CRAZY EX-WIFE CHAPTER 9


CRAZY EX-WIFE”
CHAPTER 9
– LARA –
Nakita ko na sobrang balisa si Lorraine dahilan para maging wild syA. Hindi ko alam Kung bakit bigla nalang syang naging ganito ulit. Maraming natatakot sa kanya dahil parang gusto nyang manakit sa tuwing may gustong lumapit sa kanya. kahit ako ay parang hindi narin nya nakikilala
Kinabahan ako ng buhatin nya Ang anak ng iba at inangkin nya na anak nya. Sumigaw Ang tatay ng bata dahil baka saktan nito Ang kanyang anak .
” Ang anak ko! Kunin nyo sa babaeng Yan Ang anak ko! Kung hindi, papatayin ko talaga Yan bakit nya inaangkin Ang anak ko ?! ” Nagtataka Rin ako Kung bakit inaangkin ni Lorraine Ang anak ng iba Kung nasa NICU Ang anak nya . Hindi nya pa siguro nakikita Ang anak nya Kaya Akala nya namatay Ito.
” W-Wag! Pakiusap wag nyo na syang patulan! Pasyente ko syA at may pinagdadaanan talaga si Lorraine kaya hayaan nyong ako na Ang kumausap sa kanya wag nyo sya sasaktan dahil Lalo syang magagalit . Iniwan syA ng asawa nya at ngayon Akala nya pati anak nya nawala sa kanya. Wala na sya sa tamang pag-iisip Kaya unawain muna natin syA. Relax Lang Po kayo Sir, kukunin ko Po Ang anak nyo ng maayos ”
” Baby ko.. uuwi na tayo masyado Silang maingay ”
” Lorraine, tumingin ka sakin ako to si Lara pwede ko bang mahawakan Ang baby mo? ” Inilayo nya sakin Ang baby at Ang sama ng tingin nya sakin dahil akala nya ay may gagawin ako sa batang hawak nya
” AYoko sayo! Umalis ka!! ” Sigaw nya sakin
” Ayos lang Lorraine.. wag ka magalit tutulungan Kita. Gusto mong umalis? Sige aalis tayo. ”
” Aalis kami ng baby ko?”
” Oo aalis tayo pero umiiyak Ang baby mo nagugutom na sya. Ito oh, may gatas ako paiinumin ko syA. Hindi ko syA kukunin wag Kang mag alala ”
” Doc Ben turukan nyo muna syA ng pampatulog para marelax syA kapag nakuha ko na Ang baby ”
” Sige. Baka pati Yung tahi nya bumigay nadin masyado nyang pinupwersa Ang sarili nyang kumilos ”
Dahan-dahan nyang inabot sakin Ang baby pero masama Ang tingin nya at naninigurado parin syA. Nagbigay ako ng signal sa nurse na nasa likuran nya Kaya tinurukan nya ng mabilis si Lorraine at natumba Ito at sinalo naman nila.
Naawa ako sa ginawa Kay Lorraine pero Wala kaming choice.
...


” Kamusta na Ang anak ni Lorraine?” Tanong ko sa isang nurse habang papunta sa NICU .
” Ok napo syA Doc . Balak na nga Po namin idala Kay Mrs. Gonzales Kaya Lang, Ganon nangyare sa kanya. Akala nya siguro Yung anak nya Yong pinag uusapan kanina pareho kasi ng apelyido narinig nya siguro”
Binuhat ko Ang baby ni Lorraine at hinihingi na Ang pangalan nya pero Hindi ko naman alam Ang ipapangalan ko sa kanya. Hindi kasi nabanggit sakin ni Lorraine at Kung syA pa Ang hihintayin ko, paniguradong Hindi nya ako masasagot ng maayos dahil Wala Nanaman syA sa sarili . Pinuntahan ako ni Alex nang malaman nya Ang nangyare at nasa tabi ko na syA ngayon.
” Ikaw na muna Ang bumigay ng pangalan sa kanya . Maiintindihan naman yon ni Lorraine kapag gumaling na ulit syA”
” Sige. Lance Reyden nalang ipapangalan natin sa kanya . Lance Reyden Gonzales ”
” Maganda . Ayos Yan Lara ”
” Pero sinong mag aalaga ng batang to? Hindi ko Sila kayang pagsabayin ng mama nya? Papa ampon nalang ba muna natin to? Kelangan muna kasi nating gamutin Ang mama nya para maalagaan sya”
” Hindi. Magagalit lang si Lorraine kapag pinaampon natin Ang anak nya sa iba . Baka mahirapan pa tayong hanapin syA paglaki nya pag nilayo syA satin ng umampon sa kanya . Ikaw nalang muna tumayong Ina sa kanya Lara. “..
” Ano?” Nagulat ako sa opinyon nya Hindi dahil ayaw ko pero dahil wala akong alam sa pagiging tunay na magulang. Oo may pinag aralan ako pero iba talaga kapag tunay na Ina Yung gumawa ..
” Alam Kong nahihirapan ka Kung Paano pero kelangan nating magtulungan . Ako na Ang bahala Kay Lorraine dadalhin ko nalang muna syA sa Ibang Bansa. ”
” Alex sigurado kaba? Nakakahiya na masyado sayo. Hindi mo naman sila problema at hindi mo naman kilala si Lorraine ”
” Ang mga taong mahalaga sayo ay mahalaga narin sakin. Ang kaibigan mo ay kaibigan ko narin . Maliit lang na bagay to para sayo Lara. Kaya mo Yan Lara magtiwala ka sa sarili mo. ”
Kesa mapunta nga naman sa ibang Tao Ang anak ni Lorraine ako nalang magpapalaki habang nagpapagaling sya. Wala naman akong asawa at anak Kaya mabuti narin siguro Ito para sakin Kaya kahit di ko alam Kung paano ako magsisimula ay pipilitin kong matutunan ang mga bagay na Hindi ko pa nasusubukan. Napabuntong hininga ako ng maisip ko Ang sakripisyong gagawin ko para Kay Lorraine.
Pinuntahan ko si Lorraine at inilapag sa tabi nya si Lance Reyden. Tumigil sa pag iyak Ang anak nya.
“Hinahanap mo Lang pala Ang mama mo” nakaramdam ako ng lungkot ng maisip ko na magkakahiwalay sila ng anak nya .






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top