TOO MUCH LOVE Seven


by: Gail Montenegro
Nang gabing iyun ay agad ring sinundan ni jade si ace sa pangambang baka kung ano nang nangyare sa nobyo ,hindi narin nya nagawang magpaalam pa sa buong pamilya weaver dahil sa pagmamadali ,sa gitna ng highway ay naabutan nya ang kotse ni ace kalmado ang takbo habang binabaybay ang kahabaan ng daan ,ng masentro ang likurang bahagi ng sasakyan nito ay sunod sunod syang bumusina upang agawin ang atensyon ng lalaki ngunit mailap ito at sa halip ay mas lalo pang binilisan ang takbo ng sasakyan nito ,binuksan nya ang bintana saka dinaig ang sinasakyan nito habang bukas ang bintana “babe please stop the car!!” Pakiusap nya dito ngunit hindi sya nito pinakinggang sa sobrang inis ay hinayaan na muna nya ito at binarurot nya ang sarili kanyang kotse saka isinalpok iyun sa isang puno dahilan para ikaaksidente nya ngunit hindi naman malala ,tumama lamang ang sentido nya sa matigas na pintuan ng sasakyan kaya nagdurugo ,frustration… dahil maiksi lamang ang pasensya nya ,kayang kaya nyang ipahamak ang sarili sa pamamagitan ng galit na nangyare nga… iniyuko nya ang sariling ulo sa mismong manibela sapagkat ramdam nya ang matinding pagkahilo, ramdam din nya ang dugo na dumadaloy mula sa sentido nya at kirot mula doon kaya ipinikit na lamang nya ang sariling mga mata
“Jade… jade ,baby..!” Malakas na sigaw mula sa labas ng kotse ang naririnig nya at hindi sya maaring magkamali si ace ang taong sumisigaw mula doon , “jade….” malakas at tila galit na tinig ng lalaki kaya napangiti sya kasunod ang malakas na pagbukas ng driverseat ay ang paghila sa katawan dahil namamanhid ito halos hindi sya makagalaw “baby wake up… wake up!” Nanginginig ang boses nitong gising saakin, gustong gusto kong imulat ang aking mga mata pero dinaig ako ng pangihina at tuluyang nawalan ng ulirat…
“Sh*t….” mura ni ace dahil lumaylay na ang katawan ng kasintahan ,agad nya itong binuhat papasok sa kanyang kotse at nilapatan ng first aid ang sentido nitong napuruhan “baby please wag mokong takutin ng ganito… how d*re you.. anong ginawa mo sa sarili mo…” iling nyang saad habang halos maiyak na dahil sa sinapit ng nobya mabilis syang nakarating sa malapitvna hospital kaya sa labas palang ng building ay sumigaw na sya ng tulong na agad namang sinangguni ,inilabas nya ito sa sasakyan ,niyakap ng sobrang higpit bago ibinaba sa naroong stretcher ,tinawagan nya ang mga magulang ni jade habang naghihintay sa may waiting area ,umupo sya sa chair na naroon at nailamukos...


ang sariling mga palad sa mukha ,ngayun nya napagtanto ang tungkol sa nangyare ,hanggang ngayun sa paglaki nila ay nariyan parin pala ang ugali ni jade mula pagkabata… kapag umaatake ang matinding frustration nito ay humahantong sa wild sicknesses kung saan hindi nito macontrol ang sarili kapag masyadong frustrated dahilan upang manlabo ang isipan nito at nakakagawa ng mga bagay na maaari nitong ikapahamak ng walang pagaalinlangan ,kagaya noong grades school pa lamang ito ay sinubukan na nitong magb*gti dahil lamang sa maliit na bagay na maaaring dinibdib nito at ngayun muli nitong ginawa “what the h*ll jade!” Gulo nya sa sariling buhok habang tila tigang na naghihintay..
“Hmmm.” Mahinang ungol na kumawala mula sa kanyang bibig ,masakit ang ulo nya at nahihilo ngunit nagawa parin nyang imulat ang mga mata ,bumungad sa paningin nya ang. nagaalalang mukha ng kanyang mga magulang
“Hey… hows my baby.” Tanong ng kanyang daddy habang hinihimas himas ang buhok nya
“Jade pinag alala mo kami lalo na si ace , anak!! Ano nanaman bang ginawa mo ,hindi mo manlang inisip ang mga taong labis na magaalala sayu ,sarili mo nanaman ung inisip mo..” may bahid galit na saad ng kanyang ina
“Honey tama na ,ang importante ligtas ang anak mo. Magpasalamat kana lang dahil gising pa sya..” galit ding saad ng kanyang ama sa mommy nnya
“Nasan ho si ace?” Sa halip ay tanong nya sa mga ito
“Nasa labas!” Duwetong wika ng kanyang mga magulang ,bumukas ang pinto at pumasok mula doon ang kanyang nobyo kaya lumabas naman ang kanyang mga magulang nagpaalam na may bibilhin lamang
“Kamusta ang pakiramdam mo masakit paba ito?” Haplos nito sa sentido nyang may bandages
“I’m fine ace ,pasensya na..” hinging paumanhin nya dito ,hinawakan nito ang kanyang kamay saka paulit ulit na hinalikan
“Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sayu jade ,please wag munang uulitin pa itong muli…kundi gagawin korin to at sisiguraduhin ko sayung mauuna akong mamatay kesa sayu..” mataman nitong titig sakanya nasa mga mata nito ang kseryosohan
“Ayaw mo kasi akong kausapin, kung hindi kupa ginawa un dimu pako hihintuan.” Nakanguso nyang sabi dito
Itinayu sya nito saka naman ito tumabi sa kinauupuan nya’t pinagdikit ang mga nuo nila “please don’t do this again ,mabab*liw ako oras na napahamak ka ,hindi ko kakayanin baby kaya ipangako mong hindi muna ito uulitin pa..” pakiusap nito sakanya
Tumango sya dito saka ngumiti “ok ,basta hindi kana galit saakin.” Bulong nya dito ,isang marubdob na halik ang naging kasagutan nito sa mga tanong nya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top