The_lost_daughter Chapter_13


Pag gising ko sa umaga ay inihanda ko na ang mga dadalhin ko,pati mga alaala ni inay ay dinala ko.
Pagkatapos kung mag almusal ay pumunta naku nang palengke,sinalubong naman ako agad ni cynthia at ondo.
Chuchay wag mo kaming kalimutang dalawin ha,mahinang sabi ni cynthia.
Mamimiss kita chuchay,agad naman sabi ni ondo na nakayuko.
Binatukan ko lang si ondo at tinawanan.
Ano ba kayo ang lapit lapit lang dito sa papasukan ko,kaya nga si manang flor dito namamalengke kasi malapit lang sa work niya. Tapos kung mkapag emote kayo prang pupunta ako nang america,biro kung sabi sa kanila..
Wag na kayong malungkot,syempre lagi ko parin kayo pupuntahan dito..
Maya maya ay lumapit na nga samin si manang flor.
Handa kana ba chuchay,bungad nitong tanung.
Opo manang flor,ngiti kung sabi.
Tara na..
Bago ako umalis ay niyakap ko muna si cynthia,gusto din sana yumakap ni ondo kaso nahihiya kaya yumuko na lamang ito.
Pero nilapitan ko si ondo at niyakap,sabay sabing salamat sa lahat ondo.
Nagulat pa si ondo sa pagyakap ko sa kanya,yumuko siyang nakangiti.
Nilingon ko din ang ibang tindero,tindera sa palengke na kanina pa nakatingin na malungkot..
Paalam sa inyo sigaw ko sa lahat..
Paalam din sayo chuchay,bumisita ka dito ha sigaw din nila.
Agad naman ako sumakay sa dalang sasakyan ni manang flor.
Buti nalang pinahiram ni Sir ung driver at kotse niya para magsundo sayo,sabi ni manang flor.
Wag kang mag alala chuchay aalagaan kita doon,ngiti pang sabi ni manang flor.
Maraming salamat po sa kabutihan niyo po manang flor..
Wala yun chuchay,tyaka mabait si sir ko chuchay kaya dika mahihirapan..
Pagdating namin nang bahay sa boss ni manang flor,ay namangha ako sa sobrang ganda nito.
Sa labas nang gate at sa loob napakalinis tingnan at ang ganda nang disenyo nang bahay,na kahit langaw ata mahihiyang dumapo.
May malaking puno din nang mangga malapit sa gate na ang daming bunga..
Dahan dahan kami naglakad ni manang flor,papasok nang gate nang may narinig kaming nag uusap..
Bawiin mo ang sinasabi mo,ayokong makipaghiwalay sayo,iyak na boses nang babae.
Tama na,maghiwalay muna tayo kesa paulit ulit tayong nag aaway.
Mabuti na yung maghiwalay muna para maisip natin kung mahalaga pa ba sa atin ang isat isa,boses naman nang isang lalaki.
Ayoko..pag hiniwalayan mo ko,isusumbong kita kay daddy.
Pwede ba Syra wag mong isali ang daddy mo sa problema natin..
Napahinto ako nang lakad at napatulala nung makita ko sa loob kung sinong dalawa ang nag uusap.
Nakatalikod ang lalaki na niyakap nang babae.
Kahit anong gawin mo hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sakin,sigaw nang babae at humarap na samin para umalis,napahinto ito nang makita kami ni manang flor.
Manang flor,bakit yan siya nandito agad nitong tanung..
Ah ei maam siya po ang bagong papasok na tagalinis,agad namang sabat ni manang flor.
Kumunot lang ang noo ni Syra at agad na umalis..
Natulala din akong nakatingin sa papalapit na lalaki,dahil si Christian pala ito.
Siya pala ang boss ni manang flor.
Ganun din ang tanung ni Christian kay manang flor nagtataka din ito.
Manang bakit siya nandito!?
Sir siya po ang kwenekwento ko po sa inyo,at ung sinabi kung ipapasok kung tagalinis dito..
Si Chuchay po sir..
Chuchay,mahinang bigkas ni christian sa pangalan ko..
Ah okey manang,kayo na po ang bahala kay chuchay..
Chuchay,welcome home sabi nito at agad pumasok na ulit sa loob nang bahay si Christian..
Kami naman ni manang ay sa likod dumaan,dahil nandun daw ang kwarto..
Pag pasok namin sa kwarto ay may...


naabutan kaming ng plaplantsa nang makita kami ay agad ito ngumiti.
Chuchay siya si inday,ate inday nalang itawag mo sa kanya dahil mas matanda pa siya sayo.
Hello po ate inday agad kung sabi..
Hi din sau chuchay ngiti ding bati ni ate inday na mukhang masayahin dahil sa kanyang aura.
Pagpasok ni Christian sa kanyang kwarto,ay mahina niyang paulit ulit binangit ang pangalan ni chuchay…
Chuchay,habang may ngiti ito sa labi.
Isang linggo na ang lumipas,ay nakaramdam na ako nang pagkabagot dahil siguro nasanay ako na nasa labas lang ang trabaho,dito kasi sa loob nang bahay ay, pa ulit ulit lang araw araw ang trabaho.
Napapansin ko din na isang linggo ko rin di nakikita si Sir Christian.
Manang bakit parang hindi umuuwi si sir Christian dito tanung ko kay manang flor.
Ah umuwi naman chuchay kaso gabing gabi na tulog na tayo,at bimubalik din ito nang maagang maaga sa opisina,nalalapit na kasi ang annibersaryo nang kompanya nila kaya buzy si sir..
Pagkatapos kung mag almusal,ay tinanung ko agad si Manang flor,kung pwede na ba linisan ang room ni sir Christian..
Oo pwede na chuchay,maaga naman umalis si sir..
Pumasok na nga ako sa room ni Sir Christian para simulan na ang paglilinis,ang room na napakalaki at napakaganda ang bango pa,
Ang amoy ni sir Christian bulong ko sa sarili na nakangiti..
Nang nakayuko naku para magpunas sa ilalim nang kama,nang biglang may lumabas sa banyo.
Pagtingin ko si sir chan,na wala itong suot pang taas,at towel lang nakatakip sa pang baba nito,bigla ako nakaramdam nang kaba at hiya kaya nagtago ako sa ilalim nang kama ni sir chan.
Nakita ko palakad lakad si Sir chan sa kwarto niya.
Ako naman ay ng iisip kung kailan siya matatapos at umalis sa kwarto niya pra makalabas na rin ako..
Nang biglang nahulog sa sahig ang towel niya.
Napalunok ako sa iniisip kung nakahubad si sir christian.
Agad naman niya kinuha sa sahig ang towel niya,nang makita ako ay agad ito sumigaw..
Aaahhhh, chuchay ano ginagawa mo dito inis niyang tanung..
Dahan dahan naman akong lumabas sa ilalim nang kama.
Eh kasi,kasi sir akala ko kasi umalis na kayo kaya sinimulan ko na maglinis,nauutal kong sabi..
Bakit ka nagtago sa ilalim nang kama ko!?
Na..na..nahiya kasi ako sir na makita kang ganyan..
Anong ganyan,pagtataka nitong tanung..
Yung,yung ano po,tinuro ko sa kanya ang towel.
Pakitakpan po nang towel,ang..ang sa baba po ninyo sir,sabi ko dahil naka boxer short lang ito..
Agad naman siya tumingin sa baba,at dali
daling kinuha ang towel at itinakip sa boxer short niya.
Na nakalimutan niya pala ibalik dahil sa gulat niya kay chuchay..
Get out sigaw niyang sabi..
Kumaripas naman ako nang takbo sa labas nang kwarto ni sir chan,at humihingal na huminto sa harden..
Woahhh ang init,bulong ko sa sarili habang pina paypay ang kamay ko sa mukha ko,dahil feeling ko namumula ito sa init..
Ang laki nang alaga ni sir,sabi ko at napalakas
ang tawa ko..
Hoy anong tinatawa tawa mo diyan panggugulat ni ate inday.
Na kanina pa pala ako tinitingnan.
Ah wala ate agad ko namang sabat na naka ngiti.
Anong malaking alaga,tanung ni ate inday dahil narinig niya pala ang sinabi ko..
Ah yung alaga ni sir na malaking ibon sa kwarto niya,agad kong sabi at iniwan agad sa harden si ate inday.
Ha!? Kailan pa nagkaroon nang malaking alagang ibon si sir.
Hoy chuchay hintayin mo ko,bakit diko nakita ang alaga ni sir na malaking ibon,sigaw nito..
Itutuloy….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top