SUPLADONG SI MR. PRESIDENT


SUPLADONG SI MR. PRESIDENT”
written by— Solene Terpsichore
—part 1
—take time to read this.
Malayo-layo pa ang lalakarin ko para makarating sa school kaya naman, ng makita ko si Christian ang aming SSG president ay agad ko itong tinawag.
“Mr. President!” sigaw ko ngunit tila hangin lang siyang dumaan sa harap ko, tinalo mo pa ang nireregla bulong ko sa isip ko at agad pinag-patuloy ang pag-lalakad. Hanggang sa mapansin ko si Chris, mabuti pa itong kapatid niya may pakiramdam sa paligid.
“Chris!” sigaw ko at humarap naman ito sa akin ng nakangiti.
“Oh bakit? Althea” tanong niya at ako naman ay napa-ngiti ng malapad sa kaniya.
“Kanina pa kasi ako nag-iintay ng masasakyan, pero walang dumaraan pwede mo ba akong isakay diyan sa kotse mo.” tanong ko, kakapalan ko na ang muk’a ko dahil makapal naman na talaga, chariz.
“Hindi ba dumaan diyan si kuya tantan kanina, bakit hindi ka pa sumabay sa kaniya since mag-kapareho lang naman kayo ng school?” tanong nito at ako naman ay napasimangot.
“Si Mr. President kuya mo?” tanong ko at siya naman ay napa-tawa. “Anong nakakatawa!” tanong ko at siya naman ay umiling.
“Obvious naman siguro na magka-muk’a kami ’diba?” tanong niya at ako naman ay napakamot sa ulo, umaariba na naman ang pagka-slow ko.
“Hoy Althea! nandito na tayo, lagot ka kay kuya!” sigaw nito sa akin matapos akong makababa sa sasakyan niya. Bakit ako malalagot sa kuya niya.
“Ms. Briella late ka na naman.” wika ni, teka pamilyar ang boses na ’yon ah. C-Christian, naiusal ko at nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa akin at bigla ay sinandal ako nito sa pader.
“M-Mr. President” mahinang wika ko na lamang sa mahinang tono.
“Anong itinawag mo sa akin kanina?” wika nito at nginisian ako, narinig pala niya ang sinabi ko kanina.


/> “M-Mr president, ano po bang kailangan niyo?” tanong ko at pilit na itinutungo ang muk’a ko ngunit pilit niyang tinataas at hinahanap sa kaniya.
Napaka suplado pa naman ng taong ito, baka kung anong gawin niya! Napasigaw ako ng unti-unti niyang nilapit ang muk’a niya sa akin.
“T-Tulonggggggggg!” sigaw ko at agad niyang tinakpan ang bunganga ko.
“Shsss, I won’t do anything at you woman.” wika nito sa akin at unti-unting nilapit na na ang muk’a niya sa akin kaya unti-unting pumikit na ako sa pag-aakalang hahalikan niya ako.
Mga ilang segundo kung hinintay na lumapit ang labi niya ngunit hindi, sahalip ay ng pag-mulat ko ay nag-lalakad na ito palayo sa akin.
“That’s your punishment for not calling me president.” wika nito sabay ngisi sa akin, ang mga nasa paligid naman namin ay sabay-sabay nagtawanan kaya, nakasimangot akong bumalik ng room.
_______________________
“Cris, sabihin mo riyan sa kuya mo na tigilan niya na ako sobrang inis na inis na ako sa kaniya!” sigaw ko sa kapatid niyang si Chris ng makasalubong ko ito.
Nagulat ako ng yakapin ako ni Chris, “Huwag kang gagalaw, hayaan mo lang ako.” wika niya.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na bawal maglandian dito sa harap ng room!” bigla ay sigaw ni president syempre.
“Hoy fyi! supladong president hindi kami naglalandian nitong kapatid mo, pero bakit ba nagpapaka bitter ka riyan? may masama ba?”
Ang mukha naman nito ay biglang ngasim pa lalo ng bigla ay halikan ko si Chris sa pisnge.
Nag-lakad na akong diretso sa field at iniwan silang dalawa ro’n ngunit habang nag-lalakad ako ay biglang may bola na papunta sa direksyon ko. Kaya napapikit ako at iniintay na lamang na tumama ang bola sa ulo ko ngunit may biglang may humawak sa akin si —.
/// comment for part 2






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top