INVISIBLE GIRL CHAPTER 3


HARDHEADED VS. HARDHEADED

Sapu-sapo ko ang ulo ko nang bumangon mula sa kama. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil bigla akong namahay. Dumagdag pa ang masungit na lalaking iyon na nagpapiga ng utak ko sa kakaisip ng paraan para lamang mapaamo ang isang tulad nito.
Bigla akong napatingin sa orasan. 7:25 AM. sa mga oras na ito ay dapat ay nasa opisina na ako at payapa na nagta-trabaho. Ang alam ng mga ka-officemate ko ay naka-vacation leave ako for one month. Wala silang kaalam-alam sa ginagawa kong kababalaghan kasabwat ang boss namin.
Naalala kong bigla si Jena. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang naging reaksiyon ng kaibigan kong iyon nang magdahilan akong uuwi sa amin. Parang nakatunog ang bruha na nagsisinungaling lang ako. At sa tingin ko ay napilitan lang siyang maniwala sa mga alibi ko. Wala naman akong balak na sabihin sa kanya ang tungkol sa pagpapanggap ko. I know that she’s been a good friend and faithful to me. But knowing her BIG MOUTH, baka siya pa ang magpahamak sa akin. Lalo na at kasama ko rin siya sa trabaho. Nagkalat pa man din ang mga mae-EPAL sa opisina.
Q__Q Mami-miss ko talaga ng sobra ang bruhang iyon. Lalo na ang siomai bonding namin dalawa.
Nakaligo na ako nang lumabas ng kuwarto. At dire-diretso na bumaba ng hagdanan.
<__< to the left. >__> to the right.
Saan ba dito ang papuntang kusina? Mukhang maliligaw pa yata ako.
I chose the left hallway instead.
Lakad…
Lakad…
0__0 Bumungad sa akin ang malawak na garden. Bumalik ako sa pinanggagalingan ko.
Lakad…
Lakad…
Teka! Saang lupalop na ba siya naroon? Ang laki naman kasi ng bahay na ito.
Lakad…
Lakad…
Shit! Nagugutom na ako. Wala na bang katapusan itong paglalakad ko? T__T
I almost jumped in suprise, nang may biglang kumalabit sa akin mula sa likuran.
^~~^ Akala ko mumu. Si Nana Tonya lang pala.
“Ineng saan ba ang punta mo?” Nakangiting tanong niya sa akin.
“Hinahanap ko po yung kusina. Hindi ko po makita.”
“Halika rito. Tamang-tama nakapaghanda na ako ng agahan.” At hinila niya ako sa kamay.
Ek! Nagpakahirap pa ako. Eh na nasa gilid lang pala ng hagdanan yung hinahanap ko.
@__@ Wow! Bumungad sa akin ang mga nakahaing pagkain sa mesa. Mukhang mapapasabak ako nito ng todo.
“Kumain ka lang ng kumain jan. Huwag kang mahihiya.”
Ako mahihiya? Kailan nangyari iyon?
Busy ako sa pag-lafang nang mayroon akong maalala.
“Nasaan po si Mam Lorie?”
“Kagabi pa siya umalis. Meron yata siyang business trip sa… sa Hongkong ba yon?”
T__T Iniwan na naman niya ako!
“Huwag kang mag-alala nandito naman ako. Hindi kita pababayaan. Kung kinakailangan natin ibitin ng patiwarik si Riley para lamang tumino, bakit hindi?”
“Seryoso kayo?”
“Pinapatawa lang kita ineng. Para ka kasing naiiyak dyan.”
Bigla akong napangiti. Mukhang magkakasundo kaming dalawa ni Nana Tonya.
“Para po ba kay Riley iyan?” Ang tinutukoy ko ay ang hinahanda niyang pagkain sa tray.
“Oo. Kailangan na muna niyang mag-almusal para makainom siya ng gamot niya.”
“Ako na po ang magdadala nyan sa kanya.”
“Sigurado ka ba?”
Tumango ako habang patuloy na kumakain.
“Sige, ikaw ang bahala.”
Katahimikan…
“Alam kong may katigasan ng ulo si Riley. Pero mabait naman ang batang iyon.”
“Huwag po kayong mag-alala Nana Tonya, kaya ko po ang sarili ko. Subukan lang niyang magloko talagang makakatikim siya sa akin.”
Napatawa ng malakas ang matanda. “Gusto kitang bata ka!”
Bitbit ko ang almusal ni Riley nang maabutan ko ang dalawang katulong na nagtatalo sa tapat ng kuwarto ng binata.
“Ikaw na!”
“Di, ikaw na lang!”
“Ayoko, baka masigawan na naman ako ni Sir.”
“Mas lalong ayoko. Nakakatakot kaya siya.”
“Ako nang gigising sa kanya.”
Biglang nagulat ang dalawa sa pagsulpot ko.
“Kayo pala Mam Samantha!” Lenny yata ang pangalan nito. Lumapit siya sa akin at akmang kukunin ang dala kong tray.
“No, kaya ko na ito. Pakibukas na lang ang pintuan.”
Agad namang tumalima ang isang katulong.
“Sigurado po ba kayo Mam? Bigla na lang po nagbabagong anyo si Sir Riley kapag naiistorbo sa pagtulog.”
“Nagbabagong anyo din ako lalo na kapag nasisigawan.”
Napahagikgik sila sa sinabi ko. Akala siguro nila nagbibiro ako.
“Goodluck po,” pahabol sa akin ni Lenny nang tuluyan akong makapasok sa loob.
Nadatnan ko si Riley na natutulog pa rin sa kama nito. Nilapag ko muna ang bitbit kong tray bago ko ito nilapitan.
“Hey sleepy head, wake up!”
Kumilos si Riley paharap sa akin, pero nanatili pa rin tulog.
Guwapo na sana, panira lang ang mahaba nitong balbas.
Muli ko siyang ginising at marahan na tinapik sa pisngi.
“Baby… honey… sweetie… darling… huy!” Lahat na yata ng klase ng endearment ay nasabi ko na. Pero himbing na himbing pa rin siya.
Buhusan ko kaya ito ng malamig na tubig?
When suddenly he smile at me. As if he is dreaming.
Oh shit! Ang guwapo niya putek!
But to my surprise nang bigla na lang umaangat ang kamay ni Riley at marahas na hinila ako sa braso. Bumagsak ako sa ibabaw ng katawan niya. At bago pa ako makakilos ay mabilis na pumulupot ang mga kamay niya sa katawan ko. He reverse our position instantly. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya.
0___0 ako
-__- siya
May ilang sandali kami nasa ganoong posiyon.
I was still in shock when he finally open his eyes. Tila doon lang ito tuluyang nagising nang maramdaman nito ang katawan ko.
“Who the hell are you?”
Doon lang ako nagkalakas ng loob na itulak siya palayo sa akin, sabay tayo.
“I said who are you?” Gulat na gulat na tanong niya.
I couldn’t seem to find my voice. My heart was beating so fast that I could hardly breathe.
“Hindi ka ba talaga magsasalita? N-nana Tonya!”
“I-its me…”
“Samantha? I thought…”
“Akala mo umalis na ako. Sorry ka na lang pero matigas ang ulo ko.” Naka-recover rin ako sa wakas.
Nag-isang linya na naman ang mga mata ni Riley.
“Hep! Bago ka magalit sa akin, kainin mo muna itong almusal mo. Sabi ni Nana Tonya kumain ka raw muna bago mo inumin itong mga gamot mo.”
Wala na itong nagawa ng hilahin ko siya at igiya sa mini-dining table na naroon malapit sa may veranda. Akmang isusubo ko sa kanya ang hawak kong kutsara nang pigilan nito ang kamay ko.
“Don’t bother, kaya ko ang sarili ko.” He said in a cold voice.
“Okay.” Sabi mo eh. Hindi naman ako mahirap kausap.
Ngunit ilang minuto na ang nakaraan ay hindi pa rin ito kumikilos. Hindi man lang ito nagtangka na galawin ang pagkain na nasa harapan nito.
“Hello! Riley, are you still there? O baka naman tinulugan mo na ako.”
“Walang akong gana. Iligpit...


mo na iyan.”
Hay! Heto na naman kami.
“Kumain ka kahit konti lang. Para naman mainom mo na itong gamot mo.”
“Bingi ka ba? O kailangan kong ulitin ang sinabi ko.”
“Sabi ko nga wala kang gana!” Tumayo na ako at ibinalik ang pagkain sa tray.
Biglang tayo rin si Riley at nabunggo niya ang mesa na muntikan na niyang ikatumba. Mabuti na lang at naalalayan ko siya kaagad.
Huli na nang ma-realize ko na halos nakayakap na pala ako sa kanya.
“If you think you can seduce me, then think again.”
Nag-init ang mukha ko sa narinig. At mabilis na kumalas sa kanya.
“You’re dreaming… gutom lang iyan! Kumain ka na nga lang!”
“Ayoko ngang kumain!”
“Akala ko ba wala kang ganang kumain. Magkaiba ang walang gana sa nag-iinarte.”
“Bakit ba ang kulit mo?”
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo?
“Look who’s talking?
“Matigas ang lang ulo ko pero hindi ako maarte.”
Tsk.. si Riley. -__- Itsura nito mukhang mapipikon na sa kanya.
“Kakain ka ba o gusto mong i-seduce kita?”
“It won’t work on me.”
“Oh come on! Uy.. ung isang mamang masungit jan, na-miss ako.”
May pasundut-sundot pa ako sa tagiliran niya.
“Stop it Sam!”
Haha.. Hindi ko mapigilang matawa. Panay kasi ang igtad ni Riley sa tuwing tutusukin ko siya sa tagiliran.
“Sam, hindi ka na nakakatawa! Stop it! Para kang bata!”
HIndi pa rin ako tumitigil. Panay naman ang atras niya.
“Samantha!” Final warning na niya.
Saka lang ako huminto. “Okay, fine! Hindi na kita pipiliting kumain kung ayaw mo talaga. Hindi naman ako ang magugutom.”
Binitbit ko na ang tray at akmang lalabas ng silid nito nang muli akong makaisip ng kalokohan. Sinundot ko siya ulit sa tagiliran at muli itong napaigtad. Ang lakas ng tawa ko.
^ o ^ ako
>__< siya "Babalik na lang ako Baby Boy kapag gusto mo nang kumain." Nakangiting sabi ko ng tuluyang lumabas ng silid nito.
I could stil hear Samantha’s laughter outside. Maybe laughing at her hearts content. Hindi ko alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isipan nito. She’s acting really weird since yesterday. As if she’s not my ex-girlfriend.
Actually I’m expecting her to cry like a river and act like a drama queen while begging for my forgiveness. But the woman who showed up yesterday was exactly the opposite of her. She handles the situation very lightly without the drama. She doesn’t even care, kung magalit ako at masigawan ko siya.
Did she still loves me? Or just care about me?
Damn!…Sumakit lang tuloy ang ulo. Bakit pa kasi niya iniisip ang babaing iyon?
I already made a decision last night. Dapat kong panindigan iyon. If she wanted to stay, wala na akong magagawa roon. At kung anuman ang dahilan nito, the hell I care!
Shit! Narinig niyang nagrereklamo na ang kanyang tiyan. Nagugutom na siya. Hindi pa man siya naghapunan kagabi dahil sa biglaang pagdating ni Samantha.
I lied to her nang sabihin kong wala akong gana at ayokong kumain. Ginawa ko iyon para sana inisin siya. To get even on her.
Pero nag-bommerang sa akin ang ginawa ko. Sa halip ako ang nainis at napikon sa childish act niya. And the worst, binitbit pa niya ang breakfast ko. Akala ko pa naman iiwanan niya iyon.
Tawagan ko kaya si Nana Nonya at magpaakyat ng pagkain?
Nah! Mapapahiya lang ako kapag ginawa ko iyon. Siguradong tutuksuhin lang ako ni Samantha.
Makapagtubig na nga lang!
Tumayo ako at tinanya ang bawat hakbang ko. Mula nang mawalan ako ng paningin ay sinanay ko na ang sarili ko na kumilos nang walang umaalalay sa akin. I want to be on my own. Siguro kaya naging ganito ako kasungit ay dahil ayoko nang masyadong atensyon.
My Mom, siya lang naman ang over reacting sa sitwasyon ko. Akala kasi niya gusto ko nang mamatay. She couldn’t understand that I just wanted to find myself. Maybe this is my way of coping from the break up and tragedy. I have my reason why I wouldn’t want to undergo the surgery.
The doctor says that I have 85% chance to bring back my sight. But what if it didn’t succeed? Parang hindi ko kayang tanggapin iyon.
Bog!
Ouch!
Tumama ang noo ko sa pader. I made a wrong move.
Kapa!
Kapa!
Kapa!
Where it is?
Pucha! Sinong naglipat ng inuminan ko?

Awtomatikong natingin ako sa itaas nang marinig ko ang malakas na boses ni Riley.
“Nana Tonya si Mila na lang po ang papuntahin nyo kay Sir Riley.” Si Lenny na napatigil sa ginagawa.
“Bakit ako?” Reklamo ni Mila. ” Eh ikaw ang tinatawag?”
Nangingiti na lang ako habang abala sa pagnguya ng fruit salad.
“O bakit kayo nakatingin sa akin?” Napahinto ako sa pagkain.
“Close naman kayo ni Sir Riley di ba?” Si Lenny.
“At saka kanina narinig po namin kayong tumatawa. Ibig sabihin mabait po sa inyo si Sir.” Si Mila.
“So?”
Iyon na naman ang sigaw ni Riley.
“Mam Samantha sige na po”, sabay napagmamakaawa ng dalawa.
“Do I have any choice?” Sabi ko na lang na parang napipilitan pero nakangiti.
“What’s your problem Baby boy?”
“Hindi ikaw ang tinatawag ko?”
I rolled my eyes.
“Where are they? Lenny! Mila!”
“They wouldn’t come.”
“Because you told them?”
“Natatakot silang lumapit sayo.”
“Bakit ikaw, hindi?”
“Hindi ka naman nangangagat.”
He smirk.
“Get me a glass of water. Nauuhaw ako.”
Kung makasigaw wagas, eh mang-uutos lang naman!
“Here.” Inaabot ko sa kanya ang dala kong tubig. At inilagay sa kamay niya.
“May kailangan ba kayo, mahal na prinsipe?”
“Stop it!”
“What? Wala naman akong ginagawa.”
“Stop acting like that.”
“Like what?”
“L-like…” Hindi nito maituloy ang sasabihin.
“Gutom lang iyan Baby boy. Here, kumain ka na.”
“Ayo-”
Hindi na ito nakapiyok nang isubo ko sa bibig niya ang pagkain.
“Kagabi pa walang laman ang tiyan mo sabi ni Nana Tonya. Kaya kahit ayaw mo kelangan mo pa ring kumain.”
“Don’t treat me like child.” Sabi nito sa pagitan ng pagnguya.
“Then don’t act like one.”
Hay… Kailan ba mauubusan ng lintanya ang lalaking ito?
Ang daming reklamo. Nakaka-stress.
Nagulat na lang ako ng bigla na lang hubarin ni Riley ang t-shirt nito.
“W-what are you doing?”
“Meron bang maliligo na naka-damit?” Bumalik na naman ang masungit nitong tono. At sinunod na hubarin ang suot na padjama.
Napalunok ako sa tumambad na katawan sa harapan ko.
Oh my!
“W-wait!” Mabilis na pigil ko nang isusunod na nitong hubarin ang suot na brief.
Baka himatayin na ako kapag nakita ko ang nasa likod ng brief nito.
“Ano na naman?”
>___< ganito na ang itsura ni Riley. "Pwede ka naman maligo kahit na ka-brief eh." "What's the difference? Nakita mo na rin naman."






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top