Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Pagpapatuloy ng Kabanata 8


Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Pagpapatuloy ng Kabanata 8
Pakiramdam ko para akong maiihi na d malaman.
” Ikaw , bat tahimik ka ” lapit nya sa kinatatayuan ko ” Ok ka lang namumutla ka eh , hinawakan nya ang aking noo ” Wala ka naman lagat ah Mahal o baka naman ninenerbiyos ka lang at kaharap mo na ako ” tatawa tawa nyang sabi sa akin ” Akin na ang bata para makapahinga ka kakakarga at mamaya kailangan mo ng lakas
” Tse , puro ka kalokohan , may mga bata ” irap ko sa kanya habang parang natutuwa pa syang napipikon ako… At lumakad na kami papuntang sasakyan nya na naghihintay
” Regie , si Kumander ” ngiting pakilala nya sa akin ” Eto ang mga bata , si Julia , si Donald at ito si boy piso si Serv at itong karga ko eto ang baby namin si Rambo ” ngiti nya sa akin
” Hello , kamusta byahe … Mga bata ako si kuya Regie kaibigan ako ni Tito Jay nyo… Erp matatali ka na talaga ngayon hahaha, bawas barkada kana ”...


masayang tugon ni Regie sa amin
” Ay oo naman wala nman problema , basta masaya lang kami erp sapat na ” habang nakatingin sa akin ” Oh sya baby balik ka muna Kay mama ah magdadrive muna si Dada para kakain na tayo sa Jollibee ” ibinalik na nya sa akin si baby at ipinagbukas ako ng front seat at isinara na at sabay na silang sumakay , ang mga bata sa likuran pati si Regie at umalis na kami .
Mabilis ang mga oras , nakarating at nakakain na nga kami sa Jollibee ,tuwang tuwa ang mga bata syempre malayo ang Jollibee sa probinsya ,. Inasikaso naman nya kami , ganun parin si Jay mukha nman walang ipinagbago, pagkatapos namin kumain umalis na din kami papauwi sa knila… Sobrang traffic kaya hindi naiwasan nakatulog ang mga bata pati si Regie nakatulog din siguro dahil masyadong maaga ng sila ay umalis… Kami nalang ang gising , pero hindi parin ako nauunang mag approach sa kanya nahihiya parin ako, ang ginawa ko , nagtulog tulugan ako para maiwasan ang mga mata nyang sobra kung makatingin..
Goodluck sa akin !






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top