πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝕋𝔼ℕ ✍︎


“NAKU lagot ka, bumalik na pala si Rain mo.”
“Bahala na siya kung anong gusto niyang gawin, wala rin naman akong magagawa laban sa kanya, eh.” sabi ni Claire habang inaayos ang mga gamit niya sa bag.
“Basta pag inaway ka ng ulan na yon, ipagtatanggol talaga kita.” sabi ni Lara at inakbayan pa siya.
Umiling si Claire. “Wag na Lara, baka madamay ka pa eh.” Tumayo na siya.
“Guwapo si Mark at mabait, si Rain hinayupak pero siya pa rin ang manok ko. Sana magkatuluyan kayo. Go Rain!”
“Ano bang pinagsasabi mo? Patay na patay yun kay Angenica, no!?”
Bumungad sa kanya ang mga text messages and calls ni Mark. Binasa niya ang text messages.
π™΅πšπ™Ύπ™Ό: π™Όπ™°πšπ™Ί
π™ΆπšŠπš•πšŠ 𝚝𝚊𝚒𝚘 π™²πš•πšŠπš’πš›πšŽ, πš πšŠπš•πšŠ πš”πšŠ πš—πšŠπš–πšŠπš—πš πš™πšŠπšœπš˜πš” πš—πšπšŠπš’πš˜πš— πšπš’πš‹πšŠ?
Napahawak siya sa baba niya.
πŸ’­ May part-time ako mamaya, pero hindi naman siguro kami matatagalan, nightshift ako ngayon, eh.
Nireplayan niya si Mark.
π™΅πšπ™Ύπ™Ό: π™²π™»π™°π™Έπšπ™΄
π™Ύπš”πšŠπš’ 😊
Nagpalit siya ng damit. At ilang minuto ay tumawag ito sakanya.
🀳 Hello, cutie?
Napasimangot si Claire.
🀳 Anong cutie ka diyan? Sapakin kita diyan, eh!
Tinawanan lang siya ni Mark.
🀳 Nandito ako sa labas. Baka gusto mong lumabas diyan sa lungga mo. Kanina pa ako naghihintay.
🀳 Oo na, lalabas na!
Habang tumatagal mas nagiging close sila ni Mark, sa sobrang comportable nila sa isa’t isa nakakapag-asaran na sila na para bang matagal na silang magkatropa.
‼️ You’re not allowed to smile and laugh with some f*cktard, your not allowed to flirt or date anybody! ‼️
πŸ’­ Bakit ko naman siya susundin? Sino ba siya? Kahit naman sundin ku siya galit pa rin siya sakin. πŸ’­
“Uy, Mark!” 😊
“Ang pangit mo naman sa umaga.” natatawang sabi ni Mark at kinurot ang kanyang ilong. Hinampas ni Claire ang kamay niya.
“Mas pangit ka sa umaga.” nagtawanan sila at sabay na naglakad.
“Bumalik na raw si Rain?”
“Oo, pinuntahan nga niya ako kahapon.” Ewan ba niya, komportable siya kay Mark sa pagsabi ng mga problema.
“Ano? May sinabi o may ginawa ba siyang masama sayo?”
“Wala naman, pero siguro mas dapat akong maghanda kasi mas galit siya ngayon.”
Tinapik siya ni Mark sa braso. “Ililibre kita mamaya, 2:30 naman tapos ng klase mo diba?”
“Talaga? Sure yan ha?!.” natutuwang hinampas niya sa balikat si Mark at inakbayan kahit mas matangkad ito sa kanya.
Nagpaalam na si Mark na papasok na sa klase. Siya naman ay nagtungo din sa klase niya.
Nagtaka si Claire na sakanya nakatingin lahat ng kaklase niya. Napailing nalang siya at hindi na pinansin.
Uupo na sana siya nang mapansin na nakaupo si Rain sa katabi ng upuan niya. Napatingin sakanya si Rain.
“Go buy some coffee for me.” malamig na sabi niya kay Claire habang nakatingin.
“Rain, baka mamaya na lang. 5minutes nalang maguumpisa na ang klase. Ayokong ma late——–”
“Ayaw mong sumunod?” putol niya sa sinasabi ni Claire.
Nakakatakot. “Ito na nga eh, ilalagay ko lang ang bag ko sa upuan.” Huminga siya nang malalim, tatakbuhin nalang niya para hindi siya ma-late.
Inabutan siya ng isang libo. At naalangan pang kinuha niya yon.
“Hey loser, buy me a coffee too.” sabi ng isa niyang kaklase.
Napatingin siya kay Rain na tila nagpapaalam kung papayag ba siya. Tumango lang siya at ibinaling ang tingin sa cellphone.
Nakaramdam siya ng lungkot, dati sabi ni Rain siya lang may karapatan na magpahirap pero ngayon…….
Mayamaya isa isa na siyang inutusan na bumili ng kape.. Napakamot siya sa batok. Paano kaya niya dadalhin lahat ng yon?
“By the way…..”
Napalingon siya kay Rain na muling nagsalita. “Sa labas ka bumili ng kape.”
“Sa labas? Bawal na lumabas eh, pwede sa canteen na lang? Masarap naman yung ka——-” napatigil siya sa pagsasalita ng tumingin sa kanya si Rain ng masama.
Napabuntong-hininga nalang siya. “Okay Sige” Lumabas na siya ng room.
Lakad takbo ang ginawa ni...


Claire. Magpapaliwanag nalang siya sa kanilang proof, alam naman siguro nito na bully si Rain at baka palagpasin niya lang.
“Bawal na lumabas, ineng.” sabi ng school guard.
“Kuya, kailangang kailangan ko lang po talagang lumabas. Please po.”
Napabuntong-hininga nalang ang school guard . “Okay basta bilisan mo ha? Ako malilintikan nito.”
Napangiti si Claire. “Salamat po.”
Agad siyang pumasok at umorder ng 35cups na kape. Umupo siya sa upuan at iniisip kung paano bibitbitin niya ang ganung kadaming kape.
“Maam ito na po yung order niyo.”
Mga sampung paper bag yata ang dala ni kuya. Napabuntong hininga siya na binitbit lahat kahit nahihirapan.
“Kuya…..” kinakabahang sabi niya. Napabuntong hininga ang school guard at parang naawa sakanya.
“Kay Sir Rain ba yan? Sige, pasok ka na.” Nagpasalamat siya at pumasok kaagad.
Kinakabahan siya habang papunta sa room nila. Hinihingal na tumigil siya at masakit na ang mga braso.
Naabutan niyang nagkaklase na ang prof nila. Napatingin sakanya at napatigil.
“S-Sorry po.”
Napatingin ang prof sa mga bitbit niya. Tumango nalang ito at pinagpatuloy ang pagsusulat sa white board.
Nakatingin lang sa kanya yung mga kaklase niya na walang balak na tulungan siya. Ano ba ang mapapala niya sa mga richkid na to.
Inabot niya kay Rain ang isang kape. Napakunot noo pa ito ng kuhanin niya.
“Hindi na mainit, ayoko nito.” masungit na sabi.
“Ayoko na rin niyan.” sabi ng isa niyang kaklase. Hanggang sa silang lahat ay ayaw ng magkape.
“Napakadami nito, aanhin ko naman lahat yan?” mahinang sambit niya na pinipigilan ilabas ang inis.
Binuksan ni Rain ang kape niya. Natigilan si Claire nang hablutin ang kanyang bag mula sa upuan at inilapag sa sahig.
Napaawang ang labi ni Claire nang ibinuhos ito sa kanyang bag. Buti nalang nasa bulsa niya ang kanyang wallet at cellphone. Baka maloka na siya pag pati yon madamay.
Kumuha pa si Rain ng isang kape at ibinuhos sa ulo niya. Napapitlag siya, hindi na nga gaanong mainit ang kape.
“Everyone, get your coffee.” utos ni Rain. Naglapitan naman ang mga kaklase niya at kinuha ang mga kape.
Isa isang pinagbubuhos sa bag niya at sakanya ang kape. Sobrang lagkit at makalat ang room dahil sa mga paper cups at kapeng nagkalat sa sahig.
Naglabasan na rin sila pagkatapos ng klase. Naiwan si Rain na malamig na nakatitig sa kanya. Umiwas siya ng tingin.
Napapitlag siya ng sipain ni Rain ang bag niya palabas ng room. Tumalsik at tumama sa pader, Naglabasan ang mga gamit niya.
Naiwan na lang siyang mag isa sa room na hindi man lang nakokonsensiya. Halos gumapang na siya patungo sa bag niya at kinuha ang mga laman.
Napatingin sakanya ang prof nila na tila naaawa peru walang magagawa.
“Linisin mo ang lahat ng to, Ms. Ramos.” sabi nito at lumabas na rin ng room.
Napatingala na lang siya para pigilin ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
“W-Wag kang iiyak Claire, wag sa harapan nila.” Sabi niya sa sarili na pinipigilan ang mga luha.
Kahit nanghihina pa siya ay pinilit niya ang sariling tumayo para linisin ang room. Sobrang napagod siya at binitbit palabas ng room ang kanyang bag.
Pinagtitinginan siya ng mga estudyante habang naglalakad. Hindi nalang niya pinansin ang mga bulungan nito na masakit sa damdamin.
“Claire! Diyos ko anong nangyari sayo?!” agad siyang nilapitan ni Lara nang makita siya.
Tipid na ngumiti lang si Claire. “W-Wala lang to. Nadulas lang ako.” pagdadahilan niya.
“Alam kong hindi Claire……. si Rain ba ang gumawa nito?” seryosong tanong niya.
Napaiwas na lang siya ng tingin.
“Nakakainis siya! Nako nasaan na ba ang ulan na yon nang mapatay ko siya!” akmang susugod si Lara kung nasaan man si Rain pero agad niya hinawakan ito sa braso.
“Okay lang talaga ako Lara.”
Napabuntong-hininga na lang siya sa sinabi niya.
Kanina pa niyang gustong umiyak pero ayaw niyang magmukhang mahina. Nagsisimula palang si Rain at iiyak na agad siya






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top