MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR CHAPTER 12


MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR♥️♥️
.
CHAPTER 12
.
Labis na nag aalala si Kate, hindi daw talaga pwedeng magsolo sina Erica at Alvin, At dahil matalino naman si Kate naka-isip siya ng paraan si Kate para hindi mapagsolo sina Erica at Alvin, at hanggang sa—–
.
Kate : Aaahhhhhh…..arayyyy Alvin, tulungan mo ako, pinupulikat yong binti ko..arayyy…….(sigaw niya)
.
Nagkunwaring nalulunod si Kate dahil kunwari pinupulikat ang binti niya, nataranta naman si Alvin at agad na tumalon sa tubig upang sagapin si Katelyne..takot na takot si Alvin dahil nakikita niya na nalulunod si Katelyne, at ng mga sandaling iyon ay inis na inis naman si Erica, nasabi pa ni Erica na sana daw eh tuluyan ng ngang malunod si Katelyne at ng mamatay na daw, at hanggang sa pati si Abby ay nataranta dahil sa nakita niya na nalulunod ang kaibigan, kaya napalabas si Abby, at si Katelyne naman ay tuwang tuwa ng maramdaman na niya ang mga kamay ni Alvin sa katawan niya at yakap yakap na siya nito at inaahon na siya sa tubig, yumakap din naman siya ng mahigpit sa binata, at ng makaalis na sila sa tubig ay nagkunwari pa din siyang masakit ang mga laman sa hita at binti..nataranta naman si Alvin, kaya ipinunta ni Alvin si kate sa may malapit na cottage, at inilapag niya sa may upuang semento si Katelyne..at umarte pa din si kate na masakit ang mga laman ng hita at binti niya.
.
Kate : aray ko, ang sakit Alvin naninigas pa din!!(daing niya)
Alvin : oh my God, buti nalang at nandito pa ako ng sumakit ang binti mo, baka kung wala ako nalunod ka na..
Kate : oo nga, ang sakit aray ko!!!
Alvin : Abby, kumuha ka ng oil bilis!!(utos niya)
Kate : abby kahit huwag mong bilisan.
Abby : ha bakit?
Kate : baka kasi madapa ka kapag nagmadali ka, pag nangyari yun, dalawa pa tayong aalagaan niya.
Abby : oo nga ano.
.
Pinunasan ni Alvin ang basang hita at binti ni Kate ng tuwalya niya, nagdidiwang ang kalooban ni katelyne dahil, effetive ang arte niya, napaniwala niya si Alvin, at nakita ni kate na parang nagliliyab sa galit ang mukha ni Erica, si Alvin naman ay, abot ang lunok ng laway niya dahil sa mapuputi at makikinis na balat ng dalaga, at hanggang sa dumating na si Abby at dala dala ang langis na pinakuha ni Alvin,
.
Abby : sir eto na ang langis.
.
Nag-alala si abby sa kaibigan, at tumingin si Abby sa mukha ng kaibigan, at bigla siyang kinindatan ni Katelyne, napa-awang ang bibig ni Abby dahil alam na niya ang ibig sabihin ng kindat ng kaibigan.
.
Alvin : abby, pakisamahan si Erica, magbibihis na daw siya..
Abby : opo sir..
.
Inis na inis si Erica na pumasok ng bahay para magbihis, napakalaking sagabal daw ni kate sa kanila ni Alvin,, at samantala ay patuloy pa din ang daing ni Kate.
.
Nanginginig ang kamay ni Alvin habang, pinapahiran niya ng langis ang hita at binti ni Katelyne, napakabilis ng tibok ng puso ni Alvin parang may kabayong nagkakarera sa kanyang dibdib, sino ba namang hindi maakit sa napakakinis at napakalambot na mga hitat binti na iyon, na minsan na niyang naramdaman ang mga makinis at malambot na hita na iyon noong nasa baguio sila..at si Katelyne naman ay sobrang bilis din ng tibok ng puso niya dahil sa mga dampi ng mga palad ni Alvin sa hita at binti niya na ngayo’y minamasahe ni Alvin, matiyagang minamasahe ni Alvin ang kanyang binti’t hita, at hanggang sa nakatapos na si Erica na magbihis.
.
Erica : Alvin, ihatid mo na ako sa bahay!
.
Naglaho na nanaman ang sayang nadarama ni Katelyne, inis na inis siya kay Erica..
.
Alvin : okay ka na ba kate? Masakit pa ba?
Kate : masakit pa ng konti, pero okay na salamat.
Alvin : sigurado ka?
Kate : oo. Sige aakyat na ako.(sabay alis)
.
Hindi maipinta ang mukha ni Katelyne, talagang iniinis siya ng Erica na yan..
.
Kate : nakakainis!!!(sigaw nito ng nasa kwarto na siya)..buset na babae yan, pupunta punta dito na walang sasakyan tapos aabalahin pa yong taong nananahimik..
Abby : (biglang sumulpot sa likuran ni kate)..wag kang mag-alala hindi makaka-alis si sir..
Kate : abby, nandiyan ka pala.kanina ka pa ba diyan?
Abby : hindi kapapasok ko pa lang..bukas yong pinto kaya pumasok na ako..
Kate : anong ibig mong sabihing hindi makaka-alis si Alvin?
Abby : kasi Flat yong gulong ng isa niyang sasakyan at wala siyang airpump, nasira, at yong isang kotse naman niya ay nailalag niya ang susi, sa may halamanan at hindi niya napansin na nalaglag ito, at hindi niya makikita iyon dahil itatago ko muna…(ngumisi ng nakakaloko si Abby.
.
Nangiti na din si Kate, buti nalang at nandiyan si Abby na kakampi niya..hindi nga nagtagal ay tinatawag na ni Alvin si Abby.
.
Kate : ang galing naman, hmp akala niyang Erica na yan..
Alvin : abby!!!(malakas na tawag niya)
Abby : sir nandiyan na po..
.
Nagmadaling lumabas si Abby para lapitan ang amo.
.
Abby : sir bakit po?
Alvin : abby.,nawawala yong susi ko, hindi mo ba napansin?
Abby : hindi sir!
Alvin : saan ko kaya nailagay iyon?
Abby : abay hindi ko sir alam sa inyo, bakit po kasi napaka-ulyanin nio?
Alvin : kasi ang alam ko naibulsa ko yun eh, wala naman na sa pantalon ko..
Abby : o sige sir hahanapin ko dito sa may pool, itanong nio din po kay kate baka nakita niya.
.
Umakyat nga si Alvin sa taas at pumunta siya kay Katelyne..kumatok muna siya sa pinto ng kwarto ni katelyne, ngunit walang sumasagot, pinihit niya ang doorknob bukas ito, kaya pumasok na lang siya, at nang makapasok na si Alvin sa kwarto ay napag-alaman niyang nasa banyo ang dalaga, at samantalang si Katelyne naman ay may nakalimutan siya sa labas, nakalimutan niya ang kanyang towel, at hanggang sa pagbukas niya ng pinto ay laking gulat niya ng naroon si Alvin sa malapit sa may pinto ng banyo, kakatukin sana siya nito para itanong kung nakita niya ang susi, nagulat si Katelyne, kaya napaatras siya sa gulat niya at hindi naman niya akalain na hindi pala niya napulot ang nalaglag na sabon, sa may sahig at natapakan niya, at dahilan ng pagkakadulas niya at pagbagsak sa sahig.
.
Alvin : oh my God katelyne..(pinuntahan agad si Kate)
Kate : aray…..(naiiyak niyang daing)
.
Sa isip ni kate, mukhang nakarma siya sa pag-arte niya kanina, dahil hindi naman totoo na masakit ang binti at hita niya kanina. Pero ngayon totoo na yung sakit na nararamdaman niya..hindi na niya natiis ang sakit, dahil sa pagkakasaldak niya sa sahig, hindi niya napigilang umiyak sa sakit.,masakit ang balakang niya ngayon.
.
itinayo si Kate at binuhat, at ipinunta sa kama.
.
Alvin : hindi ka naman kasi nag-iingat!!!(sermon niyA)
Kate : ikaw kasi eh, bakit kasi nandiyan ka..
Alvin : kumakatok ako sa iyo hindi mo ako naririnig kaya pinihit ko yong doorknob eh bukas kaya nagtuloy na akong pumasok, eh kakatukin ko uli sana yong pinto ng banyo mo, eh bigla ka namang lumabas..itatanong ko lang sana kung nakita mo yong susi ko..
Kate : hindi ko nakita!
.
Akmang tatayo ang dalaga ngunit di siya makatayo agad dahil masakit ang balakang niya…kaya totoo na ang mga daing niya, totoo ng may masakit sa katawan niya..
.
Alvin : huwag ka muna kasing tumayo.mahiga ka muna diyan..
Kate : hindi pwede basa yong suot ko, mababasa yong kama ko..
Alvin : ako na lang ang kukuha sa damit mo.
.
At kumuha nga si Alvin ng damit ni katelyne sa closet ng dalaga, nanguha na lang siya ng kahit na anong damit ni katelyne, at ganun din ang underwear, natutuwa naman sa isip si Alvin dahil alam na nia ang isusuot ni katelyne na pangloob dahil siya ang kumuha noon. At hindi naman naka-ligtas sa mga mata ng dalaga na naka-guhit ang ngiti sa mga labi ni Alvin, habang inaabot ang damit sa dalaga.
.
Kate : bakit ka nakangiti?(sita niya)
Alvin : wala lang, naisip ko lang, ang malas mo ngayon araw na ito..
Kate : hmmp buti alam mo!!(nakairap pa siya sa binata)
Alvin : huwag kang magalit, sige na magbihis ka na..
Kate : paano akong magbibihis eh, hindi pa ako nakakapagbanlaw ng katawan ko..tulungan mo akong makapunta sa banyo..
Alvin : sige!!
.
At samantalang si Erica naman ay inip na inip na sa kakahintay kay Alvin sa baba, kaya umakyat na siya sa taas upang puntahan si Alvin, nasalubong ni Erica si Abby.
.
Erica : Hoy, nasaan si Alvin?
Abby : nandoon sa kwarto ni Katelyne..
Erica : saan yong kwarto ni katelyne?
Abby : dito oh..
.
Mula sa labas ay dinig nila Erica at Abby ang usapan nila Kate At Alvin..
.
Kate ; aray Alvin, dahan dahan lang masakit, huwag kang mabilis, aray—
Alvin : dinadahan dahan ko na nga, ayan malapit na tayo, konti nalang, malapit na..oh ayan na…..
.
At si Erica at Abby ay napapa-nganga sa mga naririnig nila sa loob na usapan nila Alvin at kate, hindi na nakatiis si Erica ay bumaba na lang siya at tuloy tuloy ng umalis sa bahay na iyon, sinundan naman ni Abby si Erica hanggang sa labas ng bahay, at hindi na nagpaalam pa,.tawang tawa naman si,Abby sa reaksiyon ni Erica ng marinig ang usapan ng dalawa, at si Abby din ay parehas din ng iniisip ni Erica, yun nga lang natutuwa si Abby sa isiping may nangyayari na sa dalawa..
.
Alvin : oh, ayan mag-iingat ka na diyan sa loob ng banyo, at hindi na kita matutulungan diyan..mag-gabay gabay ka nalang sa gilid, at kapag nakabihis ka na sabihin mo sakin, at aalalayan uli kitang maglakad.
Kate : sige salamat, diyan ka lang, huwag mo akong iiwanan.
Alvin : oo, dito lang ako, hihintayin kita na makalabas..
.
Inalalayan nga ni Alvin na makapasok sa banyo si katelyne, at hinintay niya itong makatapos, at inalalayan niya uli na makarating sa kama ng dalaga.
.
Kate : salamat Alvin ha.
Alvin : wala yun, mamaya ipa-check up natin yan, para mabigyan ka ng gamot ng doktor at para maampat ang sakit..
Kate : sige..
Alvin : ay si Erica nga pala, nakalimutan ko, sandali lang ha, bababain ko lang si Erica, huwag ka munang kumilos diyan ha.
.
At naiwan na si Katelyne na nag-puputok na nanaman ang kanyang butse.
.
Kate : hmp Erica na naman!!
.
nakakaramdam na naman ng inis ang dalaga..nasalubong naman ni Alvin si Abby sa may kusina,
.
Alvin : Abby, si Erica?
Abby : wala na sir patay na!!
Alvin : ano?
Abby ; ay ang ibig kong sabihin sir, namamatay na daw siya sa inip kaya umalis na.
Alvin : ganun ba!!
Abby ; oo sir. (Nakangiti niyang sabi)
Alvin : oh bakit, parang ang saya mo?
Abby :,wala sir!!(nakangiti pa niyang sabi)
Alvin : tulungan mo akong hanapin yong susi at idadala ko sa clinic si katelyne.
.
Nawala ang ngiti sa mga labi ni abby, napalitan ito ng pag-aalala..pinuntahan ni Abby ang kaibigan.
.
Abby : Jusko, anong nangyare sayo kate..(nag-aalala niyang tanong)
Kate : ang sakit abby..
Abby : ha, naku talaga bang hindi mo nakayanan si sir, kasi naman ang laki ni sir kaya malaki din ang ano niya——
Kate : anong pinagsasabi mo diyan?
Abby : alam mo na na yong kuwan ni sir?? Kasi kanina narinig namin ni sir habang may ginagawa kayo, sabi mo dahan dahan lang Alvin at masakit.
Kate : (binatukan ang kaibigan)
Abby : aray ko!
Kate : baliw ka, nasaldak ako sa banyo, hindi ako makalakad dahil sa sakit ng balakang ko kaya ako umaaray, nagpatulong kasi akong makapunta sa banyo kay alvin.
Abby : (napanganga uli)..ganun ba, akala ko nag aano kayo ni Sir–
Kate : sira talaga, ang dumi ng isip mo!!
Abby : sorry naman!! Pero may good news ako, dahil kasama ko si Luka luka kanina na narinig din niya ang usapan nio ni Sir, kaya ang akala niya ay may ginagawa kayo ni sir Alvin..
Kate : totoo?
Abby : oo. Kaya nga umalis na lang siya bigla, dahil sa akala niya ay nag aano kayo ni Sir.
Kate : ganun!!!.(nakangiti niyang sabi)
Abby ; oo
Kate : well may kabuluhan pala ang pagkakasaldak ko..tagumpay ako.,,(natutuwa niyang sabi)..huhuhu pero masakit ang balakang ko abby!!.(daing niya)
Abby : okay lang yan.,madali lang ang gamot niyan..
Kate : ano?
Abby : ipahilot mo kay sir Alvin!
Kate : ay grabe ka, ayoko naman na ah..
Abby : eh bakit kanina, nagpahilot ka, pero aminin mo sakin. Hindi totoo yong mga pulikat mo kanina ano?
.
Sakto naman na paakyat si Alvin sa taas at papasok na ito sa kwarto ni katelyne.
.
Kate : huwag ka ng maingay, nandiyan na siya!
Alvin : abby, hindi mo pa ba nakikita yong susi?
Abby : nakita na sir, eto oh..(sabay labas ng susi sa bulsa)
Alvin : saan mo ba nakita ito. Nahihilo na akong kakahanap eh.,hindi mo pa...


sinabing nakita mo na..
Abby : ay sorry sir.
Alvin : halika na, Kate idadala na kita sa clinic.
.
Umabot ng tatlong araw ang pagsakit ng balakang ni Katelyne, inalagaan naman siya ni Alvin, si Erica naman ay hindi na nagpunta buhat nun, na bagay na ipinagpapasalamat ni Katelyne, na sana nga ay hindi na magpunta ang babae na iyon sa bahay ni Alvin, at haggang sa isang hapon ay Kadadating ni Abby at Kate galing sa mall dahil sumama si Kate na nag-grocery kay Abby, tuloy ay nag-libot silang mag-kaibigan..at ng naka uwi na sila sa bahay ay nadatnan nilang nasa garden sila Alvin at Erica na nag-uusap,
.
Abby : naku, may aswang na naman dito sa bahay, sandali nga at makapag-pitpit ng bawang at maipakain sa aswang na yan.
.
Naiinis na umakyat sa kwarto si katelyne..nang-gigigil talaga siya sa babae na iyon, at si Alvin din ay kinaiinisan na niya, dahil daw sa kabila ng mga panloloko at pamamahiya ni Erica sa kanya ay nakukuha pa daw estimahin ni Alvin, kaya nag-isip na naman siya ng paraan kung paano niya maitataboy si Erica..at mula sa bintana niya ay tanaw niya ang sasakyan ni Vince sa may Gate, dali dali niyang tinungo ang gate upang pagbuksan ang kaibigan.
.
Vince : hi!!
Kate : Vince buti pumunta ka, tamang tama, kailangan ko ng tulong mo.
Vince : ha bakit?
Kate : basta.
.
At pumasok sina Kate at Vince sa loob ng bahay, at nalukot ang mukha ni Alvin ng matanawan niya sa loob ng bahay niya si Vince na kausap si Kate at magkatabi pa sa may sopa ang dalawa at halos magkadikit na magkatabi ang dalawa..uminit ang ulo ni Alvin kaya, naaya na lang niyang magswimming si Erica..at samantalang. Mula sa labas ay kita ni Kate na naghuhubad ng damit si Alvin, at ganun din si Erica, napalaki ang mga mata ni kate ng nakaready si Erica na naka swimmsuit at two piece na din ang sout nito..kaya sinabi na din ni kate kung ano ang maitutulong sa kanya ni Vince, dahil sa apat na taon na nilang magkaibigan ng lalaki ay lahat ng problema niya at ang buhay niya ay ikinukwento niya kay Vince..nagulat si Vince sa hinihinging tulong ng kaibigan.
.
Vince : ano? Grabe ka, kahirap naman ng pinapagawa mo sakin.
Kate : please Vince kailangan kong makasiguro kong wala talagang pagtingin si Alvin sakin.
Vince : pagseselosin mo si Alvin ganun ba?
Kate ; oo dahil, kapag nakikita ka sumasama ang timplada niya na parang galit,siya.
Vince : oh my God, ang laki laking tao niyan oh,baka mamaya magselos nga umbagin ako niyan, masisira ang beauty ko!!!
Kate : huwag kang maingay kailagang hindi niya mahalata na girl ka!!
Vince : naku ha, siguraduhin mong hindi ako mapapahamak sa ginagawa mo.
Kate : ako ang bahala!
Vince : okay, okay, what do you want me to do?
Kate : makiki-join tayo sa kanila sa pag-suswimming, Tapos kailangan maging sweet ka sakin ha..
Vince : oh my Goodness!!wala naman akong panligo..
Kate : meron si abby na naitatagong swim trunks,sandali at kukuhanin ko sa,kanya..
Vince : ganun, bakit meron siyang ganun?
.
Kinakabahan talaga si Vince sa pinapagawa sa kanya ni kate, kung hindi niya lang kaibigan si kate ay hindi niya gagawin iyon..
.
Kate : o eto magpalit kana, ayon yong banyo..
,
tinuro ni Kate ang banyo sa kusina, at tinawag niya si Abby para samahan si Vince..tuwang tuwa naman si Abby dahil crush niya si Vince, kilala na ni Abby si Vince dahil laging ikinukwento sa kanya ni kate si vince, at nakikita niya si vince kapag lumalabas sila ni kate na nagpupunta sila sa mall..at alam din ni abby na may pagka-pusong babae si Vince, pero kahit daw may pagkapusong babae si Vince ay crush pa din niya ito,.at hanggang sa nakapagpalit na sila Kate at Vince ng pang swimming, namangha naman sina Abby at Vince kay Kate dahil napakaganda ng hubog ng katawan nito sa suot niyang two piece swimsuit, mas daring ang suot niya na halos konti na lang ang natatakpan..
.
Vince : ayy….girl nakaka-inggit ka naman, ang ganda ng shape ng body mo!!
Kate : hay grabe ka, umayos ka nga!!
Vince : ay sorry..ops wait!!
Kate : ano?
Vince : make sure na kapag uumbagin ako ni Alvin ay mapipigilan mo siya. Kung hindi mabubuking tayo, kasi titili ako!!
Kate : ano ka ba, umayos ka Vince para hindi tayo mabuking.
Vince : ay basta, titili talaga ako! Ang ganda ganda ng face ko ngayon, baka mamaya mamaga na sa pagumbag niyang si Papa Alvin.
.
Natawa na lang si Katelyne sa sinabi ng kaibigan.
.
Kate : oo na!
.
At nakarating na sila sa kinaroroonan nila Alvin at Erica na ngayo’y sarap na sarap sa paliligo si Erica ngunit hindi si Alvin.
.
Kate : hi, join kami sa inyo!(paseksing naglakad sa gilid ng pool)
.
Nagulat si Alvin ng makita niya si Kate, dahil sa suot nito, at talagang nakita ni kate na humanga si Alvin sa kanya, dahil natulala ito habang nakatitig sa kanya, at ng dumako naman ang paningin ni Alvin kay vince ay dumilim ang mukha nito..nagdiwang ang kalooban ni katelyne, dahil hindi siya nabigo sa inaasahang reaksiyon ni Alvin..si Vince naman ay kinakabahan ng mga oras na iyon.
.
Vince : kate, sinasabi ko sayo ha..(bulong sa kaibigan)
.
Hindi naman naging maganda sa tingin ni Alvin ang pagbulong nito kay Kate.na halos mahalikan pa ni Vince ang dalaga.
.
Kate : come baby, sabay tayong mag-dive(sabi niya kay Vince)
.
Nakita ni kate na napakagat labi si Alvin dahil mukhang naiinis ito..
At sabay ngang nag-dive ang dalawa, at medyo matagal ang pagsisid nilang dalawa ni Vince at sabay na umahon, pag-ahon ng dalawa ay magkayakap pa ang mga ito..tuluyan ng nakaramdam ng selos si Alvin kay Vince, napakasweet ng dalawa naghaharutan ang mga ito, hindi na nakatiis si Alvin na makita pa sina kate at vince na naghaharutan, kaya umahon na lang si Alvin at walang kibong umalis sa lugar na iyon.
.
Erica : Hey Alvin, darling.ayaw mo nang maligo?
.
Hindi na sinagot ni Alvin ang tanong ni Erica, tuluyan na siyang pumasok sa bahay, at pumasok na siya sa kanyang kwarto, naka-kuyom ang mga kamao niya dahil sa galit na nararamdaman niya, galit sa sarili dahil bakit ba kasi naduwag siya na magtapat kay Katelyne ng nararamdaman, ang inaalala niya kasi ay baka isipin ni katelyne na sinasamantala niya ang mga pagtulong niya sa dalaga na kapalit ng pag-ibig nito, o baka isipin na binili niya ang pag-ibig nito dahil sa pinag-aral at ibinigay ang lahat ng pangangailangan..dahil ang totoo ay labis labis na niyang minamahal ang dalaga noon pa man..minsan pa siyang tumanaw sa kanyang bintana na kung saan tanaw niya ang mga naliligo sa pool..parang sinasaksak ang puso niya sa nakikita..napakasaya ng dalawang tao na nagtatampisaw sa tubig..at hanggang sa nakapagbihis na si Alvin at lumabas na siya ng kwarto niya upang ihatid na si Erica.
.
Abby : Kate, wala na sila sir Alvin at ang aswang umalis na sila..
Kate : ganun ba..(malungkot niyang sabi)
.
Napalitan ng lungkot ang kanyang kasiyahan kanina, masaya siya kanina dahil nakita talaga sa mukha ni Alvin na selos na selos ito..pero ngayon malungkot na siya dahil sa isiping magkasama sina Alvin at Erica, .
.
Vince : ano okay ka lang?
Kate : hindi.
.
nagpasalamat si Kate sa kaibigang si vince, nakahinga naman ng maluwag si Vince dahil hindi siya naka-tikim ng sapak mula kay Alvin..
.
Vince : grabe ang tingin sakin ni Alvin kanina, pRang gusto niyang basagin yong mukha ko, natakot talaga ako.
Kate : sorry, at saka di ko naman hahYaan na mangayri yun.
.
at hanggang sa nagpaalam na si Vince na uuwi, at samantala naman lumipas ang mga oras at malapit ng mag-madaling araw ay hindi pa dumadating si Alvin, naiiyak na si Katelyne dahil sa isip niya ay baka magkasama pa din sina Erica at Alvin ng mga oras na ito..at ang iniisip pa ni Katelyne ay doon na nagpalipas ng gabi sa condo ni Erica ang binata at napahagulgol na siya sa isiping si Erica at Alvin ay magkayakap ngayon sa iisang kama..parang mamamatay siya sa isiping iyon, kaya napapasabunot siya sa kanyang buhok, dahil ayaw niyang isipin na ganun ang nagaganap sa dalawa ngayon, at ilang oras pa ang lumipas alas dos y medya na ng may narinig na ugong ng sasakyan si Erica dahil ibinukas niya ang kanyang bintana upang marinig niya ang sasakyan ni Alvin kung sakaling dadating na ito. At ayon nga sa wakas ay dumating na si Alvin..nakabuo ng isang plano si Katelyne, kailangan hindi magtagumpay si Erica sa mga plano nito, kailangang maunahan niya si Erica dahil hindi deserve ni Alvin si Erica..bago siya lumabas ng kwarto ay sinigurado niyang magandang maganda siya sa paningin ni Alvin, at nagsuot siya ng pantulog na manipis na manipis, na talagang maaaninaw ang kanyang katawan, at bago siya lumabas ng kwarto ay nagwisik muna siya ng pabango..hanggang sa nasa may pintuan na siya ng bahay at pinagbukas niya ng pinto si Alvin.
.
Alvin : Hi(nakangiting bati niya)..bakit gising ka pa?
.
Naamoy ni katelyne ang hininga ni Alvin na,amoy alak kaya alam niyang nakainom ang binata.
.
Alvin : bakit hindi ka pa natutulog?
Kate : hindi kasi ako makatulog eh..mukhang naka-inom ka ah..
Alvin : oo, pero konti lang yong nainum ko.
.
Hanggang sa tuluyan ng pumasok si Alvin sa bahay, at si Alvin na ang nagsara ng pinto, nananatili lang si Kate sa kanyang kinatatayuan, inoobserbahan niya ang kilos ni Alvin kung susuray suray ito, pero sa tingin naman niya ay ayos namang maglakad ito, pero sinundan niya si Alvin na umakyat dahil nag-aalala siya na baka magkamali ito sa hagdan baka mahulog, at hanggang sa nakarating na ito sa taas at kasunod siya, nagtaka si Katelyne na kung bakit sa kwarto niya ito pumasok at nahiga na ito sa kanyang kama..hindi na nagsalita si Kate dahil natutuwa siya dahil mukhang umaayon ang pagkakataon sa kanyang balak, at hanggang sa nakita niyang nakapikit na si Alvin. Pero hindi niya alam kung tulog na ito..dahan dahang umupo si Katelyne sa gilid ng kama sa tabi ni Alvin, at tinitigan niya ang mukha ni Alvin kung tulog na ito.
.
Kate : Alvin?
.
Hindi kumibo si Alvin, kaya sa isip niya ay tulog na nga ito..kaya ang ginawa ni Katelyne ay tinanggal niya ang sapatos ni Alvin, at nang matanggal na ang sapatos ay tinabihan na niya ang natutulog na binata, huminga muna siya ng malalim bago niya isakatuparan ang kanyang balak, kailangan niya ng lakas ng loob para maisagawa niya ang plano, sabi nga niya sa sarili niya ay bahala na!! Gagawin niya ang lahat mapasa-kanya lang ang binata, kaya Aakitin na niya si Alvin, dahil mahal na mahal niya ito.
.
Kate : (sa isip)..im sorry Alvin kailangan kong gawin ito, mahal na mahal kita, at hindi ako papayag na makipagbalikan ka pa sa Erica na yun.
.
At inumpisahan na niya ang balak kay Alvin unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ni Alvin at nalanghap niya ang amoy alak sa hininga ng binata, pero hindi niya pinansin ang amoy na iyon, para sa kanya ay mabango parin ang hininga nito..at hanggang sa tuluyan ng lumapat ang mga labi niya sa labi ni Alvin, at habang hinahalikan niya si Alvin ay isa isa na niyang tinatanggal ang mga bitunes ng polo ni Alvin, at hanggang sa natanggal na nga niya iyon, at marahan niyang hinihinas ang dibdib ni Alvin, at hanggang sa ang marahan na paghalik niya sa binata ay nagiging madiin na, dahil gusto na niyang gisingin si Alvin, at hindi nga nagtagal ay yumayakap na sa kanya si Alvin sa kanyang bewang, at gumaganti na ito ng halik sa kanya..sobrang nasabik ang bawat isa sa kanila na maramdamang muli ang matatamis na halik na iyon, sobrang sabik na sabik si Alvin na matikman muli ang mga malalambot na labi ng dalaga, madaming taon siyang nagtimpi dahil ayaw niyang isipin ni katelyne na sinasamantala niya ito, dahil sa mga tulong niya, ano nga daw ang magagawa niya kung talagang mahal na niya ang dalaga, at ganun din naman ang dalaga, nag-uumapaw sa galak ang puso ni Katelyne dahil, ito na at tagumpay na siya sa kanyang plano, at hindi lang dahil sa plano niya siya naging masaya, kundi talaga din na mahal niya ang binata..at hanggang sa ang mga damit ng dalaga ay tuluyan ng nawala sa katawan niya, at ganun din si Alvin, at hanggang sa handa na si Katelyne na ipagkaloob ang sarili kay alvin, at si Alvin naman ay wala na siyang inaksayang oras pinagpatuloy na niya ang pag-angkin sa dalaga..walang makapang pagsisisi si Katelyne sa nangyari, na ngayon ay pinagsasaluhan nila ang masasayang sandali, naguumapaw ang ligaya sa mga puso ng dalawang may mga lihim na pagmahal, at si Katelyne ay maligayang maligaya na dahil ang lalaking pinagkalooban niya ng kanyang pagka-babae ay ang kanyang Knight in shining Armour….
,
Itutuloy..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top