10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒


π“πˆπ“π‹π„: 10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒
𝐆𝐄𝐍𝐑𝐄: π‘πŽπŒπ€ππ‚π„ / π…π€ππ“π€π‚π˜
π€π”π“π‡πŽπ‘: πŠππŽπ— 𝐀𝐒𝐇𝐂𝐑𝐀𝐄
𝑨𝒖𝒕𝒉𝒐𝒓𝒔 𝒏𝒐𝒕𝒆: 𝑩𝒆 π’Žπ’Šπ’π’…π’†π’… 𝒕𝒉𝒂𝒕 *π’‘π’π’‚π’›π’Šπ’‚π’“π’Šπ’”π’Ž π’Šπ’” 𝒂 π’„π’“π’Šπ’Žπ’†*. 𝑫𝒐𝒏’𝒕 π’„π’π’‘π’š 𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓’𝒔 π’˜π’π’“π’Œ.
10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒
Chapter 1: Save me!
Kasalukuyan akong nag lalakad sa tahimik at mapunong daan patungo sa aming bahay. Hindi na bago sa akin ito, sapagkat sa loob ng sampung taon ay ito na ang aking nakasanayan. Simula unang baitang hanggang ngayon na nasa grade 10 highschool.
“Everybody needs inspiration
Everybody needs a song
A beautiful Melody
When the night so long~” pag awit ko habang patuloy parin sa paglalakad.
Mukhang hindi maganda ang timpla ng panahon, alas kwatro palang sa hapon ngunit medyo madilim na. Tumingin ako sa kalangitan at doon na komperma kong nagbabadya nang umiyak ang kalangitan.
Mas binilisan ko ang aking paglalakad upang hindi ako maabutan ng ulan. Tiyak na mababasa nanaman ang aking mga kagamitan. Hindi pa naman ako nakapag dala ng payong.
“Lord, huwag mo po munang pa ulanin.” Dasal ko. Sana nga ay pakinggan nito. Malayo pa naman ang aking tatahakin upang tuluyan kong marating ang aming tahanan.
Wala akong cellphone upang matawagan sila at magpasundo ako. Ang mga kapatid kong walang puso iniwan akong mag isa at hinayaan mag lakbay mag isa.
Iwan ko ba, hindi ko ramdam na nabibilang ako sa pamilya na meron ako ngayon. Ang aking ina ay parang hangin lang ako sa paningin at ganun din ang aking ama. Ang mga kapatid ko ay wala ni katiting na awa man lang ang ipinakita sa akin.
Wala akong baon na matanggap na galing sa kanila pero yung mga kapatid ko, tig iisang daan pa. Araw araw akong nagkukunwari na wala akong...


nakita at napansin, na kabilang parin ako sa pamilya.
Gusto ko ng sagot pero hindi ko alam kung kanino ko yun hihingin. Tiyak na kapag tinanong ko si inay ay mala tigre sa bangis nanaman iyon.
Naibalik ako sa realidad ng may biglang bumagsak sa aking unahan. Gulat akong napatingin dito at isang malaking punong nabuwal ang aking nakita. Nakaharang ito sa daan.
“Mukhang bagyo na yata ito.” Kausap ko sa aking sarili habang nanginginig na sa ginaw. Sa subrang lamig ng hangin at medyo ambon.
Ilang sandali pa ay lumakas na ang ulan at may halong kulog at kidlat. Habang ang hangin ay mas palakas ng palakas din.
Nanghihina akong napaupo sa gitna ng daan. Hindi na pwedeng makadaan dahil nag babagsakan na mga puno sa daan. Halos ilipad na din ako ng hangin tuwing tatayo ako.
“Lord, nawa’y gabayan niyo po ako at ilayo sa kapahamakan, gayon din ang aking tinaguriang pamilya. Ilayo mo sila sa kapahamakan.” Taimtim kong panalangin.
Naghalo ang lamig at takot sa aking kalamnan. Hindi mapapalagay kung gigising pa ba kinabukasan.
Napalingon ako sa aking likuran ng May narinig akong isang ugong ng sasakyan.
“Sinong tanga ang babyahi sa gitna ng malakas na ulan.” Bulalas ko sa aking sarili.
Nawala ang aking atensyon sa paparating na sasakyan at nabaling sa puno na nasa kaliwang bahagi. Dahan-dahang nabuwal ang puno papunta sa akin. Hindi ako makagalaw dulot sa lamig na nadarama. Pabagsak na puno, wala na akong ibang pagpipilian kundi ang tanggapin ang aking kahahantungan.
“Tulong!!!” sigaw ko habang napapikit. Alam kong walang makarinig at tutulong sa akin. Nawala nga ang ugong ng sasakyan na aking narinig kamakailan lang.
Ilang sandali lang ay parang nasa alapaap na ako. Umaalon ang aking paningin at dahan-dahang dumilim paligid. And then, everything went black.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top