Unexpected Kiss◇
Muriel POV
Vanilla or Chocolate?
Hirap mag-decide!
“Kuya ano ba mas masarap dito?” tanong ko dun sa crew. Sabay pakita sa kanya ng hawak kong Magnum Ice Cream na nasa magkabila kong kamay.
“Eh Mam, pareho lang naman po.” Sagot nito na nagkamot pa ng ulo.
Natural parehong masarap, mahal eh!
Muli kong tinignan ang hawak kong Magnum.
Vanilla na nga lang! Sabay bitaw dun sa chocolate flavor at dumiretso ako sa cashier.
Sa sobrang inis ko kanina napalabas tuloy ako ng bahay at dinala ako ng mga paa ko sa 7-Eleven. Kailangan kong magpalamig. Kaya nga napagtripan kong kumain ng Magnum. Baka sakali mawala ang init ng ulo ko. Bumili rin ako ng sanitary napkin. Kaya pala ganon na lang ang topak ko, meron na pala ako nang hindi ko namamalayan.
Tsk! Ang bagal naman ng kahera! Tatlong katao pa ang pagitan bago ako.
Inip!
Inip!
“Bakla, libre mo ako ng slurpee.”
“Bruha ka ala kaya akong pera.”
“Eh bat nagyaya ka rito kung wala ka palang pera?”
“Sayo nga sana ako magpapalibre eh.”
Teka! Parang familiar sa akin ang mga tinig na iyon!
Dahan-dahan akong lumingon.
O__O putcha! Sina Jena at Ichi!
Paano sila napadpad rito?
“Walang hiya ka, pinaglakad mo ako ng dalawang kanto para lang magpalibre!” boses iyon ni Jena na ume-echo sa buong store.
“Girl naman, sige na! Kahit pautangin mo nalang ako. Ala na talaga akong anda.” Ang baklang si Ichi na kasamahan din niya sa trabaho.
Malapit nga lang pala ito sa opisina namin. Bakit ba hindi ko naisip iyon?
Mabuti na lang at may hood ung sinuot kong cardigan kaya nilagay ko iyon sa ulo ko.
Hindi nila ako pwedeng makita dito!
Sa wakas at turn ko na rin sa pila. “Ate pakibilisan lang po.” Sabi ko dun sa kahera. Kailangan ko na talagang makaalis sa lugar na iyon.
0 . o Ganito ang itsura ng kahera nang tumingin sa akin.
“Ang kuripot mo talaga. Buti pa si Muriel hindi mahirap lapitan. Madamot!” Lintanya ni Ichi.
“Kung si Muriel nauuto mo, ako hindi.”
May ganon!
“Speaking of Muriel, ano na balita sa dun?” Si Ichi ulit.
“Ewan ko sa babaing iyon? Kanina tinawagan ko pero binabaan lang ako ng bruha. Sabi niya tatawag siya pero hanggang ngayon wala pa rin.”
“Baka busy lang… busy sa lalaki! Hahaha… Hayaan mo na siya para naman magkaroon na siya ng lovelife at nang hindi na umiinit ang ulo niya.”
Mga salbahe! T__T
Kunsabagay, tama rin naman si Ichi. Busy nga siya sa lalaki, sa lalaking anak ng Boss niya na ubod ng sungit at demanding.
“Mam sukli nyo po”, agad kong inaabot ang baryang inaabot sa akin ng kahera.
Makaeskapo na nga. Bago pa nila ako makita dito.
Habang naglalakad ako pauwi, hindi pa nga nangangalahati ang Magnum ko nang may biglang matigas na bagay ang biglang humampas sa braso ko.
Shit!
Napayuko ako sa damit ko. Dumikit doon ang kinakain kong Magnum. Anak ng tokwa, nakaputi pa man din akong t-shirt!
Nag-init na naman ang ulo ko!
May isang lalaki ang tumatakbong lumapit sa akin. Nakasuot siya ng asul na jersey sando at short at naliligo sa sariling pawis.
“Sorry Miss hindi ko sinasadya.” Nakangiti niyang sabi sa akin.
Kung nakakamatay lang ang tingin na pinukol ko sa kanya malamang ay natumba na siya.
“Sorry talaga!” Hindi nawawala ang mga ngiti niya na parang pang-commercial ng toothpaste.
Lalo akong sumimangot.
Akala yata niya madadaan niya ako sa pangiti-ngiti niya!
Lumipad ang mga mata ko sa bola ng basketball na tumama sa akin kanina. Bago pa iyon madampot ng lalaki ay sinipa ko iyon palayo rito.
Napalakas yata ang pagkakasipa ko kaya tumilapon iyon sa kabilang kalsada.
I smirked.
But he smiled instead.
Nakakaloko na ang lalaking ito!
Narinig kong naghiyawan na ang mga kasamahan nitong naglalaro sa court.
“Oh come on! Get the ball! Mamaya ka na lumandi dyan!” Sigaw ng isa sa mga kasamahan nito.
Ngunit tila wala itong narinig.
“By the way I’m Mark, and you are?” Inilahad pa nito ang kamay sa akin.
Awtomatikong umangat ang kilay ko at tinignan ang nakalahad niyang kamay. Sa halip na tanggapin iyon ay tinapik ko ang kamay niya.
“Get lost!” I snapped. Sabay talikod.
Hambog! Anong akala niya, madadala niya ako sa pagpapa-cute niya?
“Until we meet again, Miss pretty!” Narinig ko pang sigaw nung lalaki nang makalayo na ako.
Leche! Sinayang mo yung Magnum ko!
“Muriel, umalis ka pala sana tinawagan mo ako ng sa ganon ay nasundo kita.” Bati sa akin ni Manong Bay habang naglilinis ito ng sasakyan.
Napangiti ako nang marinig kong muli ang pangalan ko. Sa ilang araw ko sa mansion na iyon, ngayon lang ulit may tumawag sa akin sa pangalan ko.
^__^ Nawala siguro sa loob niya ang habilin ni Mam Lorie.
Si Manong Bay lamang ang kakilala ko sa loob at labas ng trabaho. Personal driver siya ni Mam Lorie. Minsan kapag libreng oras niya ay tumulong siya sa amin sa opisina at maasahan namin sa pagbili ng pagkain.
“Dyan lang naman po sa labasan. Meron lang po akong binili.”
“Ganon ba? Basta kapag may kailangan ka, mag-text ka lang sa akin.”
Tumango ako. “Sige po.” At pumasok na...