THE CHUBBY NERD REVENGE – CHAPTER 3


Walang tigil naman ang pagtakbong ginagawa namin ni Nicolas habang maraming palikong eksinita ang napapapuntahan para lang malayo sa landas ng mga babaeng hindot na haliparot.
Ilang sandali ay napahinto ako sa pagtakbo habang naghahabol hininga. Napalingon naman ako sa likuran ko.
Ganun na lang ang tuwa ko ng malayo na kami. “Sa wakas, nakalayo na rin.” bakas na tuwa sa boses ko.
“Hoy Nicolas! nakalayo na tayo.” turan ko muli. Napakuno’t ang noo ko ng ilang oras na ay wala pa rin akong nataggap na tugon kay Nicolas.
Napatingin ako sa gilid ko. Wala si Nicolas. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Walang Nicolas. Lìntik! iniwan ako ng beking ‘yun!
Napatingin naman ako sa buong paligid. Nakalayo na nga ako. Ngunit, hindi naman ako pamilyar sa lugar na ‘toh ngayon ko lang nakita.
May isang maliit na kubo. Sa tingin ko ay matagal na itong hindi nagagamit dahil na rin sa luma na ang datingan at may nag-tataasang puno sa paligid ko. Sa tingin ko ay nasa gitna ito ng probinsya. Ang layo naman ng narating ko.
Kung sabagay hindi naman ako lumalabas sa bahay kundi nag-lalamon lang ng pagkain.
Napatigil ako sa pagmamasid sa paligid ng maramdaman kong may sumalpok sa akin na paghiga ko sa semento. Na naman. Ang sakit. Literal na masakit. Pútrages.
Napapikit ako at napadaig. “Aray ko!” mahinang bulog ko.
Ngunit, natigalan ako ng maramdamang malambot sa aking ibabang labi at may nakadagan sa aking katawan.
Unti-unting ko naman na iminulat ang mata ko. Halos ganun na lang ang paglaki ng mata ko na nakadagan sa akin ang bagong transfer na si Zyruz. At mas malala pa! magkadikit ang mga labi namin sa isa’t isa.
WAHH! ang first kiss ko
“What the héll.” bakas rin na gulat mata nitong nakatingin sa akin. Nabalik muli ako sa pag-higa sa semento ng itinulak niya ako. Aba ang gentelmen niya grabe.
Siya na nga nagnakaw ng first kiss ko! bwìsit.
Nakatayo na ito habang hindi pa rin mapakaniwala ang itsura sakanya. “Fúck.” singhal ni Zyruz.
Napahawak ako bandang uluhan ko dahil nauntog ito sa semento. At napaagat ng tingin kay Zyruz saka ito masamang tinitigan.
“Magnanakaw!” sigaw ko sakanya. “Ibalik mo! hàyop ka!” dagdag pa na sigaw ko habang may bakas na galit sa aking tono.
Pero inirapan lang ako ni Zyruz at mahinang ginulo nito ang buhok niya saka muling bumaling ng tingin sa akin. “It’s a good thing you’re a fat piggy.” ngisi nitong sambit.
“Ha?” englishero ang magnanakaw na ‘toh! pero anong sinabi niya ng huli? piggy? baboy?
Aangal na sana ako sa sinabi nitong baboy ako. E tao ako. Hindi hàyop! nang mag-salita ulit siya ay ang pagtaas ng isa kong kilay.
“Paniguradong masisira ang napaka-gwapo kong mukha pagnagkataon.” dagdag pa nito na may kayabangan sa boses.
Napatingala ako sa taas. “Woah ang hangin! grabe.” sabi ko sabay kiskis sa braso ko. “Ang hangin talaga. Ang lamig.” dagdag pa na sambit ko.
“What?” turan ni Zyruz.
Bumalik ang tingin ko sakanya saka ito sinamaan ng tingin. Nang pasyahan ko nang tumayo sa pagkasalpok sa semento. Dahil sobrang gentelmen niya. Nahirapan pa ako dahil sa pananakit ng buong katawan ko at sa sobrang bigat pa ng katawan ko.
Nang makatayo ako ay...


masama ko muna itong tinignan. Bago sinimulan ang naisip kong kalokahan. Tinasaan lang ako nito ng kilay.
Ngumiti ako sakanya ng matamis. Sabay takbo papalapit sakanya. At itinaas ang isang paa ko sabay sipa sakanyang ibaba. “YAH!” sigaw ko at naka-ngiting tagumpay.
“Argh!” daig ni Zyruz habang nakahawak sa ibabang pantalon nito na may dinadaig sakit. Literal na masakit.
“Bagay lang sayo yan. Magnanakaw!” bulyaw ko sakanya sabay belat. “Bleh!” sabay takbo papalayo sakanya.
Tinigan ko pa ito sa huling sandali.
Hindi mapinta ang itsura nitong sumulyap sa akin. “Bumalik ka rito baboy!” sigaw nito ngunit, malakas na tawa lang ang nataggap nito sa akin at tuluyan na ngang tumakbo papalayo sakanya.
“Hoy babaeng mataba!”
“Bumalik ka rito! Damnit!”
Huling narining ko ng tuluyan na akong nakalayo sa landas ni Zyruz. Ang saya! sobrang saya ko grabe. Ganto pala ang pakiramdam! Bawi ko na rin sa ginawa nito sa akin kanina. Akala niya ah.

Nasa iskul na ulit ako habang hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa may labi. Pero pag-naalala ko ang first kiss ko ay biglang nawawala ako sa mood. Kàinis.
“Hoy baboy.” sambit ng nasa likuran ko na may kumalbit sa aking batok na pag-lingon ko.
Bumungad sa akin ang bubuyog este si Samantha. “Bakit?” tanong ko sakanya.
“Nakita mo si Zyruz?” tanong nito sa akin. Pigil namang tawa ang ginawa ko ng maalala ang ginawa ko kay Zyruz kanina-kanina lang.
Umiling ako ng ulo. “Hindi.” simpleng sagot ko sa tanong nito.
Tumango ito saka ako inirapan. Biglang tumahimik ang nasa silid kaya tumingin ako sa may harapan.
“Magandang hapon. Maaga kayong uuwi ngayon.” pagbubungad sa amin ng teacher namin.
Malakas na hiyawan ang sumalubong sa lahat. Tumigil rin ng pinalo ni Ma’am Vam ang stick sa black board.
“May camping tayong lahat. Sa bayan kaya magsihanda kayo sa gagamitin ninyo.” sambit nito. Nag-umpisa ng magbulungan ang mga kaklase ko.
“Punta ka bess?”
“Pupunta ako pag-sasama si Nicolas at Zyruz.”
“Ano kayang dadalhin kung damit?”
Mga bulungan ng iba kung kaklase. Habang ako ay tahimik lang sa gilid. Napatingin ako sa pwesto ni Nicolas ng ibinuka nito ang bibig niya kahit walang boses ay alam ko pa rin ang pinapahiwating nito. May kasalanan ka pa sa akin beki ka!
Pupunta si Nicolas. E ako? hindi ko alam. Baka mag-kalapit ang landas namin ng magnanakaw na yun. Hindi rin, dahil mag-kaklase kami kaya ano mang oras ay magkikita ang landas naming dalawa.
“Syempre may bayad. 100 pesos.” sambit ng nasa harapan na si Ma’am Vam.
Sabi na nga ba. Ang kuripot.
“Walang aangal. Lahat kayo ay dapat sumama dagdag sa grado ninyo ito.” sambit pa ni Ma’am Vam.
“At maraming pagkain.” napatigil kami ng biglang may pumasok sa loob ng silid. Habang nakalagay sa bulsa ng pantalon nito ang kanyang palad.
Sinamaan ko ng tingin si Zyruz. Dahil alam kung sa akin niya pinaparining ang salitang iyon. Ngunit, isang ngisi lang ang pinakawalan niya.
Maghihiganti ata ang magnanakaw na ‘toh. Lìntik na walang ganti. Kung ito ang gusto niya pwes! Hindi ko siya uurungan!

END OF THE CHAPTER 3.
Write by: Binibining Natalia.
: Plagiarism is a Crime.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top