The Handsome teacher inlove to her maid. Chapter 3


The Handsome teacher inlove to her maid.
Chapter 3
Melvin pov*
Ang Mr Monreal na iyon nakakatakot,tingin paang nakakamatay na! pakiramdam ko matagal na silang ma magkakilala,dahil kung umasta ng binatang Monreal ay pagmamay-ari nito ang dalaga.
Hindi kaya naging ex boyfriend ito ni teacher Rhianna? hindi naman magseselos ng ganoon kung manliligaw niya palang ito! may mali talaga sa kilos nilang dalawa,kahitbsaan ko tingnan.
Malalaman ko din ito! sa tamang panahon, gwapong lalake ngunit may pagka-bal*w, nais ba naman hiwain ang ang dibdib ko upang tingnan kong naka-ukit ang pangalan ng dalagang si Rhianna,bal*w lang ang mag- iisip doon na may makita siyang naka-ukit na pangalan sa loob ng puso.
May araw din sa akin ang lalaking iyon ,maghihintay lang ako ng tamang pag-kakataon,sisiguraduhin kong makakaganti din ako sa Monreal na iyon.
Lumipas pa ang ilang minuto ay tinatahak na nina steaven at Rhianna ang daan patungo sa paaralan kung saan gaganapin ang pagdiriwang ng anibersaryo ng paralang kanilang tinuturuan.
“Alam mo Rhianna, mahigit isang taon kitang hinanap ngayong natagpuan na kita ayaw ko ng pakawan ka at mawala ka pang muli,kaya sana maintindihan mo kung ganito aka ka protective saiyo, natatakot lang kasi akong maagaw ka at mawala ka ulit sa aking paningin.
Pakiramdam ko kasi Rhianna pag lumalapit ang Melvin na iyon saiyo ay aagawin ka niya sa akin. Lalake ako Rhianna takot maagawan ng aking pagmamay-ari. wika ng binatang si Steaven.
“Kailan mo pa ako naging pagmamay-ari Mr Monreal? hindi ako isang bagay na iyong angkinin basta-basta lang. wikang sagot ng dalagang si Rhianna.
“Mula ng gabing may nangyar sa ari sa atin ay pagmamay-ari na kita,kaya hwag kang umasta na hindi mo ako minahal, kasi kong hindi mo ako mahal hindi mo hahayaang may mangyari sa atin sa gabing iyon.wikang sagot ng binatang si Steaven.
“Kalimutan na natin ang nangyari na iyon, taon na ang lumipas Steaven nag -babago ang tao o ang nararamdaman sa bawat araw,linggo buwan na lumilipas, maaring mahal kita noon,pero hindi na ngayon.wikang sagot ng dalagang si Rhianna.
“Sinasabi mo bang hindi muna ako mahal? ramdam ko at kita ko sa mga mata mo ang pagka-sabik mo noong nagkita tayong muli.wikang sabi ni Steaven.
Dahil sa sinabi ng binata si Steaven ay hindi naka-sagot ang dalagang si Rhianna.
Melvin pov*
Naiinip ako sa paghihintay sa pagdating ng dalagang si Rhianna, nauna ako sa paaralang aming pinag-tuturuan,dahil nga sa binatang Monreal na dumating.
palakad lakad ako sa aking kinatatayuan,dahil naiinis at naiinip at nag aalala ako sa dalaga! baka mamaya ano na ginawa ng Monreal sa dalagang si Rhianna.
Nais kong bumalik sa bahay ng...


dalaga,hahakbang na sana ako pabalik sa aking sasakyan ng biglang may nag park na Lamborghini sa tabi ng aking sasakyan,namangha ako sa ganda nito.
Ngunit nagulat ako ng lumabas ang binatang Monreal at inalalayan ang dalagang si Rhianna.
Wow what a nice car’ saan at kanino mo naman narentahan iyan? wikang tanong ng binatang si Melvin.
“Ngayon ka lang nakakita ng isang guro na may sasakyang Lamborghini? alam mo sir Melvin hindi mo ako kilala,kayang kaya kong bilhin ang buhay mo,upang maging taga silbi ko .wika ng binatang si Steaven.
“Masyadong mataas naman ang tingin mo sa iyong sarili mo Mr Monreal, sa tingin mo ba ibebentang ko ang sarili ko para maging taga silbi mo lang! hindi mo man ako kasing yaman pero hindi ako aabot na ipagbili ko ang sarili kong kalayaan .wikang may paninindigan ng binatang si Melvin
“Bakit ipagbibili mo ba? alam mo sir Melvin kapag-mayaman ka lahat ng nais mo ay makukuha mo sa ayaw at sa gusto nila. kahit nga ang pag ibig ay kaya nitong bilhin.wikang sabi ng binatang si Steaven.
“Alam nyo tumigil na kayong dalawa! at ikaw steaven tigilan mon iyang sinasabi mo, bago ko makalimutan na ikaw ang date ko! masyadong mababa ang tingin mo sa ibang tao. wikang saway ng dalaga.
“Nag sasabi lang ako ng totoo, ano ba gusto mong gawin ko magpa-kasanto sa harap ng manliligaw mo? wikang tanong ng binatang si Steaven.
” Hindi mo kailangan mag-pakasanto, dahil hindi bagay saiyo,kahit magpaka-tao ka lang kahit kunti Mr Monreal. wika ng dalaga si Rhianna.
“Sure! kaya kong gawin iyang hinihiling mo basta sa tao,hwag sa mukhang hayop. wikang sagot ng binatanh si steaven sa dalagang si Rhianna.
“Ano gusto mong palabasin Mr Monreal na mukha akong hayop sa paningin mo? ang swerte ko namang hayop, dahil biniyayaan ako ng kagwapuhang taglay. wikang sagot ng binatang si Melvin.
“Haist ang kagwapuhan mong taglay mapapansin lang kong wala ako! ang ibig sabihin lang noon nasa likuran lang kita Mr Melvin. wikang sagot ng binatang si Steaven Monreal.
“Tumigil na kayong dalawa! pinag-titinginan na tayo ng mga tao sa ating palugid, nakakahiya kayong dalawa. wikang saway n dalagang si Rhianna sa mahinang boses ngunit may diin.
Dahil nga sa pag-saway ng dalagang si Rhianna ay tumigil ang dalawang binata sa kanilang pag-tatalo. Sabay sabay na rin silang pumasok kung saan gaganapin ang party.
“Maligayang pag-dalo sa ating Anibersaryo sa ating paaralan at maraming salamat sa mga mahal na mga gurong nanatili sa paaralan na ito. Maraming salamat sa pagsama ninyo sa ating paaralan sa hirap at sagana. wika ng may ari ng paaralang kanilang tinuturuan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top