HIS HEARTLESS LOVE CHAPTER 16


( PAUL SANTIBAN )
______________
“Ricky anong balita dyan? ” tanong ni Jeppy sa isang tauhang nag mamatiyag sa pamilya santiban.
πŸ“žSir nasa Hospital silang lahat maliban sa bunsong anak nilang babaeng bagong Kasal na nasa Dubai. isinugod si Mrs Santiban at narinig kong si Seniora Vea ang may gawang pananaksak kay Mrs Paulyn. ”
“What? Paano nadamay si Mommy? ” gulat niyang tanong sa kausap na nasa Linya.
πŸ“žYun lang ho ang narinig ko sir at Sir hawak ng mga santiban si Seniora ,nahuli ng mga tauhan ni Paul palabas sa Mansyon ng mag umpisang Magka gulo ang mga bisita ! ” pag babalita Pa ng tauhan ni Jeppy.
” p*tang*na! , sige subay- bayan mo sila at makinig ka sa usapan nila. At balitaan mo ako kung saan nila dinala ang mommy ko. ” sabi niya at pinatay na ang tawag.
” bakit niyo hinayaang mahuli ang mama ko. Bakit niyo hindi binantayan ng maigi sa Mansyon ?! Hindi bat sinabi kong wag niyo palabasin ng Gate hanggat hindi kami bumabalik mga walang S*lbi !” Galit na sabi ni Jeppy sa mga tauhan at sabay baril sa isang tauhan nito.
Marahil hinintay lang sila maka alis bago umalis ang kaniyang ina at mag isang gumawa ng disiyun Para gumati sa mga santiban.
Takot at Galit ang nararamdaman ni Jeppy para sa kaniyang ina. Alam niyang hindi bubuhayin ng mga santiban ang kaniyang ina. Kaya kailangan niyang maka gawa ng Paraan para mabawi ang kaniyang ina . Muli nanaman. Tumunog ang kaniyang Phone at nakita niyang tumawag ulit ang kaniyang tauhan…
“Ricky bakit?
πŸ“ž Sir nakasunod ako ngayon kay Santiban. Patungo sila sa Hideout kung saan nila ikinulong si Seniora.
” sige sundan mulang at wag kang mag papahalata. E send mo ang exact location ,papunta na kami. ” sagot niya at pinatay na ang tawag.
” mag si handa kayo susugod tayo sa Hideout ng mga Santiban. Hihintayin nating maka alis sila at konti lang ang bantay para madali nating mabawi ang mommy ko. ” sabi ni Jeppy sa kaniyang mga tauhan.
Habang sina Paul at Paulo naman ay patuloy parin sa pag papahirap kay Vea. isa isang tinanggal ni paul lahat ng Kuko sa Daliri ni Vea. Umiiyak itong namimilipit sa sakit ..
At parang musica sa pandinig ni Paul ang bawat Hiyaw at iyak nito.
“Now where’s my wife ” madiing tanong ni Paul habang mahigpit na pinipisil ang Sugat na sinaksak ni Paulo sa Tagiliran nito.
Kung saan sinaksak ni Vea si Paulyn ay duon rin sinaksak ni Paulo ang babae. Sa Sobrang galit ni Paulo ay nakalimutan na niyang isa siyang Abugado.
“Dem*nyo ka! ” umiiyak na sigaw ni Vea kay Paul. Sabay dura sa Mukha ng Binata. Sa sobrang galit ng Binata ay pinutol niya ang isang Daliri ni Vea . Wala ng natirang kuko sa mga paa at kamay nito. at dalawang Daliri na nito ang naputol.
Napapasigaw na lamang si Vea dahil sa sobrang sakit. At putlang putla na rin dahil sa napaka daming Dugong gumahagos galing sa mga daliri ng Kamay at paa nito.
“D*mn it. Rayan ihanda mo ang sasakiyan at ang mga tauhan. Walang matutulog at mag papahinga hanggat hindi natin nahahanap si Sherin. ” galit na sabi ni Paul. Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung nasaan na si Sherin , lalo siyang nag aalala dahil sa sinabi ni Paulo na may Sugat rin ang Dalaga.
“Kuya babalik na ako sa Hospital dahil tumawag si Anne. Kailangan raw masalinan ng Dugo si Mommy dahil maraming Nawalang Dugo sa kaniya. ” sabat naman ni Paulo na siyang kina sakit lalo ng ulo niya. DAlawang babaeng pinaka mamahal niya ang nasa Piligro.
Tumango lang si Paul bilang sagot sa kaniyang kakambal at sabay na silang lumabas ng Hideout .
Sampong mga tauhan lang ang naiwan sa Hideout habang sina Jeppy naman ay naka Tago sa matataas na Damuhan . itinago nila ang kanilang mga sasakiyan sa Hindi nakikita at madilim na lugar para hindi mapansin ng mga Santiban.
“Paalis na sila humanda na kayo. Madali lang natin mababawi si Mommy pag konti lang ang kalaban ” sabi ni Jeppy sa mga tauhan.
Ng maka alis na ang Apat na Van ay dahan dahan kumilos sina Jeppy at pinag babaril ang Sampung mga Tauhan na nag babantay. Naka Silent bullet ang mga baril nila kaya madali nilang napa tumba lahat ng mga bantay.
Pag pasok Pa lamang ni Jeppy sa isang Lumang Bodega ay parang piniga na ang kaniyang puso sa kaniyang nakita. Naka yuko ang kaniyang ina habang basang basa ng Pawis at naka tali pataas ang mga kamay nito habang naka tayo sa isang liit na Bakal . At patuloy sa pag patak ang mga dugo ng kamay at paa nito sa Semento .. Nakikita niyang sobrang pinahirapan ni Paul Santiban ang kaniyang ina , halos hindi maka hinga si Jeppy sa kalagayan ng kaniyang ina . Mabilis niya itong nilapitan at tinawag ang mga tauhan para buhatin ang kaniyang ina , dahil alam niyang Sobrang nangangalay na ito sa pag kakatayo sa maliit na bakal. At kapag natanggal ang bakal na pinapatungan nito ay paniguradong mawawalan ng dalawang Braso ang kaniyang ina. Nagising naman si Vea ng maramdaman niyang may naka Yakap sa kaniyang katawan at tinaas siya at naramdaman nalang niyang natanggal na sa pagkakatali ang kaniyang mga kamay.
“Je-jeppy? Anak? ” ng hihinang sabi Ni Vea.
” yes mommy, nandito na ako ” sagot ni Jeppy at binuhat na ang kaniyang ina ,nararamdaman niya ang panginginig ng katawan nito at mabilis na nilang nilisan ang Lugar.

“Ano ba Lance. ibalik mona ako hinahanap na ako ni Zanjo ” sigaw ni Jenny sa binatang Madilim ang Aura habang nag mamaneho.
” No Jenny. Hindi kita ibabalik hanggat hindi mo sinasabi saakin ang Totoo. anak koba si Jency !? ” galit na sabi ni Lance habang nag Mamaneho.
” hindi nga sabe! Anak kolang si Jency. Hindi mo siya anak . At narinig mo naman diba. Daddy ang tawag ng anak ko kay Zanjo kaya itigil mona ito ,bumalik kana sa Babae mo. Wag mona kami Guluhin ng Anak ko. !” Pasigaw na sagot ni Jenny
Hindi pwedeng malaman ni Lance na anak nilang Dalawa si Jency dahil , natatakot siyang baka kunin ni Lance ang bata at yun ang hindi niya kaya. Hindi niya kayang malayo sa kaniya ang kaniyang anak at isa Pa may ibang babae na si Lance.
” okey hindi mo talaga sasabihin ang totoo. Pwes hindi kana makakabalik . Dahil kung saan ako ay duon karin ” sagot ni Lance sabay labas ng Posas at ipinosas ang Kamay nito sa Kamay ni Jenny
“Ano ba. ! Aray. Masakit. Alisin monga ito Lance. Ano bang ginagawa mo ” galit na sabi ni Jenny habang pilit tinatanggal ang posas sa kamay nila
” matagal mo akong iniwan Jenny. Ngayon babalik ka...


dito p sa pinas na may anak . Alam Kong anak ko si Jency wag monang hintayin na ipa DNA test kopa ang bata Jenny. At kung inaakala mong mkakalayo kayu uli—–
“Lance may Tao. ! ” sigaw ni Jenny ng mapatingin siya sa Harapan at nakita niya ang isang maputing babae at ng hihinang papatawid ng Kalsada.
Mabilis naman naipreno ni Labce ang Sasakiyan at Habul hiningang nagka tinginan sila ni Jenny.
“Oh my God. Nabangga ata natin , bilis tignan natin ” kinakabahang sabi ni Jenny. Ngunit ng pababa na si Lance ay gulat siyang napa sunod sa binata.
” teka teka lang paano ako makakaba naka posas ako sayo. ” sabi ni Jenny sa pababang binata.
“Edi dito kana bumaba ” sagot ng Binata at hinila siya ,kaya sa Kabilang Pinto siya naka daan.
At ng maka baba na sila ay napa takip ng bibig si Jenny dahil naka higa sa kalsada at duguan narin ang babae putlang putla na ang kaputihan nito.
“Hindi natin siya nabangga. Natumba lang siya dahil sa panghihina. Buhay Pa siya halika tulungan mo ako Jenny dalhin natin siya sa Hospital ” sabi ni Lance ng maka lapit ito sa babae at nakita niyang. Pataas baba Pa ang dibdib nito. Patunay lang na Buhay Pa ang Babae.
Nahihirapan man ay pinag tulungan na nilang dalawa maisakay ang babae sa sasakiyan para madala na ito sa malapit na hospital.

” Tito mag pahinga napo kayo . Nandito na po si Paulo ,kami napo ang mag babantay ,malapit napo mag alas Dose wala parin po kayung pahinga . ” nag aalalang sabi ni Anne kay Pablo.
” okey lang ako iha. At kung antukin man ako ,dito na ako matutulog sa Sofa. Okey na ako dito. ”
” sige po lalabas lang po muna ako para maka bili ng makakain. ”
” anne samahan na kita. Saka babalik narin ako sa room ni Stepani para ako naman ang mag bantay ” sabat ni Jessa
” sino pala ang kasama ni Stepani iha? ” baling ni Pablo kay Jessa.
” si Kuya Sebastian po Sir. Pinauwi na muna si Ate Vanessa dahil mahirap na. Kabuwanan Pa naman niya ngayon. Oras at Day lang ang hinihintay. ”
” nako wag mona ako ma sir sir iha. Para ko ng mga anak ang mga kaibigan ng mga anak ko. Saka inaanak korin sina Sebastian at Vanessa. Tito nalang iha. Diba isa kang Pulis Agent ?”
” opo S-Tito. Tatlong taon napo akong Pulis Agent. ” naka ngiting sagot ni Jessa.
” labas muna po kami Tito. ” sabat ni Anne na tinanguan naman ni Pablo.
Habang nag lalakad ang Dalawa papunta sa Elevator ay nahagip ng tingin ni Jessa ang Dalawang tao na napaka Familiar sa kaniya. Sa hindi Kalayuan. Naka Tayo ang mga ito sa labas ng Emergency room . Huminto siya maging si anne ay napa hinto rin sa pag lakad at kunot nuong sinundan kung saan naka Tingin si Jessa.
“Jessa bAkit tayu huminto. Sino sila? ” nag tatakang tanong ni Anne.
” wait lang. Parang familiar sil–Ate! ” Gulat na sabi ni Jessa ng makita niya ang mukha ng Babae.
“Tama si Ate Jenny. Teka sinong kasama niya? Wait parang si ….. Si kuya Lance ” gulat niyang sabi ng makitang napa linga sa Gawi nila ang lalake.
” anne halika. Lapitan natin sila. ” naka ngiting Sabi ni Jessa sabay hila sa kamay ni Anne.
” teka lang. Sino bang mga yan Jessa. ” nag tatakang tanong ni Anne.
” si Ate Jenny. Kapatid ko. At Yang kasama niya si Kuya Lance pinsan ni Ate Vanessa. ” sagot nito.
“ATEEEE! Tawag ni Jessa na siyang ikinalingon naman ng Babae
” Jessa ?! ” gulat na sabi ni Jenny ng makita niyang palapit ang kaniyang kapatid at mabilis siyang Sinalubong ng Mahigpit na yakap.
” i miss you ate. Kailan kapa bumalik? Nasaan ang pamangkin ko? Hindi ka man lang nag pasabi na uuwi ka . Para ako na ang sumundo sa inyo sa Airport. ”
“Kahapon lang kami dumating 4pm. Si Jency nandun sa Bahay kasama ni Nanay. Hindi na kita nasabihan dahil alam Kong bising bisi ka. Saka sino siya? At bakit kayu nandito sa Hospital? ” Sagot ni Jenny at sabay baling sa Katabi ni Jessa.
” ah ate si Anne nga po pala Girlfriend ni Paulo Santiban. , Anne ang nag iisa Kong kapatid siya ang ate Jenny ko. At ito naman ang Jowa ng Ate ko si Kuya Lance pinsan siya ni ate Vani. ”
” huy Jessa Hindi Ko Boyfriend si Sir Paulo . Personal Maid niya lang ako. ” mabilis na sagot ni Anne na siya namang kinatawa ni Jessa.
” owwh so bakit kayu nandito? “Ulit pang tanong ni Jenny
” ah si Madam Paulyn isinugod dito kanina . Sinaksak siya pero okey na raw siya sabi ng Doctor dahil nasalinan na ng Dugo saka si Stepani Nandito rin kaya dalawa ang binabantayan namin. ” pag dadaldal Pa ni Jessa.
” what ?! Bakit anong ng Yare kay Stepani ” magka sabay pang sabi nina Jenny At Lance.
” kailangan talagang magka sabay? Hmmp wag na kayu mag alala okey na siya. Nahimatay lang siya kanina dahil nakakita siya ng Dugo. Eh kayo bakit kayu nandito. ? ”
” Ah meron kaming muntik ng mabangga kanina. Tapos nahimatay sa gitna ng daan. Mabuti nalang naka pag preno kaagad. Kawawa nga eh ” sagot ni Jenny.
Natigil sila sa pag uusap ng lumabas na ang isang Doctor.
” doc kumusta siya? ” mabilis na sabi ni Jenny
” sobrang malalim ang sugat ng pasyente at maraming Dugo ang nawala sa kaniya. At Kailangan siya masalinan ng Dugo sa Loob ng 24 hours. Dahil kung hindi maagapan ay baka sumuko ang katawan ng Pasyente. ” sabi ng doctor kaya nagka tinginan silang apat.
“Ano ho ba blood type niya doc? ” tanong ni Jenny
“AB meron ba sa inyo? ”
magkasabay umiling ang Apat at nag paalam na ang Doctor sa kanila.
” Lance pano nayan. Hindi natin kilala ang babae. At wala rin tayung makokontak para matulungan siya. ” nag aalalang sabi ni Jenny.
” tara tignan natin siya baka sakaling magising. ” sabat naman ni Jessa. At Magka sabay silang apat na Pumasok sa Silid ng Babae at ganun na lamang ang pagka sabay ng pag singhap nina Jessa at Anne dahil sa Gulat ng Makilala kung sino ang babaeng naka Higa .
“SHERIN ” magka sabay na sabi ng Dalawa na kina kunot nuo naman nina Jenny at Lance.
//Next
*******
sino kaya ang Makakatulong para maisalba ang buhay ni Sherin sa Loob ng 24 Hours . ?πŸ€”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top