THE CHUBBY NERD REVENGE – CHAPTER 2


Napatigil ako sa pag-tanaw sa labas ng bintana ng tumahimik ang silid. Taka naman ang dumaloy sa itsura ko at napatingin sa harapan.
Wala na ron ang bagong transfer. Kung ganon nasaan na siya?
Kumuno’t ang kilay ko ng mapansin na nasa akin ang tingin ng mga kaklase ko. Kasama na roon ang bubuyog na si Samantha na sobrang tulis ng tingin saakin.
Attitude ka gurl?
Napaatras naman ako at napa-hawak sa aking dibdib ng may gumalaw sa kanang gawi ko na bakanteng upuan. Kahit ganto ako na matabang nerdy binayayan naman ako ng hinaharap na mala pakwan sa sobrang laki!
Napatingin ako sa kanang gawi ko ng may nakalumbaba sa arm chair habang nakapikit ang kanyang mata. Ang pilik mata nitong mahaba at makapal na daig pa sakin sa sobrang nipis. Ang labi nitong kulay pula na daig pa ang kulay pulang rosas. Ang ilog nitong sobrang tangos. Ang masasabi ko lang ay sobrang perpekto ng binata.
Samantalang ako ang makulot kong buhok na parang hindi sinuklayan ng ilang taon. Totoo naman. Dry kong lips, pimples, ance, at mala refrigenator kong katawan.
Nang umulan ng kapangitan nasalo ko lahat!
Nabalik ako sa ulirat ng mapansin may tumutulong tubig sa gilid ng bibig ko. Pinusanan ko naman. Napangiwi ako ng amuyin ko ito. Amoy panis na laway. Sabagay ilang linggo na akong hindi nag-sisilyo.
“Are you done checking me?” malamig na boses na nakakataas ng balahibo.
Nanlakihan naman ang mata ko na napatingin sa bagong transfer na si Zyruz Ferrer. “Aa-hh, aa-ano.” nauutal na sabi ko dahil wala akong marason.
Ngumisi lang ito sa’kin saka muling bumalik sa pag-kalumbaba sa arm chair. Tila parang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang kumakarera sa sobrang bilis.
Napa-iling ako ng ulo at mahinang sinampal ang mala siopao kong pisngi. At muling humarap sa black board ngunit, bumungad sakin ang nakakapasong tingin ng mga babaeng kaklase ko.
Kanina pa ‘tong mga ‘toh. Dukutin ko mga mata ninyo e. Sabay kain. Nagugutom pa naman ako!
Nag-umpisa na ang discussion pero ang utak ko ay nasa ibang kalawakan at nag-iimagine ng mga pag-kain. Nagugutom ako! ang tagal mag-discuss ni Ma’am Vam. Kanina pa kumukulo ang buwaya kong sikmura.
Itong katabi ko nakalumbaba lang sa arm chair. Na ginawang tulugan ang paaralan. Mabuti na hindi siya nakikita ni Ma’amm Vam. Paniguradong pag-lilinisin kasa buong school.
Ilang mga oras bago matapos ang lecture ni Ma’am Vam. Nag-sitayuan na kaming lahat at binitbit ang kanya-kanyang bag namin.
Pumunta si Nicolas sa dereksyon ko. At malangkit ang mata nitong naka-tingin kay Zyruz. Para-paraan din ang beki!
“Tea, tara libre kita.” pag-bubungad ni Nicolas. Lumawak naman ang sumilalay saaking labi.
Ilang beses akong tumango. “Sige! sabi mo yan ah. Limang ice-cream, fried chicken, kamote, banana, at tatlong coke!” masayang sabi ko kay Nicolas.
Ngunit, wala atang narining ang gaga. Hindi nasa akin ang tingin niya kundi na kay Zyruz. Pati na rin ang iba naming kaklase ay nag-silapitan sa pwesto nito.
“Ilang taon mo na?”
“May jowa kana?”
“Free ako ngayon, sa kubuhan tayo.”
“Wala akong jowa.”
Ilan-ilang sambit nila. Punyawa, hindi naman halatang malanding mga haliparot mga babae rito noh?
Hinablot ko naman ang kaliwang pulsuhan ni Nicolas ng napansin kung mag-tatangkang rin itong gumaya sa iba.
Nilakihan ako ni Nicolas ng mata. “Gaga, bakit?” mahinag...


sabi nito, sapat na upang marining ko.
“Kung pupunta ka ron. Baka mahalatang beki ka.” mahinang bulong ko rin sakanya.
Tinaasan lang ako nito ng kilay. “Okay fine, buti na lang malakas ka sakin.” walang magawang sambit nito sa’kin.
“Baka nakakalimutan mo, si kuya Choco.” pang-aasar ko sakanya. Ang beki mabilis akong hinila papalabas sa room.
“Nag-taksil ako sa asawa ko!” problemadong saad ni Nicolas at maarteng nag-paypay ng palad niya sakanyang mukha.
Mahinang napatawa ako. “Libre mo.” pag-papaala ko sa sinabi nitong ililibre nito ako ng PAGKAIN.
“Mamaya na Tea, puntahan muna natin si Chocolate ko.” malanding sabi ni Nicolas na tinutukoy si kuya Choco.
“Hindi siya pumasok, nasa bahay siya.” turan ko naman rito.
Wala sigundong bumaling ito sa’kin ng sulyap at nanlalakihan ang mga mata. “May sakit si Chocolate ko?” nag-aalalang sabi nito. “Bakit ngayon mo lang sinabi, Tea?!” dagdag pa niya.
Ibubuka ko sana ang labi ko para sana sabihin na walang sakit si kuya Choco. Tamad lang siya. Kahit first day ng school hindi pumasok. Lakas ng tama niya sa mga taga rito. Isa kasi siyang kilalang hearthrob, siga, kilala sa school. Kahit sa probinsya ay may ganto rin samin. Mukha nga lang tambay sa kanto.
Sa katunayan may itsura si kuya Choco kaya hindi halatang mag-kapatid kami. Siguro ampon ako dahil ang taba-taba ko na pangit!
“Aray!” sigaw ko at napa-upo sa simento. Kanina pa nag-yayari sa’kin toh. May sama ata ng loob sa’kin yung sahig. Bwisit sinong bumanga sa’kin?! aba!
Balak ko namang tumayo ng may sigawan ang nag-yayari sa hallway at mga yapak ng mga pag-takbo na parang may hinabol. Muling bumalik ako sa ganoong posisyon ng maraming sumisapa, bumundol saakin. Tae lang.
“Tumigil ka fafa!”
“Hinantayin mo ako bibe ko Zyruz!”
“Weyt por mee!”
Ang sakit ng katawan ko ron ah! bwisit.
Lumingon naman ako sa gawing likuran ko napansin ko namang may hinabol sila. Kundi si Zyruz na halos kasing bilis ng kabayo ang pag-takbo papalabas sa gate sa mga humabol sakanya na mga hindot.
Grabeh rin ang karisma ng lalaking yun. Grabeh. Pero mas problema ko yung pag-kain.
“Ayos ka lang, Tea?” tanong ni Nicolas.
Sinamaan ko siya ng tingin. Pilit itong ngumingiti at mahinang kinamot ang kanyang batok. “Tulungan mo na lang akong tumayo!” bulway ko kay Nicolas.
Nang maka-tayo na ako ay napansin ko ang todong ngiti sa labi ni Nicolas. “Anyare sayo? mukha kang kambing.” turan ko sakanya.
“Masaya lang ako, dahil may pumalit na sakin kaya malaya na ako!” ngiting tagumpay na saad nito at ibinuka ang kamay sa ere.
“Andito si Nicolas!”
“Bilis andito siya!”
“Fafa!”
Sabay kaming napatingin sa likod namin ng may mga babaeng papunta sa dereksyon namin.
“Bwisit, akala ko malaya na ako!” bakas na inis sa boses ni Nicolas.
Sabay naman kaming tumingin sa isa’t isa.
“Takbo!” sabay naming sigaw at tuluyang tumakbo sa mga humabol kay Nicolas. Nahirapan pa ako dahil sa bigat ng katawan katawan ko sumasabay pa ang pag-talbog ng mga bilbil ko. Hayop.
Ang hirap kapag may kaibagan kang may magagandang perpektong itsura! ang nais ko lang naman kumain ng PAGKAIN pero bakit ganto!

END OF THE CHAPTER 2.
Write by: Binibining Natalia.
: Plagiarism is a Crime mood.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top