Amara the dreamer Chapter 6


Gulat na gulat parin siyang makita si Amara. Nong nakita niya itong nakahubad sa loob nang banyo nagsimula na siyang maghinala rito.
Kaya kinukulit niya si Steve na malaman kung sino ang babaeng iyon sumasayaw sa kaarawan ni Patrick. Dahil mula nang gabing iyon nagulo na ang kanyang mundo.
Gusto niyang malaman kung si Amara ba iyon ngunit na dissapoint siya nang sabihin ni Steve na si Marikit iyon. Pero bakit ngayon nagulat siya nang makita si Amara sa harapan niya at may nangyari pa sa kanila.
“ Bakit ka magulat? Diba inasam-asam mong si Amara ang babaeng iyon?” usig nang kanyang isipan. Pakiramdam niya bumaliktad ang kanyang mundo.
Noon hindi siya nagka intresado kay Amara pero nong makita niya ito nagsayaw at makita ito sa banyo. Tila ayaw na nitong humiwalay sa isipan niya.
“ Bakit ka pumasok sa ganitong trabaho Amara?” pagalit niyang tanong rito nang makabawi sa pagka gulat.
HINDI alam ni Amara ang gagawin nang mga sandaling iyon. Ngayon nabuking na siya ni Edward napa balikwas siya nang bangon at itinakip ang kumot sa hubad niyang katawan.
Nakita niya ang talim na tingin sa kanya ni Edward. Sising sis siya nagpapadala siya sa bugso nang kanyang damdamin para sa binata.
Pinairal niya ang pagmamahal para rito. Ngayon ano na ang mangyayari sa kanya? ngayong alam na nito siya ang babaeng nasalikod nang maskara.
” Kaya pala ayaw mo mag sasalita” narinig niyang sabi nito tumingin sa kanya. Hindi siya makatingin dito nang deretso napayuko siya,hiyanghiya siya sa kanyang sarili.
“ Bakit ka pumasok sa ganitong trabaho Amara?” ulit nitong tanong nang hindi siya magsalita.
” K-kailangan ko lang nang pera kaya ko ito nagawa.”
“ That’s b****t reason!” sigaw nito. Napaiyak siya nang tumaas ang boses nito.
“ May sakit kasi ang kapatid ko wala kaming perang pang pa-gamot.” gumagaralgal ang boses niyang nagpapaliwanag.
“ Bakit, hindi ka nagsabi na kailangan mo nang pera?”
“ Wala napo akong makukuhang sahud mula sa mama mo dahil na advance kuna po ang dalawa buwan na sasahurin ko” humihikbi niyang sabi.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nang binata. Tahimik ito habang siya ay walang tigil sa kakaiyak. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nang mga sandaling iyon. Kung saan saan na napunta ang isipan niya. Hindi niya ito mapipilit na pakasalan siya dahil kusa niyang binigay rito ang pagka babae niya.
Tumayo siya mula sa kama hawak ang kumot. Hindi niya namalayan na upuan ng binata ang kumot kaya naladlad ang hubot hubad niyang katawan sa harapan nito. Tarantang hinila niya ang kumot at muling tinakip sa kanyang dibdib.
NAPALUNOK nang laway si Edward nang makita ang hubot hubad na katawan ni Amara sa kanyang harapan. Hinila nito ang kumot na upuan niya.
Gusto niya itong hilahin at yakapin at angkinin muli. Ngunit pinigil niya ang kanyang sarili. Umiiyak itong naglakad papunta sa banyo.
Tila may sa kung ano naman humahaplos sa puso niya. Nakaramdam siya nang awa para rito.
Napadako ang kanyang mata sa kama. Nakita pa niya ang marka nang dugo na nagpapatunay na virgin pa si Amara.
Napangiti siyang malaman na siya pa ang una rito. Kahit ganon ang pinasukan na trabaho ni Amara ay siya pa ang unang lalaki sa...


buhay nito.
Mayamaya pa ay lumabas nang banyo si Amara at nakabihis na. Nakita niya ang malungkot nitong mukha.
Lumapit ito sa gawi niya. “ Amara” mahina niyang sambit sa pangalan nito.
“ Kalimutan niyo nalang po ang nangyari sa atin dahil hindi po ako maghahabol sa inyo” sabi nito nangilid ang mga luha.
Hindi niya alam at hindi niya maintindihan ang nadarama niyang nakatingin ritong nakayuko.
hinawakan niya ang kamay nito at hinila niya palapit sa kanyang katawan napayakap ito sa kanya.
“ P-panagutan kita” mahina niyang sabi habang nakayakap rito. Hindi niya pwedi itong pabayaan ngayong nakuha niya ang pagka babae nito.
Ginulo na ni Amara ang isipan niya nang una niya itong makita lalo na ngayon na may nangyari sa kanila.
“ Paano si Sheila?” tanong nitong nag angat nang tingin.
“ Wag munang problemahin iyon, ang mahalaga tayo na” malambing niyang sabi rito. Inangat niya ang mukha ni Amara at siniil nang halik. Mayamaya pa ay mabilis niyang hinubad ang sout nito at muli niyang na angkin sa ikalawang pagkakataon.
Mahimbing nakatulog si Amara sa tabi niya. Hinaplos haplos niya ang mukha nito habang nakapikit ang mga mata.
“Bakit, ngayon ko lang na pansin ang ganda mo Amara.” Sabi niya sa sarili.
Tinitigan niya ang maliit nitong mukha. Mahaba ang pilik mata at matangos ang ilong. Ngayon niya lang ito napansin. Ang babaeng nagpagulo sa isipan niya nang ilang gabi ay kasama niya lang pala sa iisang bahay.
NARAMDAMAN ni Amara may nakatingin sa kanya. Dahandahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Edward.
“ Hi!” nakangiti nitong bati sa kanya. Dinampian nang masuyong halik ang labi niya.
“ Kanina kapa nagising?” tanong niya sa malambing na boses.
Nakangiti itong tumango tango sa kanya. “Pinag masdan kita habang natutulog ka” sabi pa nito sa kanya.
Nag diwang ang puso niya sa tuwa na ang lalaking lihim niyang iniibig ay nobyo na niya ngayon. Ganap na silang mag nobyo at nobya.
“ Paano pag malaman nang ina nito? Sila na? Lalo pa gustong gusto nang ginang si Sheila para kay Edward” napakislot siya nang maisip iyon.
“ Okay ka lang ba?” alalang tanong ni Edward sa kanya nang mapansin ang pagsimangot niya.
“ Inaalala ko lang ang mommy mo at si Sheila” may bahid nag pagalala sa boses niya. Hindi niya iyon maitago sa binata.
“ Sabi ko sayo wag muna isipin iyon. Ako na ang bahala sa kanila. Pero hahanap muna ako nang pagkakataon paano sasabihin kay mommy” anitong niyakap siya.
Napabuntong hininga siya. Siguradong magagalit sa kanya ang ina nito. Isang katulong lang siya at walang wala siya sa kalingkingan ni Sheila. Tulad nang binata ay may kaya rin ito sa buhay.
Napa buntong hininga siya” wag mo nalang muna sabihin sa mommy mo” sabi niya rito. Hindi pa siya handa harapin ang galit nang ginang.
“ Happy birthday nga pala” bati niya nang mapansin ang orasan alas singko na nang umaga.
“ Salamat ito ang birthday kung pinaka special. Dahil ikaw ang kasama ko”malambing nitong tugon sa kanya.
“ At I, got the most expensive gift. Na walang katumbas ang halaga” dagdag nito.
Biglang namula ang dalawa niyang pisngi sa sinabi nito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top