πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝕆ℕ𝔼


“BRO, kalimutan mo na nga yang girlfriend mo,” sabi ni Luke.
“Actually, I think that’s not a problem my friend. There are a lot of women out there to choose from.”
Lahat sila ay natigilan at napatingin kay Ace. Napakamot na lang sa batok si Rain. Gago talaga to kahit kailan.
“That’s why I avoid having a girlfriend, I dont want to be an idiot like you,” Clarence said while reading a book. Napangiting aso nalang si Rain.
Nandoon sila sa administration building. Nautusan si Mike ni Tita Emily na ayusin ang mga nakapasa sa scholarship exam ng Santiago University.
“Look at this girl. Sayang siya, kaunting puntos na lang makakapasa na sana siya.”
Napatingin si Rain sa kapatid niyang si Calex na katabi lang niya. Natigilan si Rain nang makita ang folder na hawak niya.
“Wait.” Kinuha ni Rain ang folder mula kay Calex.
“Claire Ramos?……..” πŸ€” I murmed while looking at the girls picture. I dont know why, but this girl is very familiar. Who is she again?
πŸ’­ “Akala ko ba mahal mo ko?! Paano mo nagawa sa akin to ha? Pinagkatiwalaan kita! Sinakripisyo ko ang lahat para sayo!” πŸ’­
Damn, I remember her now.
“Mike, ipasa mo to,” sabi niya kay Mike na abala sa pag-aayos ng mga folder. Walang emosyon na tumingin si Mike kay Rain.
“Why would I do that? ha?” malamig na tanong ni Mike.
“Ako ang magbabayad ng tuition fee niya, lahat. Basta ipalabas mo na nakapasa siya sa exam.” sabi ni Rain saka inabot ang folder.
“50k,” tipid na sabi nito kay Rain saka inilahad ang kamay.
Umismid si Rain. Damn this businessman. Mukha na siyang pera.
“Fine.” 😏
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
7:30AM, Monday
“HOY BEST! Gumising ka na. Lumabas na yung resulta sa mga nakapasa sa scholarship exam ng Santiago University!” excited na sabi ng best friend niyang si Jellaine.
“Ano?! Anong resulta?!” excited na tanong ni Claire, pero kinakabahan siya.
Nagmadaling naghilamos at nagsipilyo si Claire at minadaling sinuklay ang buhok niya.
Ang may mga average lang na 95 pataas ang pinapayagan na mag take ng scholarship exam sa Santiago University, sobrang hirap ng exam pero kapag nakapasa ka doon ay libre na ang tuition fee (as in apat na taong pag aaral), libre ang ID at uniform. May libreng dorm pa. Kaso ang mahirap diyan eh, tatlo lang ang makakapasa sa exam.
“Claire, anak! Ito na tignan natin kung nakapasa kayo!” excited na sabi ng nanay niya.
Maaga namatay...


ang kanyang ama dahil sa sakit na cancer. Tiniis ng nanay niya na mag-isa siyang palakihin. Naglalabada at naglilibot ng mga kakanin ang nanay niya para mabuhay silang dalawa.
Kaya todo kayod rin sa pagaaral si Claire.
“Ikaw, Jellaine! Bakit naman hindi mo ginalingan! Hindi ka tuloy nakapasa!” nalungkot si Jellaine sa sinabi ng nanay niya.
“Aling Mercy, eh, ginawa ko kaya ang best ko. Ang hirap kaya nung exam, halos maubos brain cells ko.”
“Malamang hindi ako nakapasa, kasi ikaw nga hindi nakapasa, eh.” sabi ni Claire na uminom na lang ng kape.
“Malay mo naman no! Subsob ka kaya sa pagaaral para lang makapasa dito, ikaw ang mas nag-effort sating dalawa. Aling Mercy, tignan natin,” pamimilit ni Jellaine.
Halos matapon na ang iniinom niyang kape sa sobrang gulat sa pagtili ni Jellaine.
“Ooooo-MG!!!!! Nakapasa ka best!” sabi ni Jellaine at tuwang-tuwa na pinalo ako sa braso. Napasimangot ako.
“Ewan ko sayo. Ayokong umasa.”
“Oo nga, anak. Tignan mo pa!” sabi ng nanay niya at itinapat sakanya ang laptop.
πš‚π™°π™½πšƒπ™Έπ™°π™Άπ™Ύ πš„π™½π™Έπš…π™΄πšπš‚π™Έπšƒπšˆ πš‚π™²π™·π™Ύπ™»π™°πš π™΄πš‡π™°π™Ό π™Ώπ™°πš‚πš‚π™΄πšπš‚ :
π™ΌπšŠπš›πš” π™³πšŠπš–πš’πšŽπš— π™΄πšœπš™πšŠπš—πšπš˜
π™²πš•πšŠπš’πš›πšŽ πšπšŠπš–πš˜πšœ
π™»πšŠπš›πšŠ π™°πš—πšπšŽπš• πš‚πš’
Nanlaki ang mga mata ni Claire. Sinampal sampal niya ang kanyang sarili kasi baka nananaginip lang siya.
Natigilan siya ng sampalin siya ni Jellaine.
“Oh, ayan ako na sumampal sayo! Totoo kasi! MyGad ha! Ingget ako sayo, best.” tuwang-tuwa na sabi ni Jellaine. Para silang ewan na nagtatalon.
Maluha luha ako habang paulit ulit na binabasa ang pangalan ko na nakalagay sa passers ng scholarship exam.
“Isipin mo, almost 500 students yung nagtake ng exam pero tatlo lang kayong nakapasa. Ano bang school yan?”
Wala na akong pakialam sa pinagsasabi nila, basta sobrang saya ko ngayon.
“Grabe, anak, nakapasa ka. Ang galing mo talaga!” tuwang-tuwa na sabi ng nanay ni Claire at niyakap siya.
“Naku, nay. Pag nakapagtapos na ako, hindi mo na kailangang maglabandera at kung magbenta ng kakanin. Magiging seΓ±orita ka, pahinga lang ganon.”
“Mag-aaral kana, maiiwan na ako mag isa dito sa bahay. Ikaw Jellaine, saan ka mag-aaral?”
“Hindi nalang po muna ako magaaral, Aling Mercy. Mamasukan nalang po ako doon sa tinatrabahuan ni tatay. Mag-iipon nalang po muna ako. Ahm, Claire ano ba ang kursong kukunin mo? Accountancy ba?”
Tumango si Claire. Gustong gusto kasi talaga niya maging CPA.
“Pagbutihan mo anak. Alam kong kayang kaya mo yan. Nandito lang ako.”
“Opo, nay. Gagawin ko talaga ang lahat para makapagtapos at mabigyan ko kayo ng magandang buhay.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top