My love My hero Chapter 1


Pinagmasdan ni Greena ang malaki at magarang bahay na tumambad sa kanya pagkahinto ng taxi na sinasakyan niya. Bahagya niyang binaba ang suot niyang salamin upang pagmasdan ng mabuti.
Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nakita siya ng mansyon na maituturing Hindi naman papahuli ang bahay Nina Randolph ang dating nobyo.
Mabilis niyang pinalalis sa isipan ang tungkol dito.Dapat niyang kalimutan ang anumang bagay na may kaugnayan dito.naroon siya para magsimula ng panibagong buhay
“Miss,ito na ba angg hinahanap?” Narinig niyang tanong ng driver ng taxi.
Tiningnan niya ang address na nakasulat sa notepad niya.tumutugma naman ang Numero ng bahay.sigurado siyang iyon ang ba nga ang na sadya na.”ito na nga ho iyon,” aniya sa driver.dumukot siya ng pera at binayaran ito “salamat ho,”.umibis na siya ng sasakyan.bumaba rin ang driver upang Kunin ang may-kalakihang ding bag niya Mula sa compartment ng sasakyan.
Nang makaalis na Ang taxi ay nanatili pa rin siyang nakatitig sa kabuuan ng malaking bahay.Doon siya titira sa susunod na anim na buwan bilang private at stay-in tutor ng pitong taong gulang na anak ni Dr.Arabella Antonio.sa dyaryo niya nakita ang job announcement na iyon sa maynila.Dalawang araw pa lang Silang magkahiwalay noon ni Randolph.naisip niyang ang trabahong iyon ay magandang paraan upang makalayo at makalimut.
Lumuwas agad siya nang...


sumunod na araw para sa interview.sa clinic ni Dr,Antonio sa Makati naganap iyon.Bata pa ito,tila magkasing edad lamang sila.
Nang magkaharap sila ay sandaling nanatili lamang na nakatitig ito sa kanya,pagkatapos ay ngumiti ito.hindi ito nagtanong ng tungkol sa anak nito.
Wla raw makasundo ang anak nitong si Stanley sa mga naging tutor nito.Inamin nitong mahirap pakisamahan ang anak nito,pilyo,medyo troubled.
“So, I’ll be expecting you next week, Miss Arlejo,” nakangiting wika nito
Ikinagulat niya iyon.hindi niya inaasahang nang araw ding iyon ay tatanggapin siya nito.
“I knew you were the one for the job the moment you entered the room,” anito,marahil nabasa ang pagkagulat sa Mukha niya .
Bago paman siya lumuwas ay nagbabalak na talaga siyang umalis sa tagutay,habang Hindi pa normal na inaanunsiyo ang engagement ni Randolph sa babaeng pinili ng. Mommy nito para dito.hindi niya gugustuhing nation pa siya kung pumutuk ang balitang iyon.alam ng lahat na siya ang nobya nito,Lalo na sa eskwelahang pinagtaratrabahuan niya dahil lagi siyang sinusundo room ni randolph.tiyak na magiging tampulang siya ng usap usapan kapag nalamn ng mga tao na iba ang babaeng papakasalan ni Randolph…..
Yan nalang po muna… ❤️❤️❤️❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top