Parker’s Point of View:
Pinagmasdan kung mabuti ang inosenteng mukha ni Jasmin. Di ko akalain na magawa niya ang bagay na’yon….pero may parang kakaiba sa kanya.
Dinala ko kasi siya dito sa secret house ko kung saan ako lang ang nakakaalam. Nag-iingat lang kasi ako baka masundan ako sa mga tauhan ni Valdemoria. Ilang araw na kasing pinamanmanan niya ako sa mga tauhan niya…pero alam ko yun di ko lang pinahalata.
Isang mapanganib na tao si Crisanto Valdemoria, di niya pinapalampas kapag may kailangan siyang gawin sa’yo.
Alam ko ring pinamanmanan rin niya si Jasmin ewan ko lang sa babaeng ‘to baka di niya naramdaman na may sumusunod sa kanya.
Iniisip ko parin ang nangyari kagabi…parang di ako makapaniwala kung si Jasmin ba yun. Hindi ko alam kung bakit ang bilis nang kanyang mga galaw.
[Flashback…..]
“Rosales! Asan kana?!” sigaw ko baka marinig niya ako. Marami kasing mga taong nagsitakbuhan…may nabunggo narin ako pero binalewala ko na’yun.
Asan na ba yung babae na yun?
Natigil ako sa isang pasilyo nang may narinig akong pagdaing…sunod-sunod ito.
Kahit di ko makita ang paligid..naramdaman kong may kaguluhan dito. At ang masaklap pa, parang may naaninag akong mukha.. parang si Jasmin… Baka nagkakamali lang ako..napakabilis gumalaw ang mga kamay niya.
Nagpatuloy parin ako sa paglakad hanggang sa lumiwanag ang paligid…..
Natulala ako sa nakita ko…di ako makapaniwala….si Jasmin…ba’t…anong nangyari?
Kinusot ko ang mga mata ko baka namamalikmata ako o di kaya na nanaginip lang ako sa nakita ko…
Ilang ulit kong kinusot ang mga...