My BestFriend’s Husband Chapter 29


#Mystery_Triller_Romantic_Drama
💙Andrew POV
Pag gising ko sa umaga nakita ko ang magandang mukha ng asawa kong si Megan. Hindi ako makapaniwala totoo ba ang nakikita ko na katabi ngayon sa pagtulog si Megan.
Hinawakan ko ang pisngi nya… Totoo ngang katabi ko sya. Katabi ko si Megan.
Nakita ko ang pagdilat ng mga mata nya at nakangiti sya saakin.
Totoo bang nagbalik na sya saakin?
“Good morning!” sabay sabi pa nya saakin. Hindi kaya nananaginip lang ako?
Pero kung panaginip ito sana hindi na ako magising pa.
Nyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.
Pero bigla syang kumawala sa pagkakayakap ko sa kanya at bigla akong pinagbabatukan. May galit ba ito saakin ang sakit nyang mambatok.
Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at bigla akong nakatanggap ng sampal.
“Bakit ka ba nanakit?” Sabi ko.
“Anong ginagawa ko dito.” Isang pamilyar na bosis ang narinig ko. . Naalala ko nga pala dito natulog si Tiffany. Bad trip.
“Ano ba ang ginagawa mo?” Galit na sabi ni Stephanie na iwan kung sino nanaman sya si tiffany ba o si step.
“Akala ko kasi ikaw si Megan. ” Nahihiya kong sabi.
” Nanaginip ka ata ng gising. Paano naman ako magiging si Megan. ” Reklamo nyang sabi
” Sorry na nga eh….. at saka wag ka nang matutulog sa kwarto ko
napagkakamalan tuloy kita na si Megan…. kaya sa susunod hindi na kita papasukin pa dito. ” Inis kung sabi.
“Nagpumilit ba akong pumasok dito?” Pa inocente pa nyang sabi
“Malamang nagpumilit ka! ”
“Hindi ako yun si Tiffany yun.”
“Alam kong si Tiffany yun kung maari Pagsabihan mo yang si Tiffany . na hinding hindi nya ako maakit.” Inis kong sabi.
“Inaakit kaba nya?” Nahihiya pa nyang sabi.
“Malamang!”
“Ako na ang humihingi ng pasinsya. Hindi na ito mauulit. ”
“Dapat lang. . ”
“Sigi babalik na ako sa kwarto ko.”
“Mabuti pa nga. . Baka may makakita pa sayo na dito ka natulog pag isipan pa tayo ng masama. ”
**************
🌺Step POV
Nagmadali akong lumabas sa kwarto ni Andrew. . Hindi ko inaasahan na magigising ako sa tabi nya. Bakit ba ganito si Tiffany.
Hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si Hena nakita nya ang paglabas ko sa kwarto ng kuya nya.
” Teka. Natulog kaba sa kwarto ni kuya?” Mataray na sabi saakin ni Hena. May pagkamaldita din pala ang batang to.
” Ah! Hindi may kinuha lang ako sa kwarto nya.” Pagdadahilan ko. . Aalis na sana ako pero bigla nya akong hinarangan .
“Sinungaling. Kagigising mo nga lang eh alam ko doon ka natulog sa kwarto ni Kuya. hindi mo ako maluluko At saka napapansin ko na lagi kayong magkasama ni kuya. Hindi mo ba alam na may asawa na ang kuya ko. Bakit ka lapit ng lapit sa kanya. Sa ginagawa mong yan nagmumukha ka nang 3rd Party. ” Pang iinis na sabi saakin ng malditang batang ito.
“Pasinsya kana di kita papatulan sa pang iinis mo saakin papalampasin ko nalang .”
Magpapatuloy na sana ako sa pagpasok ko sa kwarto ko pero pinigilan parin nya ako.
” kinakausap pa kita. . ”
Biglang pa nyang sabi saakin kaya lang pakiramdam ko Susulpot nanaman si Tiffany. . Malaking gulo ito pag sya ang magpakita.
Bigla nang nag iba ang aura ni Stephanie. Lumabas na ang mapaghiganting si Tiffany.
🌺Tiffany POV
(Mapaghiganting Tiffany)
Bigla kong hinawakan ang kamay ni Hena sa pagkakahawak nya sa buhok ko. Bigla kasi nya itong hinila. Amg pinaka ayaw ko ay yung hinihila ang buhok ko.
Gusto ko sanang baliin ang kamay ng malditang babaing ito.. kaya lang kawawa naman pag binali ko kaya binitawan ko na ang kamay nya dahil ramdam ko na nasaktan sya sa ginawa ko.
” Ano ba ang Problema mong bata ka!” Inis kong sabi. Kahit kailan diko nagustuhan ang pag uugali ni Hena.
“Wala akong problema. Ikaw mayron dahil pumatol ka kay kuya kahit may asawa na ang kuya ko. Diba mag bestfriend kayo ni Megan. . Bakit mo inaakit si Kuya. ” Inis na sabi saakin ni Hena.
“Wala naman dito si Megan. Diba nga iniwan na sya ni Megan. Kaya saakin ang Kuya mo. Bakit naiingit kaba dahil mas close pa kami ng kuya mo kesa sayo. ” inis ko ding sabi kay Hena
” Ako maiinggit. Hindi ako naiinggit sa inyo? Bakit naman ako maiinggit sa inyo eh kapated lang ako. Hindi ako naiinggit sayo dahil kabit ka lang ng kuya ko.”
Biglang kumulo ang dugo ko sa batang ito ah.. ano kaya kung patulan kita para matikman mo ang galit ko.
” Hindi ako kab*t ng kuya mo. At Hindi mo alam kung sino ako. Baka mabigla ka pag malaman mo kung sino talaga ako.”
“Hindi kona kailangang kilalanin kong sino ka dahil ang alam ko kab*t ka ng kuya ko. .” Taas kilay pa nyang sabi saakin. Hinahamon talga ako ng batang to kaya hindi ako nakatiis kaya sinampal ko...


sya ng malakas.
Kita ko ang pagka gulat nya ng sampalin ko sya.
“Bago mo sabihing kab*t ako ng kuya mo . . Kilalanin mo mona ako. ” inis kong sabi sa kanya para matauhan na ang batang to.
” Malandi ka yun ang alam ko..” Sigaw pa saakin ni Hena at inulit ko nanamn ang pagsampal sa kanya.
” Akala mo hindi kita papatulan bata ka. Kung maldita ka pwes mas maldita ako sayo tandaan mo yan. ” Galit ko ding sabi.
Sa subrang inis saakin ni Hena ay bigla nya akong sinabunotan ..
“Aba lalaban ka.!”
Gumanti din ako ng sabunot sa kanya. Hanggang sa napahiga na kami sa pgsasabunotan. Matagal na panahong hindi ako nakapanakit ng tao kaya sakanya ko ibinuhos ang galit ko sa mundo.
Nang maramdamdan kong may lalabas sa kwarto ay hinayaan ko si Hena na pumaibabaw saakin at hinayaan ko din syang gantihan ako. Hindi na ako lumaban pa.
Para ako yung mag mukhang inapi.
Kalalabas lang ni Andrew ng Kwarto nya. Mukhang narinig nya kami mula sa kwarto nya.
“Stop it! ” Sigaw nya kay Hena at dinampot mula sa ibabaw ko. Nag kunwari akong nasaktan sa ginawa ni hena at nagkunwari akong umiyak.
“Anong kaguluhang ito?” Galit na sabi ni Andrew
“Yang kapated mo. Bigla akong sinabunotan.” Naiiyak kong sabi
” Ginawa ko yun dahil sinampal nya ako kuya” pag dipensa nya sa sarili nya.
“Bakit sinampal mo ang kapated ko.” Galit na sabi saakin ni Andrew
“Sya ang nauna bigla nya akong hinarangan ng makita nya akong kalalabas lang sa kwarto mo. Kung ano anong masasakit na sinabi nya saakin. Hahayaan ko nasa sya kaya lang bigla nyang hinila ang buhok ko. Pinagtanggol ko lang naman ang sarili.”
“Hindi ko naman nilakasan ang paghila ko. ”
“Hena! Tama na! Mali ang ginawa mo”
“Pero nasaktan ako kuya.” Naiiyak na sabi ni Hena.
“Pero mas nasaktan sya Hena. Buntis sya alamo yun. Alamo ku ang ugali mo. Kaya wag kanang magkaila pa sa ginawa mo”.
Pasekreto akong napangiti dahil ako ang kinampihan ni Andrew kesa kapatid nya
Naiiyak namn si Hena
“Bakit sya ang kinakampihan mo kuya. Ako talaga ang napurohan sa aming dalawa. Nagpapanggap lang syang nasasaktan. ” Naiiyak na sabi ni Hena.
“wala akong kinakampihan sa inyong dalawa. . Gusto ku lang na itigil nyo ang pag aaway nyo. Para kayong mga bata. ”
“Ako na ang humihingi ng pasinsya. Ako ang mas matanda dapat hindi ko sya pinatulan. Pero nauna syang saktan ako.” Pa inocenting sabi ko. Ganon ako umarti
“Nagsisinungaling sya kuya. Sya ang unang sumampal sa akin. ”
“Pero pinagsabihan mo ako ng masama. Pinagsabihan mo akong kab*t ng kuya mo.
“Totoo bang sinabi mo yan kay Stephanie? ” Biglang sulpot ni Lola.
“Oo sinabi ko yun sa kanya pero hindi tama na sampalin nya ako. “.
” Mali talaga ang ginawa mo kay Stephanie. Hindi mo sya dapat pagsabihan ng ganon..Magsorry ka sa kanya Hena.” Sabi ni Lola kay Hena.
“Ano? Bakit ako? Ako ung yung nasaktan dito. Bakit ako ang mag sosorry.”
“Alam kung ikaw ang nagsisimula ng away dito Hena. Kaya mag sorry ka sa kanya.
“hindi ako mag sosorry. Bakit totoo naman ah na maland* sya na inaak*t nya si kuya. ”
Bigla nalang syang sinampal ni Lola. Yan ang dapat sa mga batang maldita. Ganyan nga magkasakitan na kayong lahat. Nakakatuwa silang pag masdan pag ganito ang nakikita kong Eksina.
“Ano ba ang nangyayari sayo hena, hindi ka naming pinalaki na bastos.”
“Kahit kailan hinding hindi ako magsosorry sa kanya. ”
Patakbong umalis si Hena at pumasok sa loob ng kwarto nya.
Ibinaling saakin ang attetion ni Lola.
“nasaktan kaba iha, may masakit ba sayo? ” Pag aalalang sabi sa akin ni Lola.
” Wala naman po lola! Hindi po ako nasaktan. Babalik na po ako sa kwarto ko.”
“Sigurado kang hindi ka nasaktan. ” Tanong din saakin ni Andrew bakas din sa mukha nya ang pag aalala.
” Ok lang talaga ako. ”
Dahil mas napurohan si Hena. Dapat lang yun sa kanya para naman katakutan na nya ako sa muli naming pag totoos.
Pumasok na ako sa kwarto ko. Buti hindi ako nahalata ni Andrew na ako si Tiffany.
Hindi talaga mawala ang pag ka inis ko kay Hena. Hanggang ngayon kumukulo ang dugo ko.
“buti lang yun sa kanya. Akala mo kung sino . Kahit nakakabata kitang kapated kailangan ka paring bigyan ng liksyun. Hinding hindi mona pweding apihin si Megan sa pagkatao ko. Dahil ako ang makakalaban mo. Kahit magkadugo pa tayo. Ang buhay nga naman . . Mapag laro. Sino naman kya ang susunod kung iinisin si Lola? Si papa? Ah…. Hindi ko pa na memeet si Mrs. Vanisa. Sisiguraduhin kong mamatay kayo sa takot pag sinimulan kuna ang pag hihiganti ko”
Para akong nababal*w sa pagtawa ko sa loob ng banyo ko.
Siguro nga nababal*w na ako sa paghihigante ko.
To be continue.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top