Lumayo na si Nice at tumabi sa papa nya.
” Tay? Pakiusap wag nyo na syang saktan uli.wala syang kasalanan.. Sa kanya pinainom ni Khate ang dapat sya ang uminom kaya ang bilis nyang nalasing.. Wag nyo na sang saktan.. Baka po mapano yong dinadala nya. ”
Umalis ka na
Sabihin nyo munang di nyo na sya sasaktan.
Nagulat lang ako kanina at nadala ng galit.. Hindi ko na sya sasaktan.
Tumango lang si Ace.. Habang nasa nakayukong dalaga ang tingin.
Panay buga ng hangin..
Ingatan mo sarili mo..
Tsaka sya tumalikod.. Panay agos...


ang luha habang mabigat ang mga yabag na humakbang. Yon na yata ang pinakamasakit na naranasan nya. Ang unti unting tumalikod sa babaeng nagpapasaya sa araw araw nya.
Hanggang tuluyan na syang nawala sa paningin ng mag ama. Panay beep ng cp ni Nice.. Pinakuha iyon ng ama nya sa bulsa at binura ang # ni Ace.
Sorry po pa..😭
“Sana di na lang kita pinayagan ng gabing yon. Patawarin mo rin ako kung may pagkukulang ako bilang ama.”
“Pa? Pinapatawad nyo na ba ako”
“Basta siguraduhin mong hindi ka na makikipag ugnayan sa lalaking yon. Magiging normal uli ang lahat sa atin.. Na parang walang nangyari.. Iingatan mo lang yang nasa sinapupunan mo.”
Huwag kang mag alala.. Di kita pababayaan anak. Andito lang ako. Patawad kung nasaktan kita.”
“Papa😭 ” sabay ang pagyakap dito ng mahigpit.
“Kung hindi lang ganito ang sitwasyon, hindi ako hahadlang.. Kilala natin ang makakalaban natin kung magpupumilit kayo. Di ko kayang makita kang aagrabyaduhin. Itatago natin to. Kaya ka pala panay utos ng weirdong pagkain.. Nagtaka man hindi ko na pinansin. Nasaktan ako anak, pero alam kong di mo magagawa yon kung nasa katinuan ka.. ”
” Pa😭”
” Sya tara na, wala ka bang gustong kainin.. Masakit ba ang sampal ko hmm? Patawarin mo ang papa.. ”
Sumakay na sila ng sasakyan papasok ng malaking bahay.
Panay buntong hininga si Nice. Dumurugo pa ang puso nya pero inaasahan naman nyang mangyayari ang ganon.
Samantalang sa condo ng binata.. Nagkalat na ang buong espasyo sa pagwawala nya.. Nangabasag ang mga pigurine.. At ilang vase at decorations pati baso ng pinag inumang alak.. Magulo ang buhok..at nsliligaw pa rin ang mga luha… PaBigla biglang nanununtok ng bagay na makita.
Iyon ay dahil na rin sa di na nya makontak ang dalaga. Sa isang iglap mawawala na ba ito ng tuluyan sa kanya. Hindi! Hindi nya Yata kakayanin..
Parehas silang nakatulog na masikip pa ang dibdib. Magulo ang isip. Durog ang puso.! Pero sa isip ng binata.. Wala sa bokabularyo nya ang pagsuko ngayon pang alam na nya kung sino ang babaeng ipaglalaban nya hanggang dulo.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top