I’M THE MASTER OF THE CEO CHAPTER 7


(AYA POV)
+ nasa bahay ako katatapos lang maligo, its been 2 days since nung huli kong bisita sa Hospital, ewan ko ba pero ayaw akong payagan ni Primo na bumyahe ng bumyahe, ayoko lang talaga ng gantong atensyon, I mean yung protection kahit alam kong kaya ko na. Kasi naman, If all I want is attention, pwede ko naman ipagsigawan sa buong mundo, na I am a CEO of such a big and Worldwide Agency, pero hindi eh, hindi ako takot sa responsibility, pero takot ako sa lungkot. Nakita ko kung gano naging desperado, mabaliw at umiyak mag isa si Troy nung na bankrupt yung dati nyang Agency. Nakatingin lang ako sa salamin habang nagsusuklay ng buhok. Mas naiisip ko ngayun yung mag ina na biktima din ng aksidente. Iniisip ko kung ano mas dapat gawin ng walang nasasaktan. Kinuha ko ang cellphone ko at may dinial.
Aya- Edward?
[ Yes Maam ]
Aya- I need you to do something.
[ Anything Maam ]
Aya- check for someones background information, report everything to me, I’ll send you the name.
[ Copy ]
+ Contact namin ni Troy si Edward outside Agency, alam nyo na to run errands na may kinalaman sa stakeholders. Tumayo nako at magbibihis, bukas na kasi mag reresume ang taping nila Primo, umoo narin sya, kaya ako muna ang magbabantay kay Sir Luis, pero sasamahan ko muna sya bukas papuntang set para lang masigurado na okay sya, nag aalala rin kasi ako sa fans na hindi pa alam ang tunay na nangyare. Sa ngayun may lakad ako, makikipag kita ako kay Steff, para lang makapag bonding. After ko magbihis ay lumabas nako. Wala nadin kasi si Troy ngayun pero, lagi sya tumatawag para mangamusta, lagi din syang nagngangata kaya minsan tinatawanan ko na lang. Lumabas nako ng bahay at pumara ng taxi papunta sa coffee shop na sinabi ni Steff, pagdating ko dun, nandun na sya, nasa counter.
Aya- Steff.
Steff- huuuyy, wait lang ha.
+ tumango na lang ako at humanap ng mauupuan, maya maya dumating na sya na may dalang maiinom.
Steff- kamusta ka na?
Aya- Okay lang naman. Ikaw?
Steff- heto, nakakapag pahinga kahit papa ano, hindi naman sa gusto ko yung pagka postponed ng taping pero, narealize ko kaylangan ko pala ng pahingang to haha.
Aya- oo nga eh.
Steff- atsaka, nawala na rin yung video na kumalat tungkol kay Primo at sa matanda, pero alam mo naman ang mga tao ngayun, mabagal mag moveon. Sana sa resume ng taping bukas, okay na uli.
Aya- sana nga. Salamat ha, ngayun lang uli ako nakalabas ng ganto ih.
Steff- ikaw kasi puro ka trabaho ih, puro ka sunod kay Sir Primo, baka magkatuluyan kayo nyan.
+ nasamid ako ng dabihin nya yun.
Aya- ano bang sinasabi mo dyan?!
Steff- joke lang naman, well kasi matagal ka na din sa kanya tapos minsan komportable pa kayo mag usap, kaya naisip ko lang.
Aya- wag mo na isipin.
Steff- sabagay sino ba naman tayo diba? Mga hamak na empleyado na nagpapaka buhay para sa sweldo..
+ natatawa ako sa kanya, para syang nagdadasal.
Aya- umayos ka nga.
Steff- sya nga pala, magkakilala ba kayo ni Allissa, yung sikat na Model?
Aya- ha? Hindi eh. Bakit?
Steff- kahapon kasi bumisita sya kay derek, sakto nasa office nya din ako, narinig kong tinatanong nya si derek tungkol sayo, hindi ko lang alam kung ano yun.
+ bakit naman nya ipagtatanong ang tungkol sakin?
Steff- ikaw ha, sana all kinikilala ng sikat. Baka gusto ka rin nya kunin bilang PA haha.
Aya- baliw
+ pero napaisip ako sa sinabi nya, bat naman nyako ipagtatanong sa iba kung pwede naman nyako kausapin mismo.
Steff- wag na nga natin isipin, ang ayoko sa lahat yung isip ng isip. Ubusin na natin to tapos maglakad lakad tayo ha.
Aya- sige.
+ ang dami nyang kwento, nakakatuwa kasi masaya sya kasama, mayat maya naman may nagtetext sa cp ko, kaya paglabas namin ng coffee shop chineck ko muna. Halos malaglag ang panga ko ng mabasa ko ang mga text ni Primo. ” Kumain ka na ba? ” ” kain ka na ha” ” magpahinga ka ng ayos” “see you later” !!!!!!
Aya- Ano ba ito!!!!!!!!
Steff- ay! O bakit?
+ tsaka ko lang naalala, katabi ko nga pala si Steff.
Steff- ano yun?
Aya- W-wala hehe.
Steff- nakakagulat ka naman.
Aya- sorry, tayo na? Hehe.
Steff- okay lets go.
+ panay ang text nya kung no daw ang ginagawa ko. Nanlalaki na lang talaga ang mata ko. Pano nya nagagawang mag text ng mga ganto, teenager ba sya?!!!!
Steff- Aya! halika may ipapakita ako sayo.
Aya- ha? Ahh sige sige.
+ lumapit nako sa kanya. Tinuro nya sakin yung isang massage chair.
Steff- alam mo ba, pangarap ko makabili nyan..
Aya- Hm?
Steff- oo, lagi ko nakikita yan sa facebook eh, nahihili nga ko sa iba eh. Alam mo kapag talaga kaya na ng ipon ko, tapos napatapos ko na ang kapatid ko, bibilhin ko agad yan.
Aya- kamusta nga pala ang kapatid mo?
Steff- ayun, after nito, isang taon na lang gagraduate na sya.
Aya- mabuti naman kung ganun.
Steff- buti na lang talaga matyaga sya. Ako kasi hahahahha alam mo na.
Aya- haha ganun talaga, pero wala ka pa naman asawa eh, kaya kayang kaya mo pa yan.
Steff- hm, minsan naiisip ko na lang na maghanap ng 4M eh.
Aya- 4M?
Steff- Matandang Mayamang Madaling Mamatay.
Aya- ahahahha, baliw ka.
Steff- haha praktikal diba?
Aya- hahaha sabagay, ewan ko sayo Steff.
Steff- hay naku, pasasaan pa at makakaraos din tayo. Ikaw ba? Ano bang tinapos mo?
Aya- ha?
Steff- I mean, nag college ka pa ba?
+ shems bat napunta sakin?
Aya- uhmm, Steff.
Steff- oh?
Aya- gusto mo try natin yung Massage chair.
Steff- eh? Sure ka? Sige sige taraaaaa!!
+ excited na excited sya, papasok na sana kami ng biglang mag ring ang phone ko, pagtingin ko, muntik ko ng mabitawan ang phone ko, Si Primo na naman, akala ko ba pag papahingahin nyako!!!!
Aya- ahh Steff, sandali lang ha.
+ pinauna ko na sya pumasok sa loob ng shop at sinagot ang tawag.
Aya- Sir!!
Primo- Aya!!! Bat di ka nagrereply?
+ nakakakilabot naman kasing mag reply dun.
Aya-may kaylangan po ba kayo?
Primo- nasan ka?
Aya- uhm, kasama ko si Steff, lumabas kami saglit.
Primo- diba sabi ko magpahinga ka.
Aya- Sir naman, 2 days nakong nagpapahinga, ayoko nyo naman ako papuntahin sa ospital, sabi mo wag nako muna pumunta sa condo nyo para maglinis. Kaya eto na lang.
Primo- sumasagot ka na?
+ tsk!!!!
Primo- bat ka nagagalit?
Aya- hindi po, hindi ako galit Sir. Naka ngiti nga ako ih. Bakit nga po ba kayo tumawag Sir!
Primo- wala lang.
+ dyuskoooo!!!!...


Kampon ka ba?
Aya- ahhh, edi okay na po tayo?
Primo- San kayo pumunta?
+ ngali ngali kong ibato ang phone ko, buti na lang napansin kong nakatanaw si Steff. Hayssss.
Aya- dito lang naman po around Plaza pooo.
Primo- update mo sakin kung san kayo pumupunta.
+ napabuntong hininga na lang ako.
Aya- okayyyy poooo.
+ tapos binaba na nya. Ano bang trip nun! Napakamot na lang ako ng ulo. Maya maya pumasok nadin ako sa loob.
Steff- okay ka lang?
Aya- oo naman.
Steff- hinahanap ka na ng boss mo?
Aya- hindi ha, uhm may sinabi lang.
Steff- ahh okki, halika na.
+ halos maghapon ata kaming nag ikot ni Steff, nakakatuwa kasi energetic sya, ibubuhos nya na daw kasi lahat dahil bukas trabaho na uli, mag aalas sais na din ng gabi at kaylangan na namin mag hiwalay.
Steff- Ayaaa sobrang thank you dito sa pa doughnut mo ha.
Aya- oo naman, sabihin mo sa kapatid mo, damihan ang kain okay?
Steff- ikaw talaga, sure ka, may pera ka pa ha.
Aya- hahaha oo naman. Ingat ka pauwe.
Steff- pano ka?
Aya- uhm, lalakad pako papuntang sakayan ng papunta sa bahay eh. Wag ka mag alala malapit lang yun.
Steff- o sige, text moko pag nakauwe ka na ha.
Aya- okay.
Steff- byeee.
+ nag babye nalang din ako sa kanya, naglakad lakad muna ako, tsaka nako sasakay pag malayo layo na ang taxi na sinakyan nya. Hayyy, ang sarap pala talaga ng buhay pag ordinaryo, maeenjoy mo ang mga simpleng bagay, tulad na lamang ng paglalakad lakad dito. Tumigil muna ako sa gilid ng kalsada, hindi para pumara ng taxi, tanaw kasi dito ang building ng Zentro, parang dati lang, isang maliit na agency lang to, nakakatuwang pagmasdan na sobrang laking building na nito. Hayyy kelan kaya ako ulit makakaramdam ng ganto. Alam ko kasing bukas, laban na uli. Papara na sana ako ng b oh glang may humila sa kwelyo ko mula sa likod, kaya nagulat ako at humarap dito. Nanlaki ang mata ko ng ibaba nya ng bahagya ang black facemask nya, naka sumbrelo din sya.
Aya- Sir! Anong ginagawa mo dito?
Primo- Ssshhh! Bakit? Bawal na ba ako lumabas.
Aya- I mean, si Sir Luis po? Kamusta?
Primo- hindi parin gumigising pero sa ngayun stable na g breathing nya.
+ napahinga ako ng maluwag.
Aya- buti naman po kung ganun. Pero bat nga ba nandito ka?
Primo- hindi ka pa naman kumakain diba?
Aya- ahh, nag meryenda pero dinner, hindi pa.
Primo- good, pero samahan mo muna ako.
Aya- saan?
Primo- basta.
+ hinila na nyako. Pero bigla uli sya tumigil.
Primo- oo nga pala.
+ kinuha nya ang isang mask sa bulsa nya at iniabot sakin.
Primo- suutin mo yan.
Aya- hindi na po kaylangan.
Primo- basta suutin mo.
+ ano pa ba magagawa ko? Kinuha ko na at sinuot. Naglakad na kami, tas tumigil sa tapat ng department Store.
Aya- Mag gogrocery ka Sir?
Primo- oo sana.
Aya- Seryoso ba?
+ hinila na nyako sa loob, buti na lang hindi sya masyado nakikilala ng mga tao, hay ako ang kinakabahan. Kumuha sya ng cart.
Primo- tulak mo.
+ ako pa talaga ih.
Aya- bat nyo naman po naisipang mag grocery?
Primo- ramdam ko kasing magigising na si Daddy, gusto ko sakin na muna sya tumira habang nagpapagaling sya, kaya bibili na agad ako ng mga kakaylanganin nya.
Aya- ahhh.
Primo- kaso hindi ko alam kung san ako magsisimula.
Aya- problema ba yun? Ako bahala Sir.
+ nginitian ko sya at hinila sa mga Mens ware, alam ko kasi na mas gusto ng mga kaedadan ni Sir Luis yung mag komportableng damit, kaya pinamili ko sya dun. Ako naman pumunta sa mga sapatos, pero hindi sapatos ang kinuha ko, mga pambahay na tsinelas. Hirap na hirap pa sya pumili ng damit, palibhasa asa sa stylist hayss, pinatigil ko sya at pinasunod na lang sakin.
Primo- tingin, magugustuhan kaya ni Daddy yan?
Aya- oo naman. Trust me Sir.
Primo- sabi mo eh. Hinila nyako sa mga kumot at unan na part, hindi naman ako ready na pati pala to bibilhin na nya. Namili na nga sya dun, pagtapos ay mga pagkain naman, gusto nya daw hindi mauubusan ang daddy nya ng makukuhang pagkain sa ref. Hindi man sya close sa mommy nya, ganto naman nya kamahal ang daddy nya. Sa dami ng kinuha nya, pinakiusap ko na lang kung pwedeng pa diver na lang lahat at pumayag naman ang cashier, kukunin ko na sana ang wallet ng pigilan nyako mula sa likod at iniabot ang wallet nya. After namin magbayad lumabas na kami habang may kinakain na ice cream haha.
Primo- para kang sira.
Aya- po? bakit? Ano na naman?
Primo- ikaw talaga ang magbabayad ng mga pinamili? Bakit? Millionarya ka ba? That 8000 pesos hoy.
+ muntik nako masamid, oo nga pala, bat nga ba ako bubunot sana ng pera.
Aya- ahh sorry nasanay lang ako kasi nag gogrocerry din ako eh.
Primo- sus.
+Ng maubos na ang ice cream, naglakad lakad na lang muna kami, dahan dahan lang, ineenjoy ang mga nakikita, parang kanina lang mag isa ako. Tahimik lang kami ng maramdaman kong inaabot nya ng kamay nya ang kamay ko kaya napatingin ako, sa daan parin sya nakatingin, maya maya hinawakan nya na ito. Napansin ko pang sumingkit ang mata nya, siguro ngumingiti to. Ako di na mapakali dito tapos sya pangiti ngiti lang? Yan na naman yang pusong yan, baka mamaya magpawis ang kamay, nakakahiya. Maya maya tumigil kami, humarap sya sakin, namulsa at yumuko ng bahagya. Nakatitig lang sya sakin.
Primo- Aya, para sayo ano yung kiss na nangyare satin.
+ napatikom ang mga kamay ko, ano bang klaseng tanong yan?
Aya- a-ahh, yangggg, e-ewan ko po sayo.
+ ibinaba nya ang mask nya.
Primo- kapag ba sinabi kong hindi lang yun dahil sa nabigla at nag aalala ako, magegets mo?
+ lalong bumilis ang tibok, hindi naman ako tanga kaya alam ko ang gusto nyang sabihin, pero natatameme na lang talaga ako. Hindi ko alam ang isasagot. Maya maya, pinitik nya ko sa noo.
Aya- aw!!
+ tumayo na uli sya ng tuwid.
Primo- Wag ka mag alala, sanay akong maghintay sa set, kaya mahihintay rin kita kung kelan mo magegets.
+ kelan pa sya naging ganto ka straight forward?
Primo- gutom nako.
Aya- ahh oo nga pala, maghanap na lang po tayo ng makakainan.
Primo- may pagkain ka ba sa inyo?
Aya- uhm, opo.
Primo- good, sa inyo na lang tayo kumain, para malaman ko naman kung san ka nakatira.
+ para akong nakuryente sa sinabi nya. PATAY!!! HINDI PWEDE SHIII**** ANONG GAGAWIN KO.
Primo- dyan ka lang, kukunin ko ang kotse.
+ AYAAAA!!!! UMISIP KA NG PARAAN, HINDI SYA PWEDENG MAKARATING SA BAHAY!!!
Itutuloy…..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top