KAYA KITA MAHALIN CHAPTER 02


KAYA KITA MAHALIN-
CHAPTER 02
BIANCA POV-
“Ma’am sama naman po kayu minsan sa amin mag relax relax,” nakaturang sambit ng aking kahera sa munti kong flower shop. Kasalukuyang nag memeryenda kami Sa mini pantry na aking ipinagawa sa isang sulok ng flower shop.
“Sige kailan nyu ba plano?” Nakangiting tanong ko matapos kong ubusin ang isang slice ng cake.
“Sa Saturday po sana ma’am.” Sagot naman ng isa kong staff. May pito na kasi ang staff ko dahil sa patok na patok ang negosyo ko kaya para hindi naman nakakapagod masyado ang trabaho mula sa dalawang staff ay dinagdagan ko na ito ng Lima tatlo sa pag aayus ng bulaklak isang nag a assist sa customer dalawa ang delivery boy at isang kahera.
“Hmm! Saan naman lakad?” Tanong kong muli pagkatapos ko uminom ng orange juice.
“Jan po ma’am sa bagong bukas na bar.” Agap na sagot ni lex ang isa sa staff ko na...


nakatoka sa pag aarange ng bulaklak. Simpleng tango lamang ang sagot ko, naka oo na ako at ayoko maging kj kapag ganuon naka oo na ako sa mga kausap ko.
“Ma’am may naghahanap po sa inyo.” Humahangos na bungad ni rere ang nakatoka naman sa pag a assist sa mga costumer.
Kunot noo naman akong napatayo, sino naman kaya iyon? Hindi naman pwedeng si eron mamayang lunch pa ang sundo nito sakin. Hindi rin pwede si shey dahil nasa italy pa ito. Para masagot ang kuryusidad ko ay tumungo na ako sa front desk.
inilibot ko ang buong paningin ko sa kalooban ng shop ay wala namang ibang Tao ang narito maliban sa mga stop ko.
“Anna, akala ko ba ay may naghahanap sakin?” Takang tanong ko sa kahera.
“Ma’am lumabas po at may nakalimutan daw sa kotse.” Agap na sagot nito.
“Papasukin mo sa office ko pagdating.” Turan ko saka tumungo sa aking opisina.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top