THE REVENGEANCE Chapter 17


“Araaay!!!!” nagsusumigaw si Armina nang sumakit bigla ang tiyan niya.
Hindi pa niya kabuwanan pero dinugo siya.Agad naman siyang sinugod sa Hospital dahil nag-iiri na siya sa sakit.
*****
Pumasok si Roberto De Dios sa kwarto ng kanyang anak at sinuntok niya si Daniel para matauhan ito sa mga nangyayari.
“Tingnan mo ang sarili mo?!walang magagawa ang paglalasing at pagkukulong diyan kung hayaan mo ang sarili mo na hindi magdesisyon ng tama!! ” pangaral ni Roberto sa anak pero hindi pa rin nagsasalita si Daniel
“Maghihiganti ka na nga lang,sa mali pang tao!!!”
“Tingnan mo ang mga larawan na iyan!!!”
Gulantang si Daniel nang mapagmasdan ang mga larawan sa mesa.Si Armina iyon at buntis ang nasa larawan.Hindi pa rin siya nakaimik at naglandas ang kanyang mga luha nang mapagtantong si Armina nga ang nasa larawan.
“Huwag kang maging duwag Daniel!!nasa Cavite ang mag-ina mo...


at nanganganib ngayon ang buhay nila!!” patuloy ng Dad niya,sapat para matauhan na siya
Dali-dali siyang nagbihis at mabilisang pinatakbo ang sasakyan.Hindi niya hahayaan na may mangyari kay Armina lalo pa’t nagdadalang tao ito.
“Sa iyo na ang Textile Company!sa iyo na lahat ng ari-arian ng Alcantara!!pero may isang bagay na hinding-hindi mo makukuha at hindi mo malalaman Daniel!!”
Iyon ang mga katagang naalala na sinabi noon ni Armina sa kanya.
“Damn!!buntis siya nang Hindi man lang niya ipinapaalam sa akin!!Armina,pupuntahan na kita..aayusin natin ang lahat,bubuo tayo ng pamilya kasama ang baby natin..” Iyon ang mga nasabi ni Daniel nang mabilisan niyang minaneho ang kotse.Handa siyang makipag-unahan sa mga sasakyan basta makarating lang siya sa kinaroroonan ng babaeng pinakamamahal niya.
“Bugggss!!!!!!!!!!”
Tumama ang kotse niya sa isang poste at duguan siyang dinala sa Hospital.Critical ang kondisyon ni Daniel ng dalhin siya ng Ambulance.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top