MISTAKEN WIFE Chapter One


(by: HeavenInHell)
•|Chapter One|• {Mi Amore}
Hayst! Magtatanghali na, jusko!
Kanina pa naglalakad si Alexa sa ilalim ng sikat ng araw pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mahanap na trabaho. Unti-unti na nga niyang nararamdaman ang paghapdi ng balat dahil sa sobrang init.
Nananakit na rin ang mga paa at mas lalong nagsisisigaw na ang mga bulate niya dahil sa hindi pa siya nakakapag-almusal. Pagkagising kasi niya kanina ay ang paghahanap agad ng trabaho ang pinagtuunan niya ng pansin kung kaya’t hindi na iyon sumagi pa sa kaniyang isipan.
Ilang araw na nga siyang ganoon na lamang ang routine.
“What a cruel life I have…”
Mahinang usal niya sa sarili sabay buntong-hininga.
Sabado ngayon at dahil sa wala naman siyang ginagawa sa bahay dahil day off niya rin naman doon sa isa niyang trabaho bilang waitress sa isang restaurant, ay napagpasiyahan niya na lang na maghanap ng panibagong sideline. Very thankful na nga siya sa una niyang trabaho dahil tinanggap siya kahit hanggang highschool graduate lang siya.
At the age of twenty-three kasi ay nasa 2nd year college pa lang siya ngayong taon sa isang public university. Natigil siya ng pag-aaral ng dalawang taon dahil sa kakapusan ng pera.
At kahit ngayong nasa public siya nag-aaral, still the expenses are high.
She have to study and work hard for her future. At para na rin matustusan ang mga pangangailangan niya at gastusin sa pang-araw-araw.
Kaya nga nag-iipon siya para kung sakaling kailanganin man niya ng pera ay may mapagkukuhanan pa siya.
Inalis niya na sa kaniyang bukabularyo ang mga katagang ‘tumunganga lang at maghintay ng milagro’.
Sa kadahilanang siya na mismo ang bumubuhay sa sarili.
Wala na siyang maasahan pang mga magulang sapagkat maaga pa lang ay kinuha na sila sa mundong ibabaw.
They died on an accident when she was ten.
Kung kaya’t maaga na rin siyang namulat sa kahirapan ng buhay ng mag-isa. Naranasan na niyang sa murang edad ay magtrabaho para lang may pangkain.
“Hayy…”
Napatigil na lang siya sa paglalakad nang biglang kumulo ang sikmura niya hudyat na kailangan na niya talagang kumain.
Mabilis niyang iginala ang paningin hanggang sa makakita siya ng...


isang karendirya na nasa kabilang kalsada lang naman.
And how lucky she is. Dahil meron pang isang daang natira sa wallet niya.
Tumingin muna siya sa kaliwa’t kanan para siguraduhing walang sasakyang dumadaan.
Mahirap na at baka hindi pa man siya mayaman ay na-deads na.
Nang mapansin niyang halos wala ng sasakyan ay halos patakbo na siyang tumawid.
Pero nasa kalagitnaan pa lang siya nang mahagip ng dalawang mga mata niya ang isang kotseng humahrurot papalapit sa mismong direksiyon niya.
‘What the hell! Anong gagawin ko?!’
Nagpapanic na niyang sigaw sa isipan.
And then suddenly, her heart starts beating so fast. Ni hindi niya na nga magawa pang maihakbang manlang ang mga paa paalis sa mismong kinatatayuan dahil sa labis-labis na kaba.
Katapusan niya na ba?
Mariin na lang siyang napapikit at hinintay ang pagbangga ng kotse sa kaniyang katawan.
Ngunit lumipas na ang ilang segundo ay wala man lang siyang naramdamang kahit anong matigas na bagay na sumalpok sa kaniya.
Isang malakas na tunog lamang ng pagsara ng pinto ang narinig niya kung kaya’t bigla siyang napamulat.
At sa pagbukas ng kaniyang mga mata ay isang napaka-gwapong nilalang ang bumungad sa kaniyang paningin.
Or should she say, isang gwapong anghel. She felt her heart was melting at that moment. Nakita niyang bahagya pang nanlalaki ang mga mata nito habang nananatiling nakikitig sa kaniya.
Hindi niya sigurado ngunit may nabanaag siyang emosyon sa kulay tsokolateng mga mata nito — kasabikan at pangungulila.
There was something on it that makes her want to know more about him.
Sa sobrang pagkatulala sa lalaking kaharap ay halos hindi na niya namalayang nakalapit na ito sa kaniya.
Nagulat pa siya ng bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Yung tipong parang ilang taon siya nitong hindi nakita.
Ngunit mas lalo siyang nagulat ng marinig niya ang mga katagang binanggit nito.
“My wife…you’re back!”
___________
-workoof fiction-
-no to plagiarism!-
A/N:
Mamaya na lang po ulit ang kasunod. Siguro mga mamayang gabi po, ini-edit ko pa po kasi. A big thank you sa mga nagsu-support nitong nobela ko. Lalong-lalo na sa mga readers, na-aapreciate ko po ang mga comments at feedbacks niyo. I hope na wag kayong magsasawang suportahan ako😍😘






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. evangelyne mortil

    ang gaganda ng story d2

Leave a Reply


top