I Love You with All my Heart Chapter 6


I Love You with All my Heart
Chapter 6
Nakabalik na ng America sina Ryan at ang Mommy nito. Umaasa si Ryan na makikita niya at makakausap si Susie ngayong na nakabalik na siya.
“Bukas na bukas din pupuntahan ko siya sa bahay nila” sabi ni Ryan sa sarili. Sobrang excited na siyang makita muli si Susie.
“Hijo, anong plano mo ngayong nakabalik ka na dito sa America?” tanong ni Mrs Reina. Gustong malaman ng ginang kung kailan nito dadalawin ang kompanyang matagal ng walang humahawak na mga anak niya.
Napalingon si Ryan sa Mommy niya habang kumakain sa kusina.
“Mom, dadalawin ko po muna si Susie sa kanila. At para mkausap ko na din po si Tito Alfaro” sagot ni Ryan.
“At kailan mo naman balak puntahan ang kompanya?” tanong ulit ng ginang.
“Maybe next week Mom” ani ni Ryan at ngumiti sa ina.
“Ako na po ang bahala sa kompanya. Dont worry to much, just relax Mom. Ang wrinkles mo dumadami sa kakaisip mo” dugtong na biro nito sa ina.
Una sa plano niya ang kausapin ang Daddy ni Susie. Para magpaliwanag at humingi ng tawad sa mga nagawa ng Kuya niya. Alam niya na galit si Mr. Alfaro sa kanila dahil sa nangyari. Saka niya gagawin ang mga kailangan niyang asikasuhin sa kompanya.
Wala na siyang ibang inisip kung hindi ang makita at makausap si Susie. Hindi na nawala sa sistema niya ang mga magagandang mga mata nito. Na parang nagpapahiwatig ng sobrang emotion na hindi mo malalaman. Gusto na niyang sabihin dito ang nararamdaman para sa dalaga.
“Okay Ryan. But make sure na maayos mong maipapaliwanag ang mga nangyari sa mag asawang Amarigo” wika ni Mrs. Reina. Nababahala ang Ginang sa magiging resulta ng paghihiwalay nina Raven at Susie.
Matalik na magkaibigan ang Ama nina Raven at Ryan sa Daddy ni Susie. Baka dahil sa nangyari ay mawala ang pagkakaibigan ng pamilya Buenaventura at pamilya Amarigo. Malaki din ang utang na loob nila sa mga Amarigo, dahil sa kanila bumangon ulit ang kompanyang itinayo ng namayapang asawa.
“Nag aala lang ako Anak. Alam mo naman na matalik na magkaibigan ng Daddy mo at Daddy ni Susie” dugtong nitong sabi kay Ryan.
Tumayo si Ryan at lumapit sa Mommy niya. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. Iniiwasan lang ni Mrs Reina na makaalitan ang pamilya Amarigo.
“Dont worry Mom. Relax. Ako na pong bahala” sagot nito sa ina na sinisigurado na walang mangyayaring away sa pagitan ng pamilya Buenaventura at pamilya Amarigo.
Amarigo Residence
“Mommy, ready na ba ang mga maleta niyo ni Susie” tanong nito sa asawa....


Ito ang kauna unahan pagkakataong magkakahiwalay silang mag asawa simula ng ikinasal.
“Yes Daddy. Naayos ko na lahat kanina. Naicheck ko na din ang passport namin ni Susie at ung mga gamot ni Susie” sagot nito sa asawa. Na tiningnan pa ang bag para icheck ang passport nila ni Susie.
“Si Susie pala?” tanong ni Mr. Alfaro at hinanap ng mata ang anak.
I”m here Daddy” sagot ni Susie sa ama na naglalakad palapit sa mga magulang.
“Are you ready, Hija? Baka may nakalimutan ka pa sa mga gamit mo?” tanong ni Mrs Regina.
“I’m ready Mommy. Wala na po akong nakalimutan saka sandali lang naman tayo doon sa resort” sagot ni Susie.
Nagkatinginan ang mag asawa. Ang akala kasi ni Susie ay one week lang sila doon sa resort. Naiplano na nila na doon muna pansamantala si Susie hanggang sa mawala na ang depression at anxiety nito. At para masigurong hindi na makikita ang anak nila sa kahit na sino sa mga Buenaventura.
They want the best for their daughter and they know it will be the best thing to protect Susie. Ang ilayo si Susie sa mga Buenaventura. Dahil ayaw na nilang makitang nasasaktan at nahihirapan pa ang anak.
Somewhere in Palawan
After ng isang araw na biyahe ay nakarating na ang mag ina sa Palawan kasama ang private nurse ni Susie na si Minda.
Sa una ay kinakabahan pa si Susie na tumapak sa Ninoy Aquino International Airpot, sa huli ay naisip niya na masyadong malaki ang Pilipinas para makasalubong si Raven.
“Maligayang pagbabalik Ma’am Regina at Ma’am Susie” masayang bati ng pamilya ni Mang Nestor
“Salamat Mang Nestor” nakangiting wika ni Mrs. Regina sa caretaker ng kanilang private resort.
“Mang Nestor paki kuha na lang po ng mga maleta ko at dalhin sa kuwarto ko” dugtong na utos ni Mrs. Regina sa katiwala ng resort.
“Okay po Ma’am” sagot ni Mang Nestor.
“Mang Nestor, ito po pala si Minda ang private nurse ni Susie. Paki hatid na lang po siya sa kuwarto nila ni Susie” pakilala ng ginang kay Minda. Umalis na ang katiwala na si Mang Nestor kasama si Minda.
Nagpalinga linga si Susie sa buong paligid ng resort. Namangha siya sa mga nakikita ng ganda ng buong resort. May isang malaking bahay, mga cottage na malapit sa dagat, ang mga bundok sa gilid ng dagat at ang kulay asul na kulay ng dagat.
“Mukhang mag eenjoy ako dito!” masiglang sabi ni Susie sa sarili.
—————————————————
Malapit ng magkita sina Susie ay Ryan. Siguro mga 3 Chapter paπŸ˜‚βœŒοΈ
Abangan niyo po ang pagkikita nilaπŸ’“
Happy readingπŸ’“πŸ’“πŸ’“






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top