CRAZY EX-WIFE” CHAPTER 34


– MARK –
Nagmadali akong tapusin ang trabaho ko para makapunta agad sa police station. Hindi nako makapaghintay. Parang may nagsasabi sakin na kailangan ko talaga itong malaman agad-agad. Paalis na ako ng maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman. Nasobrahan na ba ako sa kape?
Agad kong kinuha ko ang susi sa drawer ko at nagpa andar ng sasakyan.
Tanghali na nang makarating ako at kumakain sila ng lunch. Hinanap agad ng mga mata ko ang pinagkatiwalaan ko. At nang makita ko sya ay sumenyas sya sakin na sumunod sa kanya. Sinara agad nya ang pinto ng makapasok kaming dalawa sa loob para walang makakita
” Sir parang may nakahalata sakin. Natatakot ako para sa trabaho ko”
” Ano bang problema ng ibang pulis na yan?! Bakit parang masyado itong importante sa kanila para pagtuunan nila ng pansin e mismong si Lorraine na nga nagpatigil! ” Uminit ang ulo ko sa mga pakialamerong pulis. Alam kong obligasyon nila yon pero pakiramdam ko kasi may iba pang dahilan
” Sa kanila po kasi talaga pinagkatiwala ng asawa nyo ang kasong yon. Bakit po kasi hindi nalang asawa ninyo ang tanungin nyo sa bagay na ito. Hindi po ba kayo nag-uusap sa bahay nyo? Masyado po bang malihim ang asawa nyo sa inyo? ”
Sinamaan ko ng tingin ang pulis na kasama ko dahil bigla akong nairita sa sinabi nya. Walang preno ang bibig nya at lakas ng loob nyang personalin ako. Kung naiinis sya sakin mas inis na inis ako at hindi ko na din alam kung bakit
” Ibigay mo na sakin at pinapangako ko kahit anong mangyare walang mangyayare sayo at sa trabaho mo. Wag mo na akong pagsabihan ng kung ano-ano dahil wala naman akong isasagot sayo. Mas mamomroblema ka kung itatago mo pa yan sakin dahil nagbago ang isip mo. Akin na bilis! ”
Umiling-iling pa sya bago sapilitang binigay sakin ang mga papel.
Binasa kong mabuti ang mga nakasulat at wala manlang akong kinakaligtaan. Lahat ng impormasyon gusto kong siyasatin. Isa lang ang gusto ko. Ang katotohanan!
Talagang sinadya ang pagpatay sa mga magulang nya . Ganon din ang pang gagahasa sa kanya. Sadyang mayaman pala talaga sila Lorraine lalo nat kilala ang mga magulang nya. Successful na businessman ang papa nya kaya naman may nagka interes talaga na ipapatay sila para makuha ang pera nila.
” Sindikato ba to? ”
” Yes Sir. At droga ang negosyo nila. Bawal kumalas sa grupo once na member ka nila dahil kung hindi malilintikan ka. Lahat ng iuutos ng leader nila dapat masunod dahil kung hindi, pamilya mismo nila ang uubusin. ”
Kung ganon, pwede kayang natakot lang si Lorraine kaya sya umurong?
” Gusto kong makita ang listahan ng mga sangkot dito. Gusto kong malaman kung sino sa mga member nila ang umutos na ipapatay ang mga magulang ng asawa ko at nagpaga—” hindi ko na matuloy ang huling sasabihin ko dahil naiinis nako. Nasasaktan ako para kay Lorraine. Lalo nat naaalala ko ang panahong mailap sya sa lalaki maging sa akin .
” Ito po Sir. Dyan po lahat-lahat ”
– Lorraine –
Hinihintay ko lang na mag open si Reyden kung saan nya nakuha ang pasa nya sa mukha pero parang wala talaga syang balak na magsalita kaya ako na mismo lumapit sa kanya
” Reyden san mo nakuha ang pasang yan? ” Nag-aalalang tanong ko sa kanya pero umiwas sya.
” Ma, wala lang po ito. Nangati lang po ito nung isang araw. Hindi ko alam at bigla nalang naging pasa ”
Ayokong isipin na nagsisinungaling sya sakin dahil alam kong hindi sya ganon pero hindi ko kayang tanggapin ang mababaw nyang dahilan ngayon dahil alam ko kung san nya galing ang pasa nya at gusto ko lang malaman kung sino ang may gawa.
” Sino? ” Seryosong tanong ko. Ayaw kong saktan ng kahit sino ang anak ko lalo nat alam kong mabuting tao naman ang anak ko
” Ma aksidente lang po ito. Hindi naman po sinasadya nung kaklase ko dahil naglalaro kami ng basketball. ”
Kinakabahan ako Reyden kahapon pa hanggang ngayon. Baka yan na yong dahilan.
” Relax ma. Ayos lang p0 talaga ako. Hindi na ako sasali para hindi kana mag-alala ” niyakap ako ni Reyden pero rinig na rinig ko parin ang kabog ng dibdib ko.
” Sige pumasok kana anak. Wag mo na uulitin yan ha? ” Kumalas nako kay Reyden dahil tumutunog ang cellphone ko at lumapit agad ako para sagutin ang tawag. Hinintay ko muna si Reyden na umalis bago ko sagutin ang tawag dahil nakita ko na pulis ang tumatawag.
” H-Hello? Napatawag po kayo?”
” Ma’am Lorraine, kailangan nyo pong pumunta dito ngayon dahil may nangingialam ng pinatigil nyong kaso. ” Lalong bumilis ang tibok ng puso ko
” A-Ano?! Sino?!” Sobra akong nagulat dahil hindi ko inaasahan na magyayare pa to.
” H-hindi ko po kilala kung sino yung taong yon pero may tumutulong po sa kanya na pulis din kaya nakuha nya ang impormasyon ”
Binaba ko agad ang cellphone ko dahil para na akong mahihimatay sa kaba. Sana wag si Mark. Paulit- ulit na bulong ko sa sarili.
Pakiramdam ko ay namumutla nanaman ako. Nagmadali akong sumakay sa taxi papuntang police station at pinuntahan yung tumawag saking police.
” Pano mo nalaman ?” Agad kong tanong ng makita sya.
” Si Mendez! Letseng Mendez yan tama hinala ko ! Tinutulungan nya yung lalake! ” Nakaramdam ako ng galit sa Mendez na yon kung sino man sya!
” Dapat hindi mo hinayaang makuha yung mga record! Hindi pwede! ” Nagpapanic na sabi ko
” Mukhang huli na ang lahat ma’am . Dun sila pumunta nung lalaki. Baka kilala nyo p0 mag-usap nalang p0 kayo. ” Tinuro sakin yung room na pinasukan nila at halos mahimatay na talaga ako sa kabang nararamdaman ko. Nanginginig ang tuhod habang papalapit at hawakan ang door knob . Napapapikit ako ng mariin dahil natatakot din ako . Hindi ko alam kung makakapagsalita ako kung si Mark nga sya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto bago ako pumasok. Hindi nila napansin na pumasok na ako at humangin din kaya lumipad ang kurtina at natabunan ang itsura nila pero natulala ako ng bumagsak na ito. Naka side view lang sakin si Mark habang nagbabasa. Kitang-kita ko kung pano manginig ang kamay nya at nakikita ko narin ang galit dahil sa pagkumos nya ng papel na halos naglabasan na ang ugat sa kamay dahil sa panggigigil. Nakita ko ring bumagsak ang luha nya. Isang patak lang yon pero alam kong puno ng sakit yon. Yan nga ang ayaw kong mangyare pero nangyare na ngayon. Kung hindi lang kami hiwalay yayakapin ko sya ngayon dahil gusto ko nalang agawin yung sakit .Wala akong nararamdaman na sakit para sa sarili ko. Ang nararamdaman ko...


lang ay sakit na mayron sya dahil sa natuklasan nya.
” M-Mark..” mahina at basag ang boses na tawag sa kanya pero narinig nya at lumingon sya sakin.
🎶 I can’t say it out loud 🎶
I want to erase it but I can’t
My dear, why were you so late
To find me again
I was really okay
I came all this way sort of with a smile
But now i’m filled with lies
What can I do?
Ngayong kitang-kita ko na ang buong mukha nya at tapat na tapat na sakin ang mga mata nya na hindi ko mabasa ang ipinapahiwatig pero malungkot.
” L-Lorraine… ” Nahihirapan nyang sambit sa pangalan ko. Nararamdaman ko ang sakit sa pagtawag nya.
🎶 My heart that hated you so much 🎶
My bad greed
I was all love
It was a dazzling love
The only one who can believe it
The only ones who know
It’s just you and me in this world
Lumapit sya sakin kaya naman parang gusto ko narin humakbang paalis . Ayokong tanungin nya ako. Pero bago pa man ako tumalikod ay nagsalita na sya.
” B-bakit? Bakit mo nilihim sakin to gayong alam mo ang totoo? ”
Nanatili lang akong tahimik at walang balak lumabas na salita sa bibig ko. Ano nga bang dapat kong sabihin gayong isa lang naman talaga ang dahilan ko .
” Lorraine bakit? Sagutin moko ” mahinahon at sa tono ng boses nya ay ayaw nya talaga akong tigilan hanggat di ko sya nasasagot .
Umiling lang ako bilang sagot. Pinipigilan ko lang na pumatak ang luha ko.
” Kailangan kong malaman lahat-lahat. Gusto ko ng mawala yung galit ko sayo . ”
” D-dahil naisip kong, yun ang tamang gawin. G-Gusto kong palayain ang sarili ko sa mga sakit. Gusto kong magpatawad nalang dahil hindi narin ako makakabalik sa nakaraan. ” Nagsinungaling parin ako sa kanya dahil ang totoo, pagmamahal lang ang dahilan kung bakit kinalimutan ko lahat.
” Hindi mo kailangan sarilinin ito. Akala mo ba hindi kita ipaglalaban? Akala mo ba hindi kita tatanggapin at iiwan kita dahil dito? Kung sinabi mo agad to ng maaga e di sana natulungan kita. ” Kahit na nahihirapan akong tumingin sa mata nya ay sumulyap ako at nakita kong totoo ang mga sinasabi nya unlike sakin na, pinanindigan ang pagiging sinungaling
🎶 I closed my eyes and closed the door🎶
So I don’t see you outside
But now hold me tight
So I can be happy for a moment
” Kung babalik ako sa nakaraan, pipiliin ko parin na itago to sayo dahil alam kong masasaktan ka dahil sa pamilya mo. Pamilya mo sila e. Mahal mo sila at importante sila sayo ”
” Hindi mo alam kung gano kalaki ang magagawa nito para sa pamilya natin kung nalaman ko ng maaga. ” Nagulat ako ng biglang suntukin ni Mark ang pinto sa gilid ko. Nakikita ko na ngayon ang galit sa mga mata nya.
” N-nangyare na ang nangyare at ako na mismo ang tumap0s. Kaya tama na Mark. ”
” Natatakot kaba ? Natatakot ka sa kanila? Ako lang ba talaga ang dahilan ? Dahil asawa mo ako? Napakababaw mo! ”
” Ayokong masaktan ka Mark ! Yun lang ang rason! ” nagtama ang mga mata namin at pinanliitan nya ako ng mata
” Masaktan?! Takot kang masaktan ako? Matagal mo na akong sinasaktan natakot kapa?! Matagal kitang nakasama pero bakit hindi mo ako binigyan ng chance na kilalanin ka ng buong-buo!”
” Hindi mo kasi ako naiintindihan .. may mga bag—–”
” Wag mong guluhin ang utak ko kung hindi mo lang din naman sasabihin sakin ang totoong rason! Nagtiwala ako sayo pero hindi mo ako pinagkatiwalaan ! ”
Pumikit ako dahil alam kong hindi ako mananalo ngayon. ayaw kong sabihin ito pero baka ito lang yong paraan para tumigil na sya. Natatakot lang ako na baka bigyan nya ito ng ibang ibig sabihin .
” Gusto mo malaman ang totoo? Sige! ” Matapang kong sagot ng minulat ko ang mga mata ko. Seryoso nya akong tiningnan at hinihintay magsalita. Nararamdaman ko narin ang luha sa gilid ng mata ko.
” Tiniis ko lahat Mark. Lahat ng sakit tinago ko lang sa puso ko. Sugat nayon sa puso ko pero dumating ka sa buhay ko. Pinapawi mo yung sakit sa twing magkasama tayo. Ayokong magalit ka sa kanila dahil lang sakin . Handa naman akong kalimutan ang lahat dahil simula ng pakasalan mo ako, sayo na umikot ang mundo ko dahil binago mo ako. Tinuruan mo akong limutin ang galit na mayroon ako sa pamilya mo dahil mahal mo sila. Maniwala ka man o sa hindi, ginawa ko lang yon dahil mahal kita. ”
🎶 My heart that hated you so much 🎶
My bad greed
It was all love
Even if no one else knows
Even if they don’t believe
It’s love
Niyakap ako ng mahigpit ni Mark àt kumawala sakin ang luhang galing sa sugat ng nakaraan ko. Parang gusto ko nalang ilabas lahat ngayon para tuluyan ng mawala at maging totoo ang pagpapatawad.
🎶 You were me last🎶
You were me
That’s what we need to remember
It’s alright if no one knows
It’s alright if our love is forgotten
We know
Just us two






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top