His Lola’s last will Chpater 13


His Lola’s last will
Chpater 13
Merry Christmas 😍
Enjoy reading😘
Mitch
‘Are you okay?’
‘Um yes..’ walang kasiguraduhang sagot ko. Kalalabas lamang namin ng embassy compound at kasalukuyang nasa gitna ng traffic.
Narinig ko ang malalim na pagbuga nya ng hangin sa tabi ko, dahilan para mas lalo akong makaramdam ng pamimigat ng dibdib.
‘Dont worry, gagawa ako ng paraan, ill get my connection to speed it up’
Binaling ko ang tingin sa labas ng sasakyan. Pinanood ko ang mga sarisaring taong nagkakanda kumahog na tumawid sa pagitan ng mga nakahintong sasakyan, at ako naman ang napabuntunghininga.
Baka nga siguro hindi para sakin ang America. Hanggang dito lang talaga ako sa pinas, katulad nila.
‘Hey, stop thinking too much , the interview went well namn, un nga lang, nagkamali ako ng apply , dapat pala tourist visa, instead of fiance..malay ko bang six months ang processing nun?’ I heard him cursed out of frustration.
Yun na nga. 6 months. Eh nxt week wala na kaming bahay. San kami titira within that six months?Feeling ko lalong gumuho ang mga pangarap ko pagkalabas namin ng embassy. Hindi ko namn pwedeng isisi totally sa kanya ang lahat.(Kahit gustong gusto kong sabihin sa kanya kanina at ipamukha na anong silbi ng google nya kung di nya alam gamitin!)Ginawa naman nya ang part para mag work ang plano. Effort pa nga sya at sinamahan nya akong magbyahe all the way dito sa manila.Pero tanggapin na lang siguro na ganun talaga. We need to wait. Bahala na. Mag rent na lang kami siguro ng bahay pansamantala. Hanggang dumating ang resulta ng visa.Tama ganun na lang.
Mariin kong pinagkatitigan ang singsing sa kamay ko ,di ko mapigilang manghinayang. Sayang ang 75k nya napunta lang sa wala. Pati ang outfit ko sayang din.
‘Stay positive, matutuloy ang kasal natin, just give me sometime, babalik na muna ako ng states, then ill call you within this week, ihanda mo lang lahat ng papers mo, okay?’
‘Okay..’ halos di ko narinig ang sarili kong boses sa tugon kong iyon. Pinanghihinaan na kasi ako ng loob, gusto ko na ngang umiyak eh, pero pinipigilan ko lang kung di lang nakakahiya sa harapan nya.
‘Anyway, lets just call this a day.. matulog ka muna sa byahe, iuuwi na kita sa inyo, um do you want to eat something first or coffee?’
Umiling na lang ako saka muli akong sumiksik sa kinauupuan ko habng nakatingin sa labas.Gusto ko lang manahimik at mag isip narin pansamantala. Maya pay nag luwag na ang traffic at bumilis na din ang takbo ng aming sasakyan.I felt the heaviness of my eyes pero ayaw ng diwa kong matulog.
And then i felt something touch my hand na nakapatong sa kandungan ko. Pagtungo ko i found his hand touching mine.
‘Sleep.. you look so tired, gigisingin na lang kita pag nadun na tayo ‘ he said with a gentle voice pagkatpos ay isang banyad na tapik ang ginawad nya sa palad ko bago nya binawi ang sariling kamay at ibinalik sa manibela.
Somehow that simple gesture gave me comfort. At sa kabila ng pagkadismayado ko nagawa nyang pagaanin ang bigat ng kalooban ko.Okay naman pala ang kum*g na ito paminsan minsan. Nakakaramdam din pla ng simpatya and in fairness i found it sweet.
Hanggang sa tinalo na ako ng antok at nagpasyang itulog ko na lang muna ang lahat. Kahit ilang minuto lang.
—///:
Rico
Im really disappointed. Kulang na lang murahin ko ang sarili sa katang*hang nagawa ko.I should’ve been more prepared,bat nga ba hindi ako nakapag research beforehand,masyado akong naging kampante ni hindi ko na isip na it will take time to process that f*cking visa.
Though that immigration lady already advises us to switch to tourist visas which is mas okay, pero still it will take 3 to 6 fu*cking weeks to process.F*ck!
Matagal pa din.Definitely hindi ko na kakayanin ang ganong length ng stay ko dito. At wala akong magagawa kundi bumalik muna ng states and wait for the result.
Lihim kong sinulyapan ang babaeng nasa tabi ko. Katulad ko , she looks totally devastated. Obviously nawala ang kaninang sigla nya, ni hindi ko na nakita ang paglabas ng mga biloy nya sa pisngi. She’s very disappointed, and I can’t help but feel guilty when I remembered how badly she needs the money from that will.
Nakasanla nga pala ang bahay nila,tas graduating pa ang kapatid, not to mention her useless father na nasa kulungan pa.She’s broke alright.. and the fact that kinakaya nya ang lahat ng problema inspite of her being the only girl sa pamilya nila, na dapat lalaki ang tumatayo para sa kanila, life is really unfair sometimes, napabuntung hininga ako.
Di bale gagawan ko na lng ng paraan. Mahirap na.Baka bigla na lng syang ma in despair at mawalan ng gana sa plano at mag back out. Sayang ang effort ko. Three weeks is not that long anyway, madali nalang namn yun na lumipas.
Mainam narin yun para mapaghandaan ko ang pagdating nya sa states. Sasabihan ko na rin si mama para hindi sya mabigla sa kasal at sa buong plano.
And also, i need to talk to Trixie as well. Baka gumawa pa ng eksena yun pag hindi ko nasabihan. War freak pa naman yun.
I was about to tell her my plan or something na pwedeng pag kwentuhan along the way just to break the ice between us, nang mapansin kong nanahimik na sya. She’s sleeping.Yakap nya ang kanyang sarili habang nakadukduk sa isang sulok ng upuan nya making me think na baka giniginaw sya sa suot nyang sleeveless na bistida, kaya i decided to stop the car for a while and took her coat at her lap at pinatong ko sa upper body nya. While securing the coat over her her, i cant help but to notice how supple her skin is nang mapalapit ang mukha ko sa knya. Call me a perv*rt but d*mn.. those lips were really tempting, napaka plump and pinkish without even trying, and her cheecks kahit walang make up , namumukod tangi ang pagkapula, parang ang sarap pugpugin ng halik specially pag nagblublush sya, which is i found very amusing dahil bihira na ako maka encounter ng mga babae who blushed constantly in front of me,well maybe some girls do blushed sa loob ng kw*rto ko, but i how would i know kung nakapatay namn or dim lang ang ilaw ng room ko diba? Nailing ako sa kalokohang naisip ko. Yeah im a p*rvert alright. And i need to get away from this madness.
Hindi sya ang mga tipo mo Rico, youre more on the wild girls, players, woman who do s*x for fun, parang ikaw, unlike her, pure and innocent, probisnyanang walang alam, and definitely boring sa k*ma, kaya off limits ka jan.
Napakamot na lang ako ng leeg after kong sermunan ang sarili, at nagpasyang ituon na lang sa pag dri drive ang focus ko, bago ako makagawa ng isang bagay na pwede kong pag sisihan after.
She remained asleep hanggang sa makarating kami sa kanila. I only decided to wake her up pagkatapat namin sa bahay nila .
‘Mitch.. we are here..’ sinubukan ko syang yugyugin but then she suddenly pulled my hand at niyakap nya ang buong braso ko, im so caught out of guard at the moment dahilan para mapayakap narin ako sa kanya ng di sinasadya.
‘Papa ko..’ i heard her murmur in my chest that instantly gives me shivers, all the way down to my ‘ down there’.
‘Huh mitch,wake up..im not your dad..’ I tried to remind her that, but she kept on clinging at me kaya I decided to hold her cheeks and gently tapped her there.
And thank God, her eyes finally flew open, and quickly turned her gaze on me with awe.
but before i even said a word , sinampal na nya ako.
‘Bast*s!’
‘Ouch! Hindi ako bast*s, im not doing anything!‘ reklamo ko sabay sapo ko sa mukhang dinapuan ng sampal nya.
‘Weh di nga?! Eh bakit nakayakap ka sakin?!’ She blurted hysterically.
‘Ikaw ang unang yumakap sakin, i think you were dreaming, you even called me your papa, ‘ hindi ko nga alam kung papa as in father or papa na boyfriend mo i added to my self.
‘Hindi nga..’
‘I wont force you to believe me, i might be sarcastic and suplado for most of the times, but i do know how to treat a woman with respect, hindi ako many*kis’ depensa ko sa sarili.
‘Ganun ba.. okay.. sorry..’
‘Its okay, gusto lang kitang gisingin kanina just to say na nandito na tayo,’ mahinahon ko nang pahayag sa kanya sabay turo ko sa labas ng kotse.
Eksakto namng paglingon namin sa bahay nila ay syang paglabas naman ng kanyang ina ng kanilang bakuran.
‘Mga anak nandito na pala kayo!’
I cant help but to smile. Bigla ko tuloy namiss ang mama ko.
—//:
Mitch
‘Pasok ka na muna para magkape’ alok ko sa kanya. Dito man lang makabawi ako, nahihiya parin ako sa nangyari kanina, lalo pat kita ko pa ang bakat ng sampal ko sa makinis nyang mukha.
‘Um.. cge sure, pero sandali lang ako, i need to prepare my things tonight, mag bobook pa ako ng ticket’ ani nya at pag anoy sumunod na rin sya ng baba sakin.
—////
‘Naku, matalino ang anak kong iyan, salutatorian nga yan nung highschool’ napangiwi ako ke mama ng marinig kong nag bibida bidahan nanaman sya sa sala. Buong pagmamadaling napatimpla tuloy ako ng kape para puntahan sila kaagad,mahirap na baka kasi kung ano pang maikwento ni mama sa bisita namin.Nkakahiya.
‘Mama naman , pati ba yan kinkwento nyo pa..’ sita ko ke mama ng dinaluhan ko na silang dalawa sa sala dala ang kapeng tinimpla ko ke Rico na noon ay nakatayo naman sa harapan ng mga nakasabit naming diploma ni Edward.
‘Eh ano naman, proud ako sa mga achievements nyo ,kahit ganto lang ako nagkaroon ako ng mga matatalinong mga anak’
‘Oo na oona’ pagkatapos ay nginitian ko ng alanganin si Rico who as well cant help but to smile, amusingly at my mother.
‘Hay naku sya maiwan ko muna kayo, pupunta muna ako sa bahay ng tya loring mo at may niluluto pa ako dun, dito kana maghapunan anak, nagluto ako ng adobong baboy’ baling nya kay Rico.
‘Um.. ill try po’ magalang namang sagot ni Rico ke mama.
‘O sya, mitch kaw nang bahala sa kanya’ bilin pa ni mama sakin...


bago sya tumalikod.
‘Mama, ako gusto ko yung may itlog..’ habol ko ke mama.Paborito ko kasi ang adobong may nilagang itlog.
‘Meron na’ saka sya umalis.
‘Bakit ka nag caregiver? Eh teacher ka naman pala?’
Binalik ko ang tingin sa bisita namin at natagpuan ko syang titig na titig padin sa mga certificate naming nakapaskil sa dingding.
‘Need ko kasi yung course na yan para sa inaaplayan kong trabaho sa US, may pinsan kasi ako dun, nagpapatulong ako, kaso kailangan ko pa ng experience, kaya di pa ako matuloy tuloy,maliit lang kasi ang sahod ko bilang teacher dito, hindi kayang bumuhay ng pamilya..’ mahabang paliwanag ko sa kanya at pag anoy naupo na ako sa tapat ng kinauupauan nyang sofa at napahigop na rin ako ng sariling kape.
‘Okay.. kaya pala nandun ka sa Center na yun, for an experience’
‘Oo, dun ko nakilala si lola, i mean yun lola mo, actually sya ang kauna unahang alaga ko dun, napakabait ng lola mo, at matalino pa kahit may al zeimer , grabe parin ang tatas nya mag ingles at saka-‘
‘So , you’ve been very close to her, kaya siguro naging malapit masyado ang loob nya sayo to the point na nagawa nyang isama ka sa will nya’ medyo na off guard ako sa sinabi nyang iyon at napababa ng mug.
‘I told you wala akong alam sa will ng donya, ilang beses ko bang sasabihin sayo, hindi ko sya sinulsulan kung yan ang iniisip mo’ napa alma ako, sa tono kasi ng pananalita nya parang inaakusahan na namn nya ako.
‘Im sorry.Dont get me wrong..nasabi ko lang naman ang sa tingin ko dahilan kung bakit naisama ka nya sa will,but i didn’t say na sinulsulan mo sya or something, parehas tayong biktima sa sitwasyong binigay ng matanda satin,and i believe we dont have anything to argue about it.’
Tama ba yung narinig kong tawag nya sa lola nya? Matanda? Hmm.. parang may mali ah..
‘Anyway moving on, back to the plan, im really sorry kung madedelay nang konti ang kasal natin , aayusin ko na lang ang lahat pagbalik ko ng states, and i promise within this month makakalipad ka’ he said confidently before he sipped some of his coffee out of his mug.
‘Okay lang, dito na lang muna ako , apply apply nalang for the meantime, pag talagang iadya na ng diyos na makakalis, makakaalis din siguro ako,’ bigla nanamang naninikip ang dibdib ko ng maalala ko ang kinahaharapan kong problema sa kasalukuyan.
But anyway, may plano paman siguro si God para sakin. Dun na lang muna ako kakapit. Di naman siguro kami pababayaan ni Bro.
‘Oo nga pala, ibabalik ko na ang singsing’ pansin ko sa suot kong singsing nang mahagip ng mata ko ang pagkislap nito sa aking harapan.
‘Nope , keep it, magagamit pa natin yan,um.. if you like, you can sell it if you need some money, bibili na lng tayo ng bago pag kailangan na uli’
‘Naku , hindi ko magagawa yan, hindi ko ugali magbenta ng gamit lalo na kung hindi ko namn pinaghirapan, kunin mo na to, saka ko nalng gagamitin pag , pag nagkita na lang tayo’
kung magkikita pa tayo.
Narinig ko syang napa buntung hininga.
‘Then keep it for me, kung ayaw mong ibenta, i need you to wear that pag nagkita na tayo sa states’
Seryosong pahayag nya sakin at saka tinitigan nya ako ng deretso.
‘Opo sir’ nahihiya kong tugon. Still uneasy from the way he look at me, napabaling ako ng tingin sa ibang direksyon,
‘ What did you said?’
I paused for a while, at saglit na pinag kaisipan ang mali sa tinuran ko.
‘Ha ah eh, rico pala hehehe’ ngisi ko.
‘Much better’
‘Ha?’
‘I mean , you look better when you smile’
And then he smirked.
Eh ano pa nga ba?
eh di nag blush nanamn ako sa comment nyang iyon.
‘Ah , salamat, ikaw rin nman , mas pogi ka kung di ka nakasimangot’ ganti kong tugon sa kanya nang hindi nag iisip.
‘Really, gwapo ako?’
Napalunok ako ng sariling laway ng marealiaze kong I actually told him na gwapo sya.
And wait.. sandali, nag blush din ba sya?
‘Um.. cge na , i need to go’ putol nya sa bolahan namin at bigla syang tumayo.
Napasunod narin ako ng tayo sa kanya at pag kuway sinamahan na sya ng lakad papalabas ng bahay.
Bago sya tuluyang pumasok ng kotse ay pumihit muna sya paharap sakin at tila nahihiya syang napakamot ng batok.
‘-by the way, sorry for being such an assh*le to you nung una, marami lang akong pinoproblema that time, but um.. i realiaze okay ka namn pala, ‘
I dont know pero feeling ko mas gumaan na ang pakiramdam ko sa knya after he said those words, hindi ko na napigilang mapangiti ng kusa, and this time totoong ngiti na ang binigay ko sa kanya.
‘Okay lang , naintindihan ko namn.. di madali tanggapin ang mawalan ka ng mahal sa buhay lalo di mo man lang nakita bago sya nawala, tas ganyan pa nangyari sa mamanahain mo, kahit namn siguro ako ganyan din ang mararamdaman ko’
He just nodded. Uninterested.
‘Siguro nga.. so pano, see u’
‘Um yes, see you when i see you na lng’ dinaan ko sa biro ang huling sinabi nya saka ako natawa mag isa. Waley.
‘And, mitch?’
‘Yes’
‘Um.. pano nga pala kita makokontak, I mean do you have any social apps where i can reach any time? Um.. Para maupdate kita sa bisa mo’
‘Ha you mean facebook?’
‘Yeah..’
‘Oh okay sure un lang pala eh, cge add mo ako, i sen- send ko sayo ang account name ko’
‘Okay, cge, hihitayin ko, and um say may regards to your family specially to your mom,’
and then i saw him smiled again. Yung tipong makalaglag p*nty na ngitian. Hay ang pogi lang talaga! Tsk! Mitch ang Ker*ngkeng mo!
‘Cge sasabihin ko, bye ingat ka sa byahe..’tila may kung anong kirot sa puso kong paalam sa kanya.Kahit papaano kasi naging okay namn sya sakin, inspite of what happened.
Hindi ko mapigilang mapa buga ng hangin habng sinusundan ko ng tingin ang papaalis nyang sasakyan.
Hay naku..Good bye mr. Sungit
Good bye USA
Good bye 2 million dollars..
Magkikita pa kaya kami?
Ma mimiss ko sya , huhuhu.. char..
—////
Kinabukasan nagising ako sa sunod sunod na alert tone ng phone ko.
‘Hi, its me rico, paalis na ako, dont forget to send me your fb account okay, bye, and see you in three weeks .’
Kilig ang una kong naramdaman sa mensahe nyang iyon. Kilig na kumiliti sa kaibutran ng puso ko. Na kahit anong pilit kong isaksak sa utak kong wag lagyan ng kulay ang lahat ng iyon ay di ko parin mapigilan ang pag guhit ng ngiti ko sa mga labi.
Feeling jowa lang ang peg! Heheh
Hay naku, tumigil ka nga Mitch , Rplyan mo na nga yan at bumangon ka na at maghanap na ng trabaho,
ke aga aga nangangarap ka ng gising!
‘Ate may naghahanap sayo’
Sandali kong binaba ang hawak kong phone at tinungo ang pintuan para silipin si Edward sa labas ng kwarto ko.
Natagpuan kong may nakatayong matandang lalaki sa tapat ng front door namin kasama ang kapatid ko.
Kunot ang noo kong kinilala si Manong.
‘Huh , hindi ako maaring magkamali siya si kuyang driver ni Rico..’
‘Pinaabot ni sir Rico, sayo daw yan.’ Maang kong tinitigan ang puting sobre na iniaabot ni kuya sakin.
‘Huh? Ito yung atm card ko ah!’ Gulat kong nasabi nang matagpuan ko ang nawawalang ATM card sa loob nito.
So it means sya pala ang nakapulot ng card ko!
‘Cge, mauna na ako, i message nyu daw sya mam pag natanggap mo nyu na yan’ paalala sakin ni kuya sabay alis.
‘Ate may laman ba yan, maglabas ka namn oh, bili ka namn ng breakfast natin bago ako pumasok’
‘Meron pa , mga nasa 500 pesos pa siguro, pero mamaya ko na ilalabas pag alis ko, dadaanan ako sa bangko’kung makalabas naman ng pera ang kapatid ko akala mo kapitbhay lang ang bangko.
-///
Napatutop ako ng aking bibig habang dilat na dilat ang mga mata kong nakatitig sa screen ng atm Mchine.
Oh my God!
Totoo ba tong nakikita kong balanse sa bangko ko. Nag palinga linga pa ako sa paligid. Just to make sure na ako lang ang nandun sa lugar nayun.
Muli kong sinulyapan ang halagang nasa harapan ko.
Tumataginting na 200, 500 pesos!
At paanong ako nagkaroon ng 200 k sa bangko ko? Ano to may , technical error?!
Nang biglang nag ring phone ko.
Si Rico!
Nanginginig pa ang kamay kong napasagot ng telepono.
‘He-hello?’
‘Hi? Natanggap mo naba yung card mo, I’m waiting for your rply, di ka namn sumasagot’ medyo irritableng saad nya sa telepono.
‘Um.. so-sorry, yes natanggap ko na .. um.. pero kasi.. parang may mali’
‘Why? Anong mali, did you check the balance? I made a deposit , 200k. Your account, gastusin mo muna yan while waiting for your visa’
‘Ha?! So it means..?!’
‘Yeah, thats yours, um.. i know how badly you need the money, and um.. yeah, alam kong nanganganib na mawala ang bahay nyo , ‘
‘Pe-pero’ na ngingilid na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko ito iniexpect. Sobra sobra na itong tulong sa pamilya ko. Grabe sya.
‘Alam kong di mo tatanggapin yan if i said na bigay ko so I aawas ko na lng yan sa perang mamanahin mo, okay ba yun?’ Eh then i heard him chuckled.
‘Salamat, maraming maraming salamat sir..’ i cant find the right words to say. Ito na yata ang pinaka magandang surpresang natanggap ko sa buong buhay ko.
‘Are you crying?’
‘Hi-hindi ah, pero kung di mo ko titigilan ng kasweetan mo ,baka ‘ sabay pahid ko sa mga luha kong lumandas na sa aking mukha.
‘Okay ill stop, baka isipin pa ng mama mo pinaiiyak kita,Cge na, mag boboarding na ako, and please ugaliin mong mag rply, ayoko ng pinaghihitay ako, okay?’
‘Yes sir..’
‘And again its Rico for you, pasalamat ka wala ako jan, kundi baka kanina pa kita-‘
‘Kanina pa ano?’ I bite my lower lips. Wanting to hear those words na minsan ay sinabi na nya sakin nung una nang minsang nagkamali akong tawagin syang sir.
‘Kanina pa kita nah*likan..’
Yun yun eh! Sabay tambling ng puso kong tila mabab*liw na sa sobrang kilig.
Bwis*t lang naiinlove na ba ko?!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top