Mistake โ€“


Author: Ash Knox
Genre: drama/action
๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง: worth less
“Lumayas ka, huwag na huwag kanang magpapakita sa akin! Salot ka sa buhay ko!” Sigaw ng kanyang ina sa kanya habang tinatapon ang kanyang mga damit sa labas ng kanilang bahay.
“M-mama…” giniginaw niyang tawag sa kanyang ina. Tuluyan na siyang sinaraduhan ng pintuan ng kanyang ina. Wala siyang nagawa kundi ang maglakad sa madilim na eskinita, sa gitna nang malakas na ulan habang patuloy na lumuluha.
“Bakit ganito ang buhay na meron ako? Wala na ba akong karapatan na mahalin ng aking ina? Kailangan ako magiging tama sa paningin niya? Sawang sawa na ako, ayoko na!” Himihikbi niyang sabi habang...


matamlay na naglalakad at bitbit ang kanyang bag na ngayon ay basang basa na.
Sa di-kalayuan may nakita siyang paparating na sasakyan ngunit wala siyang balak na tumabi, gusto na niyang mawala. Wala ng halaga ang buhay.
Isang malakas na busina ang namutawi sa lugaw ngunit umaktong walang narinig ang dalaga.
“Miss kung gusto mong magpakamatay, huwag kang mandamay ng ibang tao!” Bulyaw ng binata sa kanya.
Hindi siya umimik, labis na siyang nanginginig at saglit lang ay nawalan na siya ng malay. Maagap naman ang binata, sa kabila ng malakas na ulan ay agad itong lumabas sa sasakyan upang saluhin ang pabagsak na katawan ng dalaga sa sementong daan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top